Chapter 12

96 6 3
                                    

Author's Note:

Annyeong Haseyo!

This chapter is dedicated to JiemhelPotch. Salamat sa pagsupport nya dito. Sa totoo lang, siya yung major reason, kung bakit ako nag-a-update. Nata-touch talaga ako sa kanya. Salamat talaga. Mababa lang ang kaligayahan ko. Pero.. sobrang happiness ang dulot ng complement at support mo. Gusto talaga kitang i-power hug. Saranghae :* Hihihi.

At sa mga kaibigan ko sa FB. Stay-put lang kayo. Kung mababasa nyo man to. Hahaha. Kinakabahan ako sa mga critic nyo e. Anyway, pwede bang magVOTE kayo. Hihihi. Kung gusto nyong sumaya ako. Pa-birthday nyo na sakin. HAHAHAHA.

At paalala ko lang. Baka may mabasa kayong Typo-errors or grammatical error. Please paki sabi na lang. At samahan nyo na rin ng TIYAGA. :D Salamat.

============================================================================

Chapter 12:

Me-Anne's POV

Kakatapos lang namin kumanta ni JB. Bababa na sya ng stage.. Hindi ko alam, pero parang feeling ko. Eto na yung time para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.Bahal na, kung tanggapin man nya o hindi. Ang importante, malaman nya. Pero.. paano nga kaya kung i-reject nya ko? Waaaaaaahh. Hindi yan. Think positive! Walang aayaw! Hahahah. Teka nga. No time for jokes.

"JB?" pagtawag ko sa kanya. Kasalukuyan syang bumababa ng hagdan galing stage. Mahina lang naman ang pagtawag ko sa kanya. Pero, napatingin yung ibang students na malapit sa stage. May mga ibang seniors kasing magpe-perform. Kaya naman, medyo nahiya ako. Pero, no time for that. Kailangan ko nang masabi to. Go Me-Anne! Aja!!!

Paghakbang na paghakbang ni JB. Lumingon na sya sa kin at parang sinasabing. "Yes ano yun?" Kung kanina.. excited ako. Ngayon, gusto ko ng maihi at umiyak sa kaba. Superman.. Help me.. please.

"Ahh. Ehhh..Kasi... " Aya na nga ba sinasabi ko e. Nauutal na ko. Hindi ko pa masabi. Gusto ko ng umiyak. Mother, help me. Huhuhuh.

Hindi pa rin sya nagsasalita. Naka-tingin lang sya sakin. Kada titignan ko yung mata nya. Yun yung nagsasalita. "JB. Kasi.. Aaahh.. Eeehh.. Iiiihhh. Kasi ano...." Kaya ko ba to?  Sasabog na ko sa kaba. Huhuhu.. Kaya ko to. Aja!

"Mag.. a-a-e-i-o-u ka na lang ba dyan." Nagsalita na si JB. Minsan... masabi din talagang nagsasalita ang isang tao. Lalo na si JB. Kung hindi masungit, magaspang. O kaya naman, combination. DAig nya pa yung COMBI. Hahaha. Anung konek? Wait nga! Tama na nga biro. Tss. Seryoso na.

"Kasi.. JB.. Pwede ba tayong mag-usap... may sasabihin lang ako." Ayun sa wakas. First step na! Uwaaaaaaaaaaaaaahhhhh. Lord... Help me.. na masabi to huh. Basta.. Kahit ano mang result okay lang... Thank you Lord.

********

Nandito na kame sa isang bench. Sa labas ng gym. Walang tao. Kung may tao man, parang hindi naman. HAHAHA. Manlait ba? Yung totoo, may tao, pero.. malayo samin. Sa totoo lang. 5minutes na kameng naka-upo. Pero, wala pa ring nagsasalita. Huhuhuh.Kinakabahan ako. :'( :'(

"Kru Kru Kru." Tunog po yan ng mga hayop pag gabi. Yung mga tumutunog sa may damuhan. Buti pa sila may bino-boses. Haayyy..

"Me-Anne. Ano ba yung sasabihin mo?" Siya na yung nagsimula ng conversation. Siguro. Naiinip na sya.

"Aa.. Kasi.. Basta... promise mo.. walang magbabago satin. Kapag nalaman mo to. Gusto ko lang malaman mo." Promise mo huh. Close pa din tayo. Walang ilangan JB. Tanggap ko pa, kung di mo ko gusto e. Pero yung lalayuan mo ko. No way! Highway!

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon