Chapter 24

132 4 2
                                    

Author's EPAL:

Halloow ^___^ Eto na po ang Chapter 24. Kahit walang masyadong nagbabasa. Lagi pa rin akong mag-a-update. Hihih. Salamat sa pagbabasa. Mwaaaa. :*

Pasensya ka na po, kung SHORT UPDATE lang to. Ito lang ang kaya ng MALIIT kong UTAK. Loveyaaahhh ^.^

============================================================================

Chapter 24:

Me-Anne's POV

Dalawang araw na rin ang nakakaraan ng magTagaytay ako kasama si JB. Medyo lutang din ang utak ko. Sumasagi sa utak ko ang mga nangyari nung araw na yun. At hindi ko maiwasang mapangiti. Ang paghawak nya sa kamay ko. At ang biglaang pagkiss nya sakin. Lahat-lahat bumabalik. At ewan ko, parang kinikiliti ang puso ko.

Lagi namang tumatawag si Endrick sakin, para i-check ako. Para alamin kung anong ginagawa ko. Haaayy. Naiinis pa din ako sa nangyari nun araw na yun. Pinaghintay nya ko. Mamaya lang dadating na siya galing sa States. At wala akong balak salubungin siya. Pupunta naman yun dito e.

Kinamusta nya rin kung anu ang ginawa namin ni JB sa Tagaytay. Sabi ko, binantayan lang ako. Syempre hindi ko dinitalye sa kanya ang mga nagyari nu. Kasi kung malaman nya yun, ewan ko lang, baka umusok ang ilong nun.

Hindi ko rin muna kinuwento kay Angeline yung nangyari. Baka kasi anung isipin nun. Alam mu na. Baka sermunan ako. Sabihin, nangangaliwa ako.

Lagi ko rin tinitignan yung mga picture namin ni JB. Pero syempre patago lang. Baka mabuko ako ni Angeline e. Patay ako dun. HAHAHA. Hindi naman sa selfish ako o pinalilihiman ko yung Bessy ko. Kaya lang, I have a feeling, na hindi tama na sabihin ko pa yun. Kasi something bad might happen.

Kasalukuyan akong naglalakbay sa imagination at sa sarili kong mundo ng may magsalita sa tabi ko.

"Ngumingiti ka na namang mag-isa dyan!"

"Ay Anak ka ng Hototay!!!"Bakit ba ang hilig sumulpot ng mga tao ngayon? Hindi ba nila naisip na magugulatin ako. Hayahay!!

(Auhtor's EPAL: Pa-epal muna ko. Ang word na 'Anak na Hototay' ay nakuha ko kay Author  Mayuzama. Natuwa talaga ko. So sinama ko. Ang meaning daw nyan. Ayon sa Mama ko ay 'Anak ng Panget'. Whahaha xD)

"Anu ba yang mga word na lumalabas na bibig mo? Pang samurai ba yun?" Nagtatakang sabi nito. HAHAHA. Pangsamurai daw oh!!!

"Ikaw naman kasi Ate Clare. Bigla ka na lang diyan sumusulpot e." Oo nga pala Guys. Si Ate Clare. Siya yung bago naming Kasama sa bahay. Umalis na kasi yung isa. Kaya siya yung kapalit. Mas matanda siya samin ni Angeline ng 4years. So mga nasa 22 na siya.

"Nag-alala lang ako sa yo. Baka pagkamalan kang baliw dyan e." Natatawang sabi nito. Ganun na ba ako ka-timang kakatitig sa picture namin. Shocks naman. Nakakahiya.

"Ate Clare naman e. Dun ka na lang. Wag muna akong pansinin. Tsupii!! Hehehe." Pabirong pagtataboy ko sa kanya. Pero, ayaw ko naman siyang paalisin nu. Choice nya yan, kung gusto nya pang subaybayan ang kabaliw-an ko.

"HAHAHA. Ikaw talaga! Buti wala Best friend mo. Kundi mas malala yun. Namamatok yun e." Oo nga. Tama siya. Kung si Angeline nakahuli sakin sa pagngiti ko. Naku, Todas ako! May kutos na ko. May sermon pa ko. HAHAHA.

"Sino ba kasi yang tinititigan mong picture? Boyfriend mo?" Tanong nya sakin. Hindi nya pa kasi nakikita yung boyfriend ko. Busy kasi siya sa work at pag-aaral. Kaya ayun, walang time alamin ang buhay-buhay namin. Pwera lang ngayon, trip akong pakialaman nito e.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon