Chapter 29

65 4 1
                                    

Author's EPAL: Medyo PassForward ito. HAHAHA. Sensya na at nagmamadali ang Author nito. !!! Tsaka, paalala. Intindihin nyo grammar ko huh. Please. HAHAHHA. Hindi ako magaling sa English e. Bobo po ako. Bwahahaha.

=============================================================================

Chapter 29

JB's POV

Rome, Italy.

"Welcome to Italy!" Bati ng isang flight attendant. Mukha siyang pinay. Pinay nga siguro. Nandito na ba talaga ako sa Italy? Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan, excited, naiiyak, naiihi, naluluha at kung anu-ano pa. Makita at mahanap ko kaya sya dito sa Italy. Dahil sa kin umalis siya.

Napansin ko lang, kada na lang nasasaktan ko siya. Lagi na siyang umaalis. Me-Anne, hindi na kita sasaktan. Promise. Magpakita ka lang sakin ngayon >____<

Kung tatanungin nyo kung bakit ako nandito? Simple lang, para hanapin siya. 1month after nya umalis. Tsaka ko lang nalaman na dito siya nagpunta. Dito na daw titira at mag-aaral si Me-Anne. Ako naman. Gumawa ako ng paraan, makapunta lang ako. Tatlong buwan din ako ng nag-ayos ng mga papeles. Malay ko bang ang dami pa lang inaasikaso dyan.

Ang kinakatakot ko pa, first time kong umalis ng bansa. Tapos, wala pa kong kilala dito sa Italy. Baka mamaya, hindi ko maintindihan mga sinasabi nila. Syempre, Tagalog ang salita ko. Sila, Italian. Marunong naman akong mag-english pero, hindi gaano.

Sumakay na ako ng taxi. Bago pa ko makasakay. Inabot ako ng 300years. Grabe kase. Hindi ko maintindihan salita nila. Kinakain nila ko sa katangahan ko. Buti na lang may nasakyan akong Pilipino.

"First time nyo pong pumunta dito sa Italy Sir?" Taanong ni Manong Driver.

"oo e. Kaya, wala akong ideya kung anung klaseng lugar ho ito." Napapakamot kong sabi.

"Ganyan po talaga sa una. Nakakatanga po talaga. Pero, pag napag-aralan nyo na po. Madali naman." Natatawang sabi nito. Medyo may punto ang salita nya. Parang bisaya. "Ay sir! San po ba ga kayo?"

Napakamot na lang ako. Hindi ko kasi alam kung san ako pupunta. Ay Tanga!!! "Aaaa.. eee.. Manong. May alam po ba kayong apartment dito?" Nahihiyang tanong ko.

"Ay!! Sir sa bahay ko po. May isa pa pong kwarto dun."

Natuwa naman ako. Dahil may matutuluyan na agad ako. "Sige ho Manong. Dun na lang ho. Babayaran ko na lang po kayo."

"Alex na lang itawag mo sakin." Ngumiti ito.

Ilang minuto lang, nandoon na agad kame. Hindi naman kalakihan ang bahay. Pero, okay na din.

Binuksan nya ang kwarto, "Oh! Dito ka na lang Hijo. Ayy. Ano nga ba pangalan mo hijo?"

"JB po."

"O'sige JB. Kaw na bahalang maglinis huh."

"Salamat po uli. Mang Alex"

"Walang anuman. Bakit ka nga pala nandito?" Pag-uusisa nya.

"Aa.. Kasi po..." Nahihiya pa akong sabihin.

"Hindi ka kasi mukhang magta-trabaho dito. So, Ano ang sadya mo dito sa Italy?"

"May hinahanap po kasi akong babae." Nahihiyang tugon ko.

"Hinahanap? Bakit naman?"

"Umalis po kasi siya dahil sakin e."

"Ganun ba? O'sige. Tutulungan kitang hanapin siya. May picture ba nya?" Iniabot ko sa kanya ang picture.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon