Chapter 28

58 3 1
                                    

Author's EPAL: Kahit nahihilo ako, mag-a-UPDATE pa din ako. HAHAHA. Dahil mahal ko kayo. Ayieee!!!!

Pero, pwede nyo ding gantihan ng VOTES at COMMENT ^o^

==============================================================================

Chapter 28

Me-Anne's POV

Hanggang ngayon, parang nananaginip lang ako. Hindi ko man lang naisip na kaya nya pala akong sabihan ng ganun. Hayy. Nakaka-stress!!! Two weeks. Two weeks na kong ganto. Higit sampung araw na kong tulala at problemado. Bakit ko nga ba pino-problema yun? Kung ayaw nya talaga sakin. Edi wag! Di ba? Ganun lang naman kadali yun e. Sa ganda kong to, CHOOSY pa sya!!! HAHAHA. Kidding aside lang po.

After a week nga pala, nakipag break na ko kay Endrick. Para kasing nakikipaglokohan na ko nun e. Pero, hindi nya pa din tanggap. Naiintindihan ko naman sya e. Sobrang mahal na mahal nya ko. Pero, He deserves someone better. Someone, na hindi siya lolokohin. Someone, na kayang pantayan o higitan ang love na binibigay nya. Someone who could stay forever. Someone na kaya siyang alagaan. And I know, that's not me. But, one thing for sure, dadating din sa kanya yun.

"What? Sa Italy ka na mag-aaral. Bessy. Wag mo naman akong iwan dito." Naka-pout na sabi nya. Nakapagdesisyon na kasi ako. Kailangan kong lumayo dito. Gusto ko na kasing maka-move-on. And I think, eto ang paraan. Ang lumayo, malayo kay JB.

"Yeah! Pero, one-month preparation pa naman. Aayusin ko pa ang papers ko sa skul." Sa totoo lang, dati pa sana  balak ni Dad na doon na ko mag-aral. Kasi nandon na sila Mommy at Kuya. Pero, I chose to stay for Endrick and Bessy. Pero ngayon, I need to go. I need to let go. Malay naten, pagbalik ko dito. Wala na yung feeling ko para kay JB.

Hindi ko kasi siya makakalimutan, kung sa araw-araw na lang ng ginawa ng Diyos ay magkikita kame. At kung sa araw-araw na yun, tinatanong at kinukulit ako ni Endrick about dun sa break-up namin.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Naka-pout pa din siya. Kumuha ako ng Juice at binigay sa kanya. Pampalubag-loob man lang.

"Oo e. Pero, babalik naman ako. Tyaka, di na man titigil ang pagiging bestfriends naten.

"Okay. Sa tingin ko di na kita mapipigilan. Pero, pwede bang  sagutin mo muna ko. Bakit ba kasi biglang alis ka?" Seryosong tanong nito. Hindi ko na kasi kinuwento sa kanya yung nangyari samen ni JB. Yung mga sinabi nya. Alam nyo na, baka magkaroon ng World War 3. Hahaha xD

"Wala lang. Miss ko na din kasi sila Mommy." 5months na din sila don. Pinapadalhan na lang nila ako ng Pera. Nakahanap na si Kuya ng work don. Si mommy naman, taong bahay lang siya sa Italy. Sa Italy kasi nagta-trabaho si Daddy. Na-promote din sya dun.

"Tungkol ba to kay Endrick? At kay JB?" Ayan na naman po sya sa tanong na yan.

"Wala sa kanilang dalawa. Tyaka. Bessy. Pwede bang satin-satin na lang to. Wag mong sasabihing aalis na ko."

"Okay." Alam ko nagtatampo pa rin siya. Di ko naman siya masisisi e.

*******

After three-weeks. Nag drop na ko sa school. Hiniling ko sa Dean na wag nang ipaalam sa iba. Pati na rin sa mga prof. ko. Ayoko din kasing kumalat.

Nandito ako sa school. Kinukuha ang mga Documents na dapat kong kunin.

"Aalis ka na pala Bakla. Lilipat ka nang school. San naman?" Tanong nang Registrar namin. Bading ito kaya may kalandian ang pananalita.

"Secret. HAHAHA." Ayoko din kasing paalam sa kanya. Mamaya, kumalat pa sa buong school.

"May pa-secret-secret ka pa!! Dalaw ka pa rin dito kahit di ka na dito nag-aaral."

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon