Author's EPAL: Pasensya na po kayo kung mabagal akong mag-update huh. Lalo na yung mga binibigyan ko ng E-book/ .TXT copy ng story ko. Hindi na po kasi ako nakakagawa ng copy e. Pero try ko huh. Anyway, malaking pasalamat ko kasi, patuloy nyo pa ring sinusuportahan ang story ko. Malapit na pong matapos ang BOOK 1.
===================
Chapter 40..
JB's POV
Pagkatapos ng pag-amin ko sa kanya na may nangyari samin ni Avah. Umiyak lang siya ng umiyak. Niyakap ko siya. Para kahit papaano, gumaan ang loob nya. Hindi nya siguro namalayan na sa kakaiyak nya. Napagod na siya at nakatulog.
Naawa ako sa kanya. At the same time, nasasaktan ako. Kasi dahil sakin, nasasaktan ko siya. Sana pala, kinuha ko muna ang opinyon at paliwanag nya. Bago ako mag-react. E di sana, hindi ganito ang nangyari.
Naiinis ako sa sarili ko. Paano ko nagawang saktan siya ng ganito. Para kameng pinaglalaruan ng tadhana. Natatandaan ko pa.. nung Highschool kame. Takot na takot akong mainlove sa kanya. Una, dahil ayoko talaga sa kanya. Maligalig kasi siya. Pangalawa, natatakot din akong masaktan siya. Hindi kasi ako yung taong mahilig magseryoso. Pero, nung panahon na naramdaman ko na.. espesyal siya. Parang unti-unti nya kong nababago. Na alam ko sa sarili ko na walang ibang nakakagawa kundi siya lang.
Natatandaan ko din ng nagpatulong akong manligaw sa kanya. Ngayon ko lang na-realize na ang TANGA-TANGA ko pala. Para ko kasi siyang sinasaksak. Dahil nagpatulong ako sa kanya. Hindi ko man lang namamalayan na nasasaktan ko na siya.
At nang dumating na ang panahon na inamin na nya. Hindi naman pwedeng maging kame. Dahil yun yung panahon na may sakit si Coreen.
At noong college kame, nang hahanapin ko na siya sa Manila. Na-discover ko naman na siya ang girlfriend ng bestfriend ko. Nasabihan ko pa siya ng TANGA. Para lang layuan nya ko. At para lang hindi kame magkasakitan.
At ngayon, kung kailan, right time na. KAME na. Kung kung kailan, handa na kameng magmahalan. Dumating naman ang mga problema.
Minsan nga, gusto ko ng sumuko. Pero, mas malaking bahagi ang nagsasabi sakin at nag-uudyok sakin na WAG AKONG SUMUKO. Alam nyo ba kung bakit??? Kasi MAHAL NA MAHAL KO SI ME-ANNE. Handa akong gawin ang lahat para sa kanya.
Sabi nga ni Ate Clare, "Kapag nararamdaman mo na.. na gusto mo nang sumuko. O isuko ang relasyong meron kayo. Isipin mo rin ang dahilan kung BAKIT KA NAGKAROON NG RELASYON sa taong yun. Isipin mo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin siya hinihiwalayan. Hindi mo dapat takasan ang mga bagay na nagpapahirap sa relasyon nyo ngayon. Kasi, kung susuko ka ngayon. Wala kang mapagtatagumpayan bukas o sa hinaharap."
"Kaya Me-Anne. Wag tayong susuko huh. Tandaan mo, mahal na mahal kita. And I will do everything, wag mo lang akong iiwan. Please." Napansin ko naman ang pagtulo ng luha ko.
Para akong tanga. Kasi kinakausap ko si Me-Anne habang natutulog siya. "Me-Anne. I love you. I love you so much." Pagkasabi ko nun ay hinalikan ko siya sa Noo at humiga sa tabi nya. At sinabayan ko siya sa pagtulog.
*********
Me-Anne's POV
(Author's EPAL: PA-EPAL muna ko. Ewan ko mga READERS. Naiiyak talaga ko. Pwamis... :'{ )
"Nakatulog pala ko." Nasabi ko nang nagising ako. Tinignan ko din kung anong oras na. 9:30pm na pala.
Umupo ako sa kama. At tinignan ang nasa tabi ko. Si JB. Nakatulog din pala siya.
"Ang gwapo-gwapo talaga." Ngumiti ako. Habang hinihimas ang buhok nya. "JB?? Sobrang mahal na mahal kita. Alam mo yan. Pero bakit ganun. Lagi na lang hindi umaayon ang sitwasyon satin. Para ba talaga tayo sa isa't isa." Naluha ako sa mga nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung naririnig ako ni JB. Gusto ko lang siyang kausapin ng ganito.
"JB? Ayoko ng nag-aaway tayo. Ayaw din kitang malayo sakin. Kasi..." Naputol ang sasabihin ko dahil hindi na mapigilan ang pag hikbi at pag-iyak ko.
"Kasi.. JB, hindi ko kaya. Mahal na mahal kita. Pero...." Naputol ulit ang sasabihin ko. Habang tumatagal mas madaming lumalabas na luha sa mga mata ko.
"Pero.. nahihirapan na ko e. At alam ko.. nahihirapan ka na rin." Ewan ko ba kung paano ko nabuo ang desisyon na to sa maikling panahon. Pero desidido na ko.
"JB. I love you more and more." Hinalikan ko siya sa noo pag kasabi ko nun. " But---- I have to leave you!" Pinilit ko ang pag ngiti kahit hindi ko kaya. Habang ginagawa ko ang pag ngiti yun. Naglalabasan ang mga luha sa mga mata ko.
Mahal ko si JB. Pero, alam ko kasing nahihirapan na siya. Nasaktan din ako sa katotohanang may nangyari sa kanila ni Avah. That woman, di ko talaga siya mapapatawad.
***********
Kalaunan, natagpuan ko na lang ang sarili kong sumakay ng TAXI. Umuwi ako ng bahay...
"Oh san ka galing??" Wika ng Kuya ko.
"Aaa.. Lumabas lang ako. with a friend."
"With a friend?? Sino??"
"An old friend.. Kuya... My nakukuha pa bang plane ticket sa ganitong oras?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nama. Bakit???" Nagtatakang tanong nya.
"Gusto kong umuwi ng Pilipinas. Ngayong gabi na."
"Huh??? Seryoso ka ba??? May problema ba???" Nako. Paano ba magsinungaling? Hindi ko pwedeng sabihing nag-away kame ni JB. At di ko pwedeng sabihin na kaya ako aalis kasi iiwasan at kakalimutan ko na ang Italy, pati na ang mga masasamang bagay na nangyari sakin dito.
"May emergency lang kasi si Angeline. I want to help her. Please Kuya. Hatid mo na ko ngayon. Please." Pangungulit ko sa kanya.
10:30pm na. Kung mag-iimpake ako ngayon. Mga 11pm makakaalis ako ng bahay.
"Okay. Sige. Mag-impake ka na." Wika ni Kuya. Alam kong nagtataka siya kung bakit ganito ako. Pwede naman kasi nyang sabihin na ipagpabukas ko na to. Pero, hindi hya ginawa. Alam kong na-gets nya na.
Mga 11:15pm, nasa Airport na ko. Nakakuha na rin ako ng Plane Ticket pauwi ng Pilipinas. Buti na lang. May nakuha kameng Plane Ticket. 11:30pm ang alis ng Eroplano. 15 minutes na lang.
"Eto na ang food mo. I know, magugutom ka!" Ngumiti si Kuya. I'm so thankful, kasi may kapatid akong katulad nya.
"Thanks Kuya." Ngumit din ako sa kanya.
"Me-Anne??" Seryosong tawag ni Kuya.
"Hmmm..??" SAgot ko.
"Alam kong may problema ka. Malaki ka na. Kaya di na kita papangunahan. Pero, sana.. wag mong pagsisihan ang gagawin mong to. Mom, dad and I loves you so much." Grabe naman to si Kuya. Parang gusto kong maiyak e. Ramdam nya siguro ko.
Niyakap ko siya. "Dont worry. I know what I'm doing." Bumitaw na ko sa kanya. Dahil nag-announce na na malapit ng umalis ang Plane papuntang Pilipinas.
"Dont forget to call me. Kapag nasa Pinas kana. At magsabi ka lang kapag my kailangan ka huh. Ingat ka bunso." Sigaw ni Kuya. Naglalakad na kasi ako papasok.
Tumatak sa isip ko yung sinabi ni Kuya kanina...
""Alam kong may problema ka. Malaki ka na. Kaya di na kita papangunahan. Pero, sana.. wag mong pagsisihan ang gagawin mong to...."
Anong meaning nya dun??? Hayy.. Minsan, may pagka-makata din si Kuya. Ang lalim nya. Di ko siya gets.
Well, ang gusto ko lang ngayon. Ang lumayo sa bangungot kong to. Hindi ko alam kung may balak pa kong hanapin si Benedict. Ang alam ko lang, gusto ko na ng tahimik na buhay. At ayoko ng singilin si Avah.
Hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko. Pero, eto ang sa tingin kong kailangan kong gawin.
Goodbye Italy.
======================
Author's EPAL: Kamusta naman ang Chapter 40. Nahirapan akong tapusin. Kasi. hindi ko alam ang gusto kong mangyari dito e. Ang nasa isip ko yung ENDING ng BOOK 1. HAHAHA. xD
Pssstt!!! Magcomment ka naman. O kaya magVOTE ka ^o^ Salamat ^o^

BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
Любовные романыLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...