Author's Note: Isang maiksing Update lang to. Pasensya na po aa..
==============================================================================
Chapter 13:
Angeline's POV
Haloow!! Susyal na ko. Pumo-POV na ko ngayon. Ngayon lang ako naka-singit sa mga ka-drama-han ng kung sinu-sino man sa tabi dyan. HEHEHEH. Anyway, Pinakilala na ba ako ng bestfriend kong Si Me-Anne sa inyo. Ako nga pala ay pinaka-maganda at pinaka-sexy'ng best friend ni Me-Anne. Tada!! Hahahah. Tama na nga ang kabaliw-an ko.
After naming tumugtog nila Andrew, Me-Anne at JB. Nawala na yung dalawa, si JB at Me-Anne. Si Andrew naman, iniwan ako. So, alone ang peg ko. Kung tatanungin nyo kung ano ang ginagawa ko ngayon. Isa lang ang masasagot ko sa inyo. Nanonood lang naman ako ng mga nagsasayaw sa gitna. Oh di ba? Ka-boring!! Wait! Bago nyo ko kaawaan. Baka akala nyo. Walang gustong mag-sayaw sakin. Marami po. Yun nga lang, pinaalis ko silang lahat. Wala ako sa mood e. Pero may sinayaw ako. Actually, may kasayaw na siyang iba ngayon e. Hayyy. Di man lang naisip na wala akong kasama. HAHAHA. Ang arti ko lang.
Bakit naman kasi ako iniwan ng mga yun? Sila Me-Anne at JB. Anu na kaya balita sa dalawa? Nagkakaaminan na kaya sila. Nako. Ewan ko ba? I have a bad feeling sa plano na to ni Me-Anne e. Pero, syempre, support lang ako. Kaya, pinagdadasal ko na lang na sana hindi masaktan si Me-Anne. Alam ko kung ganung kamahal ni Bessy si JB.
Hanga din ako sa pagmamahal nun ni Bessy kay JB e. Biruin mo kahit sobrang sakit pag nakikita nyang may kasamang iba si JB. Tinulungan nya pa si JB kay Coreen manligaw. Ewan ko ba kay JB. May lahi atang manhid yun e. Di man lang mapansin na love na love sya ng bessy ko. Eto namang bessy ko. May katangahan din e nu. Nasasaktan na nga. Go pa din ng go e. Daig pa ang globe. HAHAHA.
Nawala ako sa mga thoughts o pag iisip ko ng may yumakap sakin mula sa likod. At napansin ko na lang na basa na ang bandang likod ko. Teka! Basa? Bakit nababasa? Humarap ako.. para makita kung sino yung yumakap sakin. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin.
"Oh Bessy? What Happened?" Si Bessy pala yung yumakap sa kin. At umiiyak siya. Eto na nga ba sinasabi ko e. Masasaktan lang siya.
"Bessy. Tara nga!" Hinila ko sya kahit hindi pa sya sumasang-ayon. Ang gusto ko lang ngayon i-comfort sya. Ayoko talaga syang nakikitang umiiyak. Para kasi siyang bata e. Pag-umiiyak siya. Para siyang batang kinuhanan ng laruan o inagawan ng Lollipop.
Nakarating na din kame sa isang bahagi ng school. Kung saan walang makakakita sa min. Bago pa kame makapunta dito. Bawal kasing pumunta dito. Lalo na madaling araw na. Dinala ko siya sa rooftop. Dont worry. Hindi ko siya ihuhulog para magising siya o matauhan. Di ko kayang gawin sa best friend ko yun.
"'Now. Tell me what happened." Seryoso kong saad. Gusto kong gumaan ang pakiramdam nya. At alam ko, pag nakwento na nya sakin. Magiging okay na rin sya.
Pero nagulat na lang ako ng yakapin nya ko at umiiyak ulit sya. Nakasubsob sya sa dibdib ko. Napansin ko na lang ang sarili ko na. Hinihimas-himas ang ulo nya. Puro hikbi makikinig mo sa kanya. Alam kong nasasaktan siya.
"Bakit hindi nya ko kayang mahalin? Bessy. Di ba? Sabi ko sa iyo. Sapat na sakin na masabi ko sa kanya. Pero. Ang sakit pa din e. Bessy. Bakit ganun? Mahal na mahal ko siya." Sunod-sunod na sabi niya habang umiiyak pa rin sya.
"Ssshhhh. Stop Crying na! Magiging okay ka rin. Stop crying!" hinihimas ko pa din ang buhok nya. Bakit kasi siya pa yung minahal mo e? Pero ang hindi ko lang maintindihan. Ramdam ko naman na may pagtingin si JB sa best friend ko. Hindi man sinasabi ng bibig nya. Sa pangungusap ng mga mata nya. Sigurado ko. Pero.. bakit sinasabi ng labi nya.. ayaw nya sa Bessy ko. Pati tuloy ako nalulungkot.
"Bessy. Sinabi ko sa kanya. Pero. Sorry lang ang sinabi nya. Nagkabalikan na sila ni Coreen." Kinagulat ko ang sinabi nya. Nagkabalikan? Kailan pa? Ang masakit lang kasi sa part na to. Umasa best friend ko.
Hindi ko naman sya masisisi kung bakit sya umasa. Alam nyo ba yung feeling nang sa pinapakitang concern at kilos ni JB kay Me-Anne. Mapapaniwala ka talaga na mahal nya best friend ko. Natatndaan ko pa nga. Lasing silang dalawa nun e. Nag-iinuman kame. Bagsak na si Me-Anne. Si JB naman may tama na.
Nagulat na lang kame ng magsalita si JB...
***FLASHBACK***
"Me-Anne. I really love you. Sorry huh. Torpe ako. Pero, ilove you." Bigla nyang niyapos si Me-Anne. At biglang tulog.
Syempre, nilayo ko bestfriend ko. Inisip na lang ng buong tropa na.. lasing lang si JB. At hindi nya alam ginagawa nya.
***END OF FLASHBACK***
Iyak pa din ng iyak si Bessy. Hayaan ko na nga siyang umiiyak. Hug ko lang muna siya...
Ilang sandali pa, napansin ko na lang na tumigil na siya sa pag-iyak. Iniangat ko dahan-dahan ang ulo nya. Pagka-kita ko.. Potek! Tinulugan na pala ako. "sige. Bessy. Sleep ka na. Tulog ka na muna. At sana pag gising mo kalimutan mo na sya huh. Ayoko ng nasasaktan huh." Ngumiti ako. At natulog na din.
********
Ilang months na din ang nakakaraan ng mangyari ang pag-iyak ni Me-Anne. Sa tingin ko nakalimutan na nya si JB. College na kame ngayon. Dito sa Ateneo de Manila University. Kumuha kame ng course na Communication Arts. Nagdorm kameng dalawa. Malayo kasi ang Laguna sa Manila e. Para samen huh? Ewan ko na lang sa inyo?
May boyfriend na rin ako. Pero.. secret na muna kung sino. HAHAHA. Si Me-Anne. Wala pa din. Pero, I assure.. limot na nya si JB. Sana nga.
Maya-maya nag ring ang phone ko. Sinagot ko. Classmate namin ni Me-Anne nung Highschool.
"Hello AJ?" Pambungad na bati ko.
"Wui. Libing na ni Coreen sa Thursday. Hindi ba kayo uuwi. Huling lamay na bukas ng gabi." Nawindang ako sa balita nya. Anung libing? Teka nga
"Hoy! Anu bang pinagsasabi mo? Anung libing? Sino ulit? Sino yung patay?" Pagkasabi ko nun last word. Tumingin agad si Me-Anne sakin. Na parang nag-aalala. Na parang nagtatanong.
"Hindi nyo pa ba alam? Patay na si Coreen. Kawawa nga yun e. Sobrang naghirap talaga siya. Uwi naman kayo oh!" Hindi ko alam pero.. parang naiiyak ako. Naawa ako sa kanya. Ano kaya kinamatay nun? Pati si JB? Panu na siya?
Binababa ko na yung phone ko. Tumingin ako kay Me-Anne na hawak na libro..
"Bessy.. "
"Hoy! Sino daw yung Patay? Sino daw? Si AJ ba yun? Yung classmate na tin nung Highschool?" Sunod-sunod na tanong nya.
"Si Coreen daw!" Pambitin lang. Halata ko sa kanya na gusto na nyang malaman,
"Oh? Anong nangyari? Si JB daw kamust?" Tamo tong babaeng to. Si Coreen yung binanggit ko. Si JB, tinatanong.
"Patay na daw si Coreen." Pagkasabi ko nun. Para syang sinapian sa intsura nya. Yung parang gusto nyang sabihin na UNBELIEVEABLE.
===============================================================================
Author's EPAL: Pagpasensyahan nyo na.. walang kwenta tong chapter na to. Pero. kailangan sya para sa next chapter e. VOTE at COMMENT pa din kayo huh. Wag kayong mahiya...

BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomanceLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...