Chapter 14

102 3 8
                                    

Author's EPAL: Halloo!!! Salamat sa mga nagri-read huh.

Hey! FB friends. Salamat sa pag read nyo. Magleave kayo ng comment huh. Lalo ka na. Alam mo kung sino ka. At wag kang FEELING. Hindi ikaw si JB no. Ang layo kaya sa real name mo. WHAHAHAHA... Nagpaparinig lang po. HAHAHAH.

===============================================================================

Chapter 14...

JB's POV

Libing na ngayon ni Coreen. Nakakalungkot talaga nung wala siya. Ang daming nagmamahal sa kanya. Yung kuya at Dad nya, umiiyak. Ang mom nya naman---tulala. Nakaka-awa talaga. AKo ang huling kasama nya nung mga panahong nag-aagaw buhay na siya.

Pinasalamatan nya ako sa pag-stay sa tabi nya. Nagso-sorry din sya, dahil.. inagaw nya daw ang kaligayahan ko. Totoo. Inagaw nya ang panahong dapat ay masaya kami ni Me-Anne. Pero.. wala akong pinagsisisihan. Oo, siguro nga ganun ang nangyari. Pero.. masaya ako na napasaya ko si Coreen.. sa huling hininga ng buhay nya. Kahit na hindi natuloy ang pag-amin ko kay Me-Anne ng mga panahon na yun. Hindi ko pinagsisisihan. Dahil alam ko may tamang panahon si Lord para dun.

Speaking of Me-Anne, hindi siya pumunta sa lamay at sa libing. Pero.. alam ko na.. alam nyang wala na si Coreen dahil tinawagan sila ni AJ. Pagkatapos din ng Seniors' Night na yun. Pagkatapos nyang aminin sa kin yun. Hindi ko na sila nakita ni Angeline. Galit kaya siya sakin? Kung ganun man, di ko naman siya masisisi e. Masakit talaga yun. Ang nagpasakit pa dun. Pinaramdam ko sa kanya na may feelings din ako. Pero.. ni-reject ko lang ang love nya.

Naka-tingin lang ako sa kabaong ni Coreen habang bumababa ito. Alam ko lahat tayo darating sa ganyang sitwasyon. Pero.. nakakatakot lang.. kasi hindi mo alam kung kailan. Ang pinaka-kitakatakot ko ay.. paano na ang mga maiiwan ko.

Unti-unti na ring tinatabunan ito. "Bye Coreen." Yun lang ang nasambit ko. Hindi ko malilimutan si Coreen. Naging mabuting GF sya sakin. Ni hindi siya humiling ng time. Ang hini-hingi nya lang. Mag-stay ako pag wala akong ginagawa.

Nagulat na lang ako ng may lumapit sakin. At inakbayan ako. Pagkatingin ko sa gilid ko. Kuya pala ni Coreen. Tinapik-tapik nya ko. "Thanks Bro. Sa pagpapasaya sa kapatid ko. I know. Happy siya bago nya tayo lisanin." Ngumiti sya. Pero dama mo ang kanyang pangungulila.

Ngumiti lang ako. Sumunod ay lumapit sa akin ang mom at dad nya. "Thanks Hijo." Ngumiti din sila. Pero katulad ng anak nila. Ramdam at kita mo sa mga mata nila na nangungulila sila. Naiintindihan ko naman e. Masakit talagang mawalan ng mahal mo sa buhay.

Pero.. dapat tayong matutong tumayo muli. Sabi nga nila, Ang pagkamatay ay isang pakinabang. Simple pero.. maraming mahahalagang bagay na tinuturo nito. Dahil sa pagkamatay ni Coreen. Tinuro nya sa kin na.. gawin ko ang dapat gawin habang may oras pa. Dahil.. maiksi lamang ang buhay. Dapat tayong mabuhay ng may layunin. At sa tingin ko.. isa sa mga layunin ko... ay hanapin si Me-Anne.

Nagpaalam na ko sa kanila. At umalis na. Uuwi na muna ako sa bahay. Isang linggo din kasi akong hindi umuwi. Tiyak.. miss na miss na ko ng bahay namin.

******

Me-Anne's POV

Hindi kame nakapunta sa libing ni Coreen. Exam week kasi namin. Hindi din kame pinayagan ng mga professors namin na um-absent at kumuha ng special exams. Kaya naman.. pinag-pray na lamang namin ang naiwan ni Coreen. Sana maging okay din sila.

Hindi din kame makauwi. Kasi sobrang dami naming ginagawa. May part time job din kasi kame ni Angeline. Sapat naman ang binibigay ng mga parents namin. Pero, minsan kasi may gusto kameng bilin. Simula kasi ng nag manila kame. Nahilig na kameng pumorma. Hihihi. Pero.. hindi lang puro luho. Gusto din kasi naming mag-ipon. Mahirap na. Pano pag may biglaan lakad or any emergencies. Saan na lang kame kukuha ng pera, di ba?

Simula din ng mag part time kame. Natutunan naming humawak ng pera. Ipit na ipit din kame. Kahit sa mga luho namin. Hihihi.

Nandito kame sa resto na pinagta-trabahuan namin. Waitress kame dito. Pero.. wag nyong ismulin ang mga waitress. Marangal pong trabaho to. Enjoy nga. Everyday.. iba-ibang tao nami-meet namin. At natutunan namin kung pano harapin ang mga yun.

"Wui. Bessy. Nandyan na yung regular customer. At ikaw na naman ang gustong mag serve!" Nagmarinig ko yung sinabi ni Angeline. Kumunot na agad ang noo ko. Ang tinutukoy nya kasi ay ang mayabang, hambog, mahangin, feeling gwapo, chickboy(pwede sa chick, pwede sa boy. Hihihi. Joke lang), at playboy na si ENDRICK RAMIREZ. Siya lang naman ang schoolmate namin na simula ng malamang dito ako nagta-trabaho. Aba! gusto ng kumain dito lagi. Hep hep hep! Hindi dahil masarap pagkain dito. Kundi.. masarap daw akong asarin. At alam nyo bang nagbabayad siya ng extra.. para lang ako ang mag serve, mag entertain at ako ang umupo sa table nya.. habang pinapanood ko syang kumain. Bwiset!!! Kailan ba siya tititigil?

Nawala ako sa pag-ka-kunot ng noo ko ng pumasok ang manager ng Resto. "Hoy! Me-Anne. Abay! Bilis bilis-an mo. Baka umalis ang customer. Sisisantihin kita!!!" Eto na naman po ang matandanng dalaga na mukhang pera. Hmmm. Eto na nga e. Kikilos na... /:(

Yun na nga ang ginawa ko. Lumapit na ko sa hambog na yun. "Ang tagal mo naman. Ganito mo ba ta-tratuhin ang customer!" Pambungat na bati nya sakin. Huwaw! Parang utang na loob ko pa sa kanya na pumunta sya dito at asarin ako. Kailangan ko bang mag-thank you? Bwiset!

"Hoy! Umorder ka na nga at lumayas ka na rito." Tinaasan ko siya ng kilay. Wag nyo po akong husgahan. Lahat naman po ng customer dito ginagalang ko e. Siya lang ang hindi. Wala kasing modo ang hambog nato. Dapat dito sinasapak e.

"Wag ka naman masyadong mainit ang ulo. Kaw din. Baka masisanti ka." Dun sa huli niyang sinabi. Medyo natauhan ako. Masisanti? Naku? Wag ngayon. Kailangan ko ng money e. May bibilin ako.

"O'sige na. Ano na yung order mo? Para matapos na to!" Walang ganang sabi ko na parang natalo ako.

"Umupo ka muna." Hindi na ko sumagot o nagsungit. Umupo na lang ako. Hay.. Bwisit talaga tong lalaking to.

Umiling na lang siya sa kasungitan ko. Maya-maya, tinaas nya ang kamay nya na parang umoorder. Teka. Baliw ba to. Ako ang waiter dito. At kaharap nya ko. Tumatawag pa siya ng iba. Gagu ba to?

Agad namang lumapit si Angeline. "Hoy Hoy Hoy! Anung ginagawa mo huh? Sakin ka na umorder. Nasa harap mo na ko. Abnormal ka na?" Sigaw ko sa kanya.

"Bigyan mo kame ng kahit ano basta masarap huh." Kahit anu? Bobo ba to? E ang daming food choices dito e.  Tapos masarap? E Tanga pala to e. Lahat naman ng pagkain dito masarap. At bakit kame ang sinabi nya? KAMEng dalawa ang kakain. NO WAY! HIGH WAY!

"E Sir? Marami pong food choices dito e." Oh tignan mo pati si Angeline.. nagtanung.

"Basta. Kahit anu!!"

"Hoy Teka nga. Ako na nga magbibigay ng pagkain mo. Lalagyan ko ng lason." Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Ano bang nangyayari dito? Natututo na atang magpa-cute! :3

"Bahala ka nga dyan. Iwan na kita!" Akmang aalis na ko. Pero hinawakan nya ang kamay ko.

"Pwede bang manahimik ka. Ikaw na nga tong papakainin e. Ang ingay mo. Para kang palengkera e." Naka-ngiti pa rin siya.

"At sinung may sabi sayo na nagugutom ako. Kaw na lang ang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumunog ang tiyan ko. Wrong timing naman tong Tiyan ko. Kaasar!

Pagkarinig nya nun. Tumawa lang siya. Tamo to? Tinawanan pa talaga ako. "Kinakabagan lang ako nu! Tse!" Pagsusungit ko na naman. Pero.. nag- vibrate na naman ang tiyan ko. Aaaa.. Kaasar talaga.

"Sige na kasi umupo ka na. Isipin mo na lang na pambawe ko to sayo sa mga pang-aasar ko. And Promise..starting this day.. I'll be nice to you" Ngumiti siya. Tae. Nagpapa-cute pa.

Pero.. aminin ko.. gutom na nga ako kaya umupo na ko. Tsaka.. nakuha nya ko sa charm nya. Gwapo naman talaga siya e. Nasasapawan lang ng kayabangan nya.

========================================================================

Author's EPAL: Halloo!!! Importante yang bagong karakter sa story na to. Malaki ang magiging bahagi nya dito. Sana.. makarir ko. Hihihi. Leave your comments pleas. Negative man yan o positive. Okay lang. ^_~

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon