Chapter 34

60 4 0
                                    

Author's EPAL: Mga girl and boys, check nyo yung binasa nyong Chapter 33 Part 2. In-edit ko kasi yun e.. Thanks..

At humihingi ako ng dispensa. Feeling ko kasi, hindi maganda mga update ko. Pasensya po.. Sobrang hectic po ng schedule ko. So sinisingit ko lang po ito. Pasensya po ulit. mwaaaaa :*

===========

Chapter 34

JB's POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na KASAMA ko na siya. Pumayag na rin siya na ligawan ko siya. Isang linggo na rin akong nanliligaw sa kanya. Pinakilala na rin nya ko sa mommy at daddy nya, pati na rin sa kuya nya. Pati na rin kay Alessandra. Napag-alaman ko rin na magkapatid si Avah at si Alessandra.

Tinanong ko din kay Alessandra kung nasan ang Ate nya. Pero, pumunta daw to ng State. Tiyak masama pa din loob nun. Kasalanan ko ba kung hindi ko maturuan ang puso ko. Tyaka, para lang ako kay Me-anne nu. Wala akong papalampasin na araw, oras, minuti, ni sigundo. Susulitin ko na to. Ang tagal ko ring hinintay to. Nung Highschool, hanggang college. At ngayon, hindi ko na papakawalan ang sandaling ito.

Kakayanin ko lahat para sa kanya. Alam ko rin naman na mahal nya ko e ^___^

"Bryan. Are you ready???" Tanong ni Lawrence sakin. May photoshoot kasi kame ni Me-Anne ngayon dito sa Canals of Venice. Di ba nga?? Model kame?? HAHAHA. Pero, one month contract lang kame. Kung baga, testing lang kung magki-click kame. Pero, wala na kameng balak ni Me-anne e. Balak na kasi naming bumalik sa Pinas. Hihih. Kung magdesisyon kame, kala mong kame na e nu. Hihihi :D

"Yes. I'm ready." Sagot ko rito.

***

Ilang shot at post lang, natapos na rin ang photoshoot. Last photoshoot na to. Ilalabas na ang magazine na ang cover ay kameng dalawa. Ini-endourse namin ang  isang clothing line kung saan pang couple ang tema.

Sila na daw ang bahal pumili ng mga best shots namin. Ngayon, its our time :D May surprise kasi ako kay Me-anne e. Dadalin ko siya sa isang Amusement park dito. May mga fireworks. At pagkatapos nun.... HAHAHA... Secret muna.. HAHAHA...

******

Me-anne's POV

Rainbow Magicland (Valmontone, Rome)

Dinala nya ko sa isang Theme Park dito. Sumakay muna kame sa Shock (Launch Coaster). Grabeng experience. Mas masaya siyang sakyan kaysa sa sinasakyan kong mga rides sa Pinas. Sa tagal ko sa Italy. Ngayon pa lang ak nakapag gala. Ngayon lang ako nag-enjoy ng ganito.

Naggagala din naman kame ni Alessandra. Pero, lagi lang kame sa Mall. Manunuod ng Sine, kakain, magsya-shopping, tapos uuwi na. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganito e.

Pumunta at sumakay din kame sa Mystika (Free Fall Tower). Ito naman para siyang EK Extreme. 

Sinubukan din namin ang Cagliostro (Indoor Spinning Coaster), na nasa loon ng isang establishment. Enjoy din naman sakyan.

Marami pa kameng pinuntahan na rides at lugar sa Theme Park na yun. Masaya ko kasi siya ang nakasama ko.

Papunta kame sa isang Food Stall ng may humigit sakin....

"Hey!!!" Yun na lang ang nasabi ko sa lalaking nakakapit sa kamay ko. hindi naman mahigpit. Pero, sinesenyasan nya ko na sumama sa kanya. Luminga-linga ako dahil nakakapagtakang wala sa tabi ko si JB.

Sa hindi ko malamang dahilan, para bang naiiyak ako. Kanina lang kasama ko siya. Pero ngayon wala na siya. Tapos may humila pa sa king lalaking hindi ko kilala. Na hindi ko alam kung bakit siya ngumingiti at sinesenyasan akong sumama sa kanya.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon