Chapter 38

59 3 0
                                    

Chapter 38..

3rd Person's POV

(Author's EPAL: Asahan nyo na. Na kapag 3rd Person. AKO po ang e-epal. Ahihihi. At alam nyo na kung bakit. ^o^)

Na-send na ni Avah ang mga kopya ng pictures kay JB. Hindi nya rin kinalimutang padalhan si Benedict, na nasa ibang bansa na ngayon at nagtatago. Kabilin-bilinan kasi ni Avah na wag na wag nang magpapakita. Kundi, papatayin nya ang pamilya nila. Kilala ni Benedict si Avah. Kaya sinunod nya ito.

Hindi nya rin kinalimutang padalhan ng kopya ang Manager nito at Assistant Manager. Pati ang press. Higit sa lahat, si Me-anne. Hindi nya pa alam ang reaksyon ng mga iyon.

Pero, ngayon pa lang natutuwa na siya sa magiging resulta.

Abala siya sa pagtawa na parang dimonyita. Nang mag-ring ang phone nya. Kaya naman, napatigil siya ng di oras. At dahil dun. Medyo, nabilaukan siya.

Sinagot nya ang cellphone nya. Pero bago yun, tinignan nya muna ang register na name.

"I know that you will miss me Bryan." Wika nya habang naka-evil smile at nakatitig sa screne ng phone nya.

Ilang ring pa. Sinagot nya na ito. "Yes? Hello." Wika nya sa malanding boses.

"Where are you Avah?? Are you free tonight? I'll picked you up at 7pm." Lalo pang lumawig ang ngiti nya sa mga sinabi ni JB. Sa tono ng boses nito. Parang dismayadong, dismayado ito.

Nagkunwari muna siya na naawa at walang alam sa mga nangyayari. "Bryan, are you okay? You tone looks upset. Are you okay?" Nag-aalalang wika nito, pero drama lang yun. Masabi lang na wala siyang alam.

"I'll tell you later. So, are you free?" Tugon ni JB.

"Okay. I'll go with you." Pinatay na ni JB ang telepono. Ngayon naman, tinuloy na ni Avah ang pagngiti at pagtawa nya. Nasisiyahan talaga siya sa nagyayari.

****

Exactly 7pm, sinundo siya ni JB si Avah. Nagsuot si Avah ng pinaka-maiksi at daring na damit. Upang kung sakali ay maakit nya si JB. Narinig nya na bumisina na ang kotse ni JB.

Hindi siya nagmadaling bumaba. Dahil alam nya na hihintayin siya nito.

Pagkarating nya sa may gate. Agad nyang napansin ang pagbaba ni JB. Siguro at sasalubungin siya nito.  At hindi nga siya nagkamali. Sinalubong nga siya nito. Kinuha nya ang pagkakataon na iyo. Upang salubungin din ito...... ng matamis na HALIK!

Dumampi ang mga labi ni Avah sa labi ni JB. Hinihintay nya na magalit ito. PEro, hindi. Ibig sabihin. Okay lang dito. Dahil nga, badtrip ito kay Me-Anne.

Syempre, may hinanda siyang Cameras, ipapadala nya ito kay Me-Anne. Tiyak! Isang magandang palabas ito.

"So, Come on!" Alok ni Avah kay JB sa malanding tinig. Sabag kawit ng kanyang mga braso/ kamay sa braso ni JB. Pinagbukas naman ito ng pinto ni JB.

Wala pa ring ka-rea-reaksyon ang mukha ni JB. Para bang wala siyang pakialam sa mga nagyayari.

******

Me-Anne's POV

(Author's EPAL: Kay Me-anne muna tayo. Tignan natin anung nagyari kay Me-Anne.)

Naiinis ako. Sobrang naiinis. At sa sobrang inis. Naiiyak na ko. Paano ba naman kasi. After ng kumain sa Restaurant kahapon. Pagkatapos nya kong ihatid. Hindi na siya nagtex. Magdadalawang araw na kameng ganito.

Sinusubukan kong tawagan siya. Pero, hindi nya sinasagot. Naiinis na talaga ko. Tapos ngayon, tinatawagan ko siya. Una, di nya sinasagot. Pangalawang tawag ko, Pinatay nya yung phone. Anu? Masyadong busy? Dapat sabihin nya na lang kung busy siya. Hindi yung ginaganito nya ko. Bukod sa nag-aalala ko sa kanya. Hindi ko kasi alam, nangyayari sa kanya e. Dagdag pa siya sa problema ko.

Gusto nyo bang malaman kung anong pino-problema ko? hinahanap ko lang naman ang Benedict na yun. Gusto kong malinawan. Gusto kong malaman ang totoong nangyari. Kasi hanggang ngayon. Di ko pa rin alam ang gagawin ko. Paano ko ba sasabihin kay JB? At sasabihin ko pa ba? Kung ganito siya. Kung may problema siya. Pwede nya naman sabihin sakin yun di ba? Hindi yung sinasarili nya. Para saan pa't girlfriend nya ko.

Naputol ang pag-e-emote ko ng may nagdoorbell. Wala kasi kameng katulong sa bahay. Tyaka. Ako lang tao ngayon dito. Nasa work silang lahat.

Wala kong magawa kundi bumaba na. Narinig ko ang sunod-sunod na pag-doorbell nya.

"I'm coming!!!" Sigaw ko. Nakakaasar kasi. Anu? Atat???

Pagbukas ko ng gate...

"Delivery Ma'am." Nagtataka naman ako kasi. Yung delivery nya. Isang hindi kalakihang box.

"Ma'am. Put your sign here!" Sabi naman ni Manong. Sinunod ko naman siya.

"Thank you!" Wika ko. Pagkatanggap ko ng box na diniliver sa kin. Ano kayang laman nito?

Umakyat ako sa kwarto ko. At doon binuksan ang package.

Pagkabukas ko. May nakita kong isang papel na may note...

"TO MY SPECIAL FRIEND. I HOPE YOU'LL LIKE IT. I GRAB YOU SOME COPIES OF OUR WONDERFUL NIGHT. AND I'M PRAYING THAT WONDERFUL EXPERIENCE WILL HAPPEN AGAIN. AND I WISH THAT WOULD BE YOU AGAIN! THANK YOU" Sabi nung note. Medyo kinakabahan ako. Anong ibig sabihin nun?? Tinignan ko, baka may nakalagay na address o name ng nagpadala. Pero, wala. Walang nakalagay.

Inilapag ko muna yung note. At binuklat ang envelop. At laking gulat ko na lang nang makita ko ang sarili ko na nakahubad. At may nakapatong na lalaki sakin. Sunod-sunod na luha lang ang naging reaction ko. Sunod-sunod at walang tigil. Humihikbi na ko sa sobrang galit at sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam na magagawa sakin to ni Benedict. Napaka-buti nyang tao. Kaya hindi ako makapaniwala.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagwala na ako. Pinagbabato ko ang mga gamit na makikita ko. At pinagpupunit ko ang pictures na nakita ko.

"Bakit!!!??? Hinding hindi kita mapapatawad!!!!!" Sigaw ko. Narinig ko na lang na may kumatok sa pintuan ko. Pero hindi ko yun pinansin. Umiyak lang ako ng umiyak. Habang sinusuntok ang unan. Alam ko naman na hindi kikibo ang unan e. Pero yun lang ang naiisip kong paraan para gumaan ang nararamdaman ko.

Feeling ko binaboy ako. Feeling ko, kinuhanan nila ko ng pinakamahalaga sakin. Isang bagay na kailan man, hindi maibabalik ng SORRY. Siguro, maaring ibalik. Pero, alam ko sa sarili ko. Magbabago ang LAHAT! Lahat-lahat, babaguhin nito sa buhay ko. :'(((((((((((((((

*********

Author's EPAL: Kamusta ang Chapter na to. Putulin ko muna huh!!! Mamaya ko ipo-post yung CHAPTER 39. Guys, hindi po ako talaga namamalimos ng VOTES. Sa totoo lang, wala po sakin kung walang bumoto nito. Atleast, binabasa nyo. At masaya na ko dun.

Ilagay nyo lang po sa reading list nyo. SUPER HAPPY ko na po. At kung magbo-VOTE po kayo. Much appreciated po. 

At dahil sa dumadami ang nagbabasa nito. Hahabaan ko pa. Medyo. Marami pa kong naiisip e. Bago ang SEASON TWO NITO!!!

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon