Chapter 11

74 6 3
                                    

Chapter 11:

Me-Anne's POV

Graduation na namin bukas. Tama! Bukas. Graduation na namin.. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nu. Haaayyy..

Oo nga pala. Pinalad ang lola nyo, Salutatorian po ako!!! Hahaha. Akala ko nga nanaginip lang ako e. Hahaha. Dahil bukas ay magmamartya na kame.. Nagdalawang pasada lang kame ng graduation practice namin. 

Nandito kame sa loob ng room namin. Nagbabasa ako ng wattpad stories sa phone ko. May internet kasi to e.

Oo nga pala, after ng party. Balik sa normal ang lahat. Okay na kame ni Andrew. Friends na kame. Sabi nga ng nanay

ko, wag ka daw magtatanim ng galit sa kapwa mo. Learn to forgive. Si JB naman, ayun.. Back to abnormal days.

Hehehe. Abnormal kasi yung mood nya. Daig pa ang klima ng Pilipinas kung magbago ng panahon. Sala sa lamig, sala sa init.

Simula nga pala ng prom, naging protective na sya sakin. Oh! OH! Bago kayo kiligin dyan. Lilinawin ko lang na. Ang pagka-sweet nya sa kin ay bilang best friend lang DAW! . Huhuhuh.

Tsaka, suplado pa rin sya sakin. At pala-asar. Ang ingay ko nga lagi e. Dahil sa kanya. Lahat na ata, pinakialaman nun.

Pero, better na yung ganito. Alam nyo yung bumabalik ang pag Kontento ko na. FRIENDS lang kame. Hindi na ko umaasa. Hehehe.

"Bessy. Tara Na! Dali" Hinihigit lang naman ako ni Angeline palabas ng room. Bwisit tong babaeng to. Nagbabasa pa naman ako ng Wattpad. :| Hayyy..

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako natayo sa upuan ko. Pero, hinihigit pa rin nya ko.

"Makiki-jamming tayo kila Andrew at JB." Juice-Ko. Yun lang pala. Remember? Love na Love kong makipag-jamming sa kanila. Ganun din si Angeline. Marunong kasi yang maggitara. Wala na kong nagawa kundi tumayo. Ini-log-out ko na rin yung wattpad ko. At Ine-exit ko na rin sa phone ko yung internet.

"Ambagal mo naman Bessy e."

"Teka nga! Wag ka ngang excited. Makakarating din tayo dun." Mga dalawang room pa kasi ang dadaanan bago kamemakarating sa hagdanan. Dun kame kasi nagja-jamming. Medyo maluwag kasi yung space dun.

"Anu ka ba? Last jamming na tin to before tayo mawala sa Highschool." Last? Sabagay. Simula bukas pwede na kameng magbago-bago ng landas e. I mean, baka magkahiwa-hiwalay na kame. Iniisip ko pa lang. Nalulungkot na ko.Sumunod na ko kay Bessy. Mga ilang segundo lang andun na kame. Hindi namankasi malayo yun e. Di ba nga?

Dalawang room lang ang pagitan. Agad naman kameng umupo sa tabi nila JB.

Nung una kitang makilala di man lang kita napuna,

di ka naman kasi ganoon kaganda, di ba?

simpleng kabatak, simpleng kabarkada lamang ang tingin ko sa ‘yo.

di ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito!

ako’y napaisip at biglang napatingin, di ko malaman kung anong dapat gawin!

dahan- dahan nag- iba ang pagtingin ko sa ‘yo,

gumanda ka bigla at ang mga kilos mo’y nakakapanibago!

napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso.

bad trip talaga! na- i- in lab ako sa ‘yo!

tuwing kita’y nakikita ako ay napapangiti,

para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi!

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon