Author's EPAL: Wala ako sa wisyo!!!! PAsensya na!!!!
At para sa ka-close kong si kwadro_alas. Tae Ka!!!! HAHAHA. Nagrereklamo ka pa. HAHAHA. Maka-panget ka a..!!! HAHAHA. Sige na. Ako na panget mambitin. AKO na!!!! Hindi naman ako magaling talaga e. Anyway Salamat sa pagko-correct sakin. Mwaaaa :*
Tsaka. Tyaga-tyaga muna.. Hindi ko pa binasa ulit tong update na to. Sorry talaga. :'(
------------------
Chapter 19:
Me-Anne's POV
Lumabas na ako ng CR. Nang makita sila na papunta sa Kusina. Hindi ko alam pero.. kada hakbang ng paa ko. Nadadagdagan ang Kaba sa puso ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. May sakit na ba ako sa puso? Bat ganito na lang ang tibok nito?
*DUG DUG DUG* *DUG DUG DUG*
Lalong bumibilis ang tibok at dagundung nito. Narinig ko na syang ganito. Pero hindi ko matandaan kung kailan ko huling naramdaman ang ganito.
"Oh ayan na pala siya e." Boses yun ni Tita Elena. Napansin ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan nila. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Feeling ko tumigil ang ikot ng mundo ko. Napatingin ako sa left side ni Tita Elena. Teka. Kilala ko tong taong to a. Anong ginagawa nya rito? O baka naman kamukha lang siya ng taong matagal ko nang hindi nasusulyapan. Hindi! Imposible naman yun!!!
"O hija! Umupo ka na!" Natauhan ako ng magsalita ulit si Tita. Lumakad na ako at umupo sa gawi kung saan nandoon si Endrick. Samantala, napansin ko na tulala si JB. Oo, si JB ang nakita ko. At ngayon, nakatitig sya sakin. Lalo akong kinakabahan. Kumakabog ang dibdib ko. Maski ako, hindi ko maibaling sa iba ang mga tingin ko. Nakatitig lang siya sakin.
"May problema ba Bryan?" Tanong ni Endrick kay JB. Bryan? So si JB, si Bryan? Bat hindi ko nga ba naisip yun. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. At paano ko mae-explain ang kakaibang kabog sa dibdib ko.
"Aaa. Wala pare." Nagsimula ng magdasal si Tita Elena. At pagkatapos nun, nagkainan lang kame. Bakit ang tahimik? Nakakabasag ang katahimikan. Nakakabingi!
"Ayyy. Pare, Oo nga pala. Si Me-Anne. Girlfriend ko." Pagpapakilala ni Endrick.
"Nice to meet you ME-Anne!" Parang nainis ako bigla. Para kasing kung magsalita siya parang hindi nya ko kilala.
"Nice to meet you too. Bryan!" Naiinis pa rin ako. Nagfa-flashback sakin ang sinabi ni Endrick. Yung pakay ni JB o Bryan. Kung bakit siya nandito sa Manila.
"Hahanapin niya kasi yung girl na mahal niya."
"Hahanapin niya kasi yung girl na mahal niya."
"Hahanapin niya kasi yung girl na mahal niya."
"Hahanapin niya kasi yung girl na mahal niya."
Nakakaasar lang. Kasi, ako, Dati!!! Ni-reject nya. Tapos ngayon, may effort syang hanapin ang isang babae.!!! Teka nga! Bakit parang ang BITTER ko? ERASE!!!!
Pagkatapos nun, puro kwentuhan na ang nangibabaw. Patuloy lang ako sa pagkain. Ayokong makisali sa kanila. Para kasing sumama ang pakiramdam ko. Bukod sa, mabilis pa rin ang KABA sa dibdib ko, na hindi ko maipaliwanag. Parang biglang bumaba ang ENERGY level ko.
Iniisip ko pa rin ang tungkol kay JB at sa babaing hinahanap nya. Parang bigla akong nainggit sa babaing yun. Buti pa siya! Hinahanap. Samantalang ako? Nire-reject lang ng ganun-ganon. Haayyyy Buhay!!!
=*=*=*=
JB's POV
Natulala na lang ako bigla ng makita ko siya. SIYA! Siya ang GF ng bestfriend ko. Bakit siya pa? Gusto ko siyang yakapin. Namiss ko talaga siya! Pero hindi pwede. Pinaparusahan ba ko ng panahon o ng kung sino man. Bakit kasi Bestfriend ko pa?
"May problema ba Bryan?" Tanong sakin ni Endrick. Oo. Pre, may problema ako. Yang babaeng mahal mo, MAHAL KO DIN. :'(((((((
"Aaa. Wala pare." Yun na lang ang naisagot ko. Nakahiya naman kung sabihin ko pa yun di ba? Ma-shock pa sila.
"Ayyy. Pare, Oo nga pala. Si Me-Anne. Girlfriend ko." Oo. Pare. Alam kong GF mo yan. At kilala ko yan. Pero.. hindi mo na dapat malaman pa na magkakilala kame. At ang babaeng hinahanap ko ay ang GF MO.
"Nice to meet you ME-Anne!" Alam kong mali na gawin ko to. Pero, ito ang sa tingin ko ay DAPAT.
"Nice to meet you too. Bryan!" Ngumiti siya ng bahagya. Galit nga siguro sakin to. Halata kasing malungkot siya ng makita ako.
Nagkwentuhan lang kame, samantalang si Me-Anne, kain lang ng kain. Paminsan-minsan ay tinititigan ko sya. Namiss ko ang maamong mukha niya. Namiss ko talaga siya.
Pagkatapos namin kumain. Nanood kame ng isang movie. "CITY OF ANGEL" ang pamagat. (Author's EPAL: Hahaha. Pasingit muna. Maganda daw yang CITY OF ANGEL. Sabi ng friend kong si LJ. Papanoorin ko pa lang siya. Panoorin nyo din :">)
Kapansin-pansi naman ang katahimikan ni Me-Anne. Gusto ko sana syang kausapin. Pero, nahihiya ako. Naiisip ko pa rin na baka galit sya sakin. Na baka, hindi nya ako pansinin.
Kameng apat lang ang nanonood, si Tita Elena, si Endrick, si Me-anne at AKo. Dahil yung dalawang maid. Iniimis nila ang pinagkainan namin.
Nasa kalagitnaan na kame ng movie ng humahangos na lumapit samin Si Manang Lusing.
"Ma'am. Ma'am." Humahangos na tawag nya kay Tita Elena. Hininaan naman ni Drick ang TV.
"Oh Manang. Bakit po kayo humahangos?" Pansin ko naman kay Tita Elena na, ninenerbyos na sya.
"Ma'am. May tumawag po... Sabi po... Nasa ospital daw po si Sir." Ang kaninang napatayo na si Tita Elena ay napaupo. Parang nanlulumo.
"Sang ospital daw Manang?"Pagtatanong ni Drick.
"Sa St. Lukes daw ho!" Sagot naman ni Manang. Hinihimas-himas ko si Tita elena para mahimas-masan naman siya.
"Tara na Mommy! Puntahan na natin si Daddy. Relax ka lang. Magiging okay din ang lahat."
"Aa.. Hon. Wag muna ko ihatid. Samahan mo na lang si Tita. Papuntang ospital. Hindi na rin ako makakasama. Gabi na rin kasi e." Pagpapaalam ni Me-Anne.
"Wag na. Ihatid na kita."
"Wag na!. Emergency to. Kailangan ka ng Daddy at Mommy mo!" Pagmamatigas ni Me-Anne.
Sa hindi ko malamang dahilan, sumabat ako sa usapan nila. "Pre. Ako ng bahal sa GF mo. Ako na maghahatid sa kanya." Pagbo-volunteer ko.
"O'sige Pre. Ingatan mo sya huh."
=================================
Author's EPAL: Pasensya na sa chapter na to. Inaantok ako e. I-comment nyo lang sa baba mga HINAING NYO.
At oo nga pala. Paki-bigyan ng PAMAGAT ang NEW story ko. Tignan nyo sa lang sa mga WORKS ko. :D SALAMAT!
BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomantikLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...