Chapter 30

71 4 7
                                    

Author's EPAL: AFTER 12345years. Eto na ang Update ko. Buong tapat po akong humihingi ng paumanhin sa inyo. HAHAHA. xD

Tyaka, para dun sa mga nagtatanong... KUNG TRUE-TO-LIFE Story to. Eto ang malinaw na sagot... Hindi po ito true to life. Kaya naman, wag nyo pong akalain na ako to. Porket, malapit ang pangalan ng bida sa pangalan ko. HEHEHE. Imahinasyon ko lang po ito. Pero, yung ibang scene dito ay base sa nakikita o napapansin ko sa paligid ko. Thanks.

Muli, pasensya na kung hindi kagandahan ang sinusulat ko. ^o^

Pero eto na ang Chapter 30..

===============================================================================

Chapter 30

(author's EPAL: Sa Pinas muna tayo huh. HAHAHA. Later na lang ulit sa Italy. ^o^)

Angeline's POV

Manila, Philippines

"Tugs Tugs Tugs Tugs Tugs Tugs Tugs Tugs!!!" Yan lang ang naririnig ko dito sa lugar na to. Ang ingay talaga. Sanay naman ako sa ingay pero.. hindi naman sa mga gantong tipo. Na nakakasira ng eardrums. May iba pa akong naririnig.. mga malalanding tinig ng mga babaeng abala sa pakikipag flirt. Syempre, may lalaki din!! May mga nakikita din akong nagme-make-out. Take note!!! 'MGA', meaning.. marami sila. Di naman nakakapagtaka yun. BAR to. So, anung ini-expect mo.

Gusto nyo bang malaman kung bakit ako nandito. Tinawagan kasi ako kanina ng isang taong istorbo.

****FLASHBACK***

"Where are you?" Yan na agad ang bungad nya after kong sagutin ang tawag nya. Kaloka lang huh. Halata ko naman na lasing na siya. Ata alam ko kung nasan siya. Medyo maingay kasi ang background.

"Nasa bahay. Bakit??" Nagtatakang tanong ko.

"Pwede ka bang pumunta dito. Wala akong kasama e." Hindi naman ako sumagot. Eto na naman siya. Simula ng nawala ang bestfriend ko.

Ganyan na siya. Inom dito, inom doon. Laklak dyan, laklak sa kung saan. Tapos, tatawagan ako, then papupuntahen.

"Please!!!" Ayan na naman. Paawa epek. Wala ba siyang ibang friend, kundi ako!!!

"Endri--" Bago ko pa matapos ang pagbanggit sa pangalan nya.

Nagsalita na agad siya...

"I'll wait for you here. Ingat ka. Mwaaaa" Nye!! Nag 'mwaaa' pa.

Wala naman akong nagawa, kundi pumunta.

**END OF FLASHBACK***

Kaya nandito ako. Nandito na naman ako sa lugar na to. Hindi ko din alam kung bakit ba isang hiling nya lang sakin. Punta na agad ako. Luminga-linga ako para hanapin siya. Nasaan na ba ang mokong na yun? Naglakad-lakad pa ako. Nababangga na nga ako ng mga tao dito e. At hindi uso ang sorry sa lugar na to. Dahil kahit nadadanggi na nila ko. Sige pa din sila sa paghaharutan.

Ilang hakbang lang at tingin-tingin din ay nakita ko na siya, sa pinaka sulok ng bar. Bali, mag-isa lang siya sa isang cubicle. At napansin ko agad ang mga boteng nasa lamesa. Grabe! Sobrang dami na ata nyang naiinom.

Lumapit pa ako ng konti sa kanya. Sa una, hindi nya ko napapansin. Patuloy lang siya sa pagtungga.

Umupo ako sa isang part ng upuan, medyo malayo sa kanya.

Tinititigan ko lang siya. Hinihintay ko na maramdaman nya ang presence ko.

Ilang sandali pa. "Wui. Angie! Ang tagal mo naman e. Hik!" Halatang lasing na to dahil sa hand gestures nya.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon