Chapter 45
Sadyang Madaling lumipas ang mga araw. Parang kailan lang lahat ng malulungkot at masasayang araw namin. Magkalayo. Pero walang nagbago. Ang sarap pa ring gumising araw-araw na alam mo ang purpose mo. Sabi nga sa isang commercial sa TV.
"Para kanino ka bumabangon?" -Nescafe
Noon, masasabi ko na bumabangon ako para sa sarili ko. To just live and to survive. Pero ngayon, alam ko na kung para kanino ang paggising ko. I wake each morning to thank the Lord for giving me and JB a second chance. Gumigising ako dahil alam kong haharapin ko ang araw na to nang may kasama.
Marami nang nagbago din samen ni JB. DAti, we are so selfish. Kasi akala namin, LOVE is all about just the TWO of you. Pero hindi pala. LOVE is about spending time and effort with our family. Yun bang dinadamay namin sila sa saya namin. LOVE is selfless. Hindi pala dapat KAYO ng KAYO lang. Or laging nagdedemand ng AKO, AKO, AKO. Kundi, pakikisama sa lahat. Sensitive dapat tayo sa ibang tao pag nagmamahal tayo.
ilang buwan na rin ang lumipas ng i-surprise ako bestfriend ko. The funniest and the most wonderful day of my life. FUNNIEST. Kasi nakakatawa na ang isang tao ay nakalimutan ang birthday nya. Sa totoo lang, nawala lang talaga sa loob ko na birthday ko yun. yun ay dahil, I guess, there are no reason to celebrate by birthday. Kung baga, lilipas din yan. WONDERFUL. Because of my family, friends, and ofcourse, JB. Ganun pala ang pakiramdam ng may nagmamahal sayo. You didn't wish for anything. But they gave it to you.
Anim na buwan na ang lumipas. Six months na ulit kame ni JB. Six months na puno ng saya. May problema din. Di naman mawawala yun e. Pero this time, alam kong wala na talagang iwanan.
"Bessy.?" Tawag ni Angeline.
Tumingin ako sa kanya. Nasa kotse kame ngayon. Bumili sya ng bagong car. Dahil ayoko talagang magdrive. Kinulit ko siya na binyagan na tong Car nya. Usually, tumatanggi siya. Ayaw nya kasing nagda-drive ng malayo. Kaya nga, nagtataka ko. Pero di na ko nag comment pa. Baka magbago pa isip nya. Ang importante, hindi kame magco-commute.
Papunta nga pala kame ngayon sa isang Dinner. Hindi ko alam kung ano meron. Basta, invited ako. Di naman ako makatanggi. Family friend kasi.
"Bat ang tahimik mo?" Tanong nya
"Wala lang. Gusto ko lang maging tahimik paminsan-minsa. Ikaw? Bat ang pakialamera mo.?" Pabirong sabi ko.
"Hindi lang kasi ako sanay. Bat nga kasi ang tahimik mo?" Nagsisimula na naman siya ng kakulitan.
"Wala nga po. Kasi naisip ko lang. Antagal na rin namin ni JB. Yun lang." Pag-e-explain ko.
"Yun lang?"
"Oo nga."
"Bessy. Nga pala? Pano kapag inalok ka ni JB magpakasal? Magpapakasal ka ba?" Tapatingin naman ako sa kanya. Nakaka-shock kasi tanong nya.
Pero.. Napaisip ako. Pano kaya kung alukin nya ko. Papayag ba ko?? Hmmmm. SYEMPRE naman no? HAHAH
"OMG. Nag-isip pa. Pakipot!!! HAAHAHHAHA" Pang-aasar nya.
"HAHAH. Napaisip din ako. Alam mo namang I really do love JB. Ang tanggal ko na siyang mahal na mahal. Since High School. At kung aalukin nya man akong magpakasal. I will definitely say YES." Sagot ko.
At yun ang totoo. Hindi naman ako yung taong di pa sure sa nararamdaman ko. ALam ko sa sarili ko na I want to spend eternity with. Na ang pakikipag relasyon ko sa kanya ay hahantong sa kasalan. Hindi ko nga lang alam kung kailan. Pero alam ko, mangyayari yun.
"Oh. We're here na. ipa-park ko lang ahh." Wika nya. Tumango lang ako. Napaisip talaga ko sa sinabi nya. Hindi sa naiinip ako. Pero, parang na-excite ako.
BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomanceLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...