Chapter 17

120 5 4
                                    

Author's EPAL: Hindi ko alam kung maganda tong update na to. Name-mental block ako e. Pasensya na huh. Maiksi lang ata to. Bawi ako NEXT UD!! 

Sa mga nagbabasa. Salamat po talaga. Pinapaligawa nyo ang isang katulad ko. HAHAHA. xD

========================================================================

Chapter 17:

Me-Anne's POV

"May ipapakilala ako sa Hon." Wika nya pagkatapos nyang kunin ang mga gamit ko. "Naku. Siguradong magigigng close kayo nun. Kababata ko yun. Kaya lang matagal na kameng hindi nakikita nun e. Nasabi ko nga sa kanya na may GF ako. Excited na nga siyang makilala ka e." pagku-kwento nya pa. Hindi ko alam kung sino yun. Wala kasi siyang pinapakitang picture sa kin. Kasi nga wala daw silang picture nun nung mga bata pa sila. Bestfriend nya daw yun. Tsaka, how come? Paano nya nalaman na magiging close kame nun?

"Hon huh. Sigurado ka na sa Saturday huh. Wala naman tayong klase nun e. Holiday kasi yun. So Walang pasok. Tsaka. Maghahanda si Mommy ng dinner para sating apat." Para sa apat? Kasi, apat kame. Si Angeline, Ako, si Endrick at ang bestfriend nya na dito na daw sa maynila mag-aaral.

"Opo. Hindi ka halatang excited." bibong-bibo kasi siya magkwento e. Hahahaha. Pero nakaktuwa. Siguro, talagang close sila nun. Pati tuloy ako na-e-excite. Medyo kinakabahan din. Baka.. suplado din yun katulad ni Endrick. Hehehe. Kasi di ba? Sabi nila. Pag magbestfriend daw kayo. May pagkakaparehas daw kayo. Kahit 20-40% lang.

"Excited lang talaga ako Hon. Huling kita kasi namin. Nung Grade 6 kame. Kailangan kasi nilang lumipat ng Tirahan. Dahil sa negosyo ng Dad nya." Dagdag na kwento nya pa. Nagda-drive na siya ngayon. Pupunta kasi kame sa house nila. Nagpapasama si Tita Elena na magshopping. Thursday kasi ngayon, pag mga ganitong araw, half day lang klase namin. Si Angeline naman. Marami pa siyang gagawin. Kaya hindi sumama.

Nagpatuloy pa siya sa pagku-kwento. Sa mga naririnig ko. Mukhang magkasundong-magkasundo sila. Kaya daw sila nagkakilala nun. Kasi, niligtas daw siya nun sa mga nambugbog sa kanya nung Grade 4. Grabe. Bata pa lang sila. Basagulero na. HAHAHA. Magkasama daw sila nun sa kalokohan. Hihihi.

Natanong ko din kung bakit biglaan ang paglipat nun ng school. Sabi nya. May hinahanap daw yun na babae. Grabe naman effort nun.

"Hon. May gf kasi yun dati. Pero hindi nya mahal."

"Oh? E bat nya syinota?" Medyo inis na sabi ko. Parang ang sama lang ng dating. Di ba? Hindi tama yun. Maggi-GF ka. Tapos hindi mo mahal. Ano yun pinaglaruan mo lang? Ang sama naman nun di ba?

"Oh? Hon Bat affected ka? Hahaha. Hindi pa naman kasi tapos kwento ko." Natatawang sabi nya. Tamo tong  mokong na to. Pinagtawanan pa ko.

"E bat nga nya gi-ni-ef?" Tanong ko. Nabawasan na ang inis ko.

"Kasi. May sakit yung babae. Yung syinota nya. Sa heart ata. Tapos. Yun yung hiling nung babae. Bago siya mawala. Na wag umalis sa tabi nya yung bestfriend ko." Ayyy. Parang ang sad naman nung story. Bigla akong nalungkot. Bigla din akong nabaitan dun sa bestfriend ng boyfriend ko. Kasi.. napasaya nya yung girl bago ito mawala.

"E Hon. Sino yung hinahanap nyang girl?" Pagtatanong ko. Medyo. Naguluhan din ako e. Anong eksena nung nawawalang girl sa buhay ng bestfriend nya?

"Ahh.. Yun ba? Hahaha. Yun lang naman ang kaisa-isang babaeng minahal ng best friend ko." Huwaw! Kaisa-isa. Ang swerte naman nung girl na yun. Sosyal. 'Hinahanap-hanap kita' ang peg nya. "Tututlungan ko siyang hanapin yung girl na yun. Sabi nya kasi. Pag nakita nya yun.Hinding-hindi nya papakawalan yun. Kahit na harangan pa siya ng sibat o tamaan siya ng kidlat." Wow naman. Siya Na! Kahanga-hanga naman yun.

"Hay.. Katuwa naman yang bestfriend mo. Nako. Pagpe-pray ko na sana mahanap nyo na yung girl na yun. Ang swerte nya huh. At sana. Hindi pa huli ang lahat."

*******

(Author's EPAL: Eto na po si JB. Hihih. Para malinawan kayo sa happenings. At AKO naman, na-e-excite na. Namiss ko si JB. Hehehe. Go JB! Pero, i love ENDRICK! HAHAHA xD ^_^)

JB's POV

Sinimulan ko ng i-dial ang number ni Drick.

091222*****

*Kring* *Kring* *Kring* (Author's EPAL: Pasensya na ulit sa tunog huh. Walang pondo e. Bigyan nyo ko ng pondo. HEHEHE. )

Ilang sandali pa. Sinagot nya na ang Cellphone nya.

"Wui. Pare!" Bati nya sakin.

"Drick. Pare. Bukas ang luwas ko papuntang manila. Sa condo ko na lang tayo magkita huh." May Condo nga pala ako. Pero. Maliit lang. Dalawang kwarto lang ay meron. Regalo ng Dad ko yun sakin. Nung grumaduate ako ng Highschool. Pero dahil nga kay Coreen. Dito muna ko sa Laguna nag-aral ng college.

"Sige pare. Daretso na ko dun. Pinaghanda ka namin ni Mommy ng dinner. Pero sa Saturday pa. May pupuntahan sila ng GF ko bukas e." Ou nga pala. May GF siya. Sa pagkakaalam ko, mga 1-year and 2-months na ata sila nun e. Hindi ko nga akalaing magkakaGF ng seryoso yun. Playboy kasi at suplado.

"O'sige. Pakilala mo rin sakin yang GF mo huh. Nang makilatis." Biro ko pa sa kanya. Gusto ko lang makilala ang taong bumago sa kayabangan ng bestfriend ko. HEHEHE. Pero, sigurado ako na kakaibang babae yun.

"Gagu! Kilatisin mo mukha mo. Daig mo pa sila Mommy at Daddy a."

"HAHAHA. Syempre bilang bestfriend. Sige na. Sige na. May pupuntahan pa kame ni Ericka." Yung Ericka. Kapatid ko yun. Nag-request kasi siya na samahan ko siya mag-mall. Mamimiss nya daw kasi ako. Ang OA nga e. Kala mo namang sa ibang bansa ako pupunta.

"Sige Pre. Ingat." Binababa nya na ang phone. Tutulungan din nya kong hanapin si Me-Anne.

Pero, wag kayong masyadong OA. Hindi lang naman dahil kay Me-Anne. Kaya ako pupunta sa Manila. Mag-aaral din ako dun. Kasabay nun. Ang hanapin si Me-Anne. Kamusta na kaya siya?

Ang tagal na din naming hindi nagkikita. The last time I saw her, ay yung umamin siya sakin at ni-reject ko yun. Siguro.. galit yun sakin. Sana hindi.

Miss na miss ko na talaga siya. Amazona pa rin kaya siya?

Masungit pa rin kaya? Iyakin pa rin kaya siya? Isip-bata pa rin ba siya?

May BF na kaya siya? Hay.. Nalulungkot ako pag naiisip kong nakalimutan nya na ko. Me-Anne. Sana... Hindi pa huli ang lahat.!!!

========================================================================

Author's EPAL: Yeepee!! Tapos na ang chapter 17. Hayahay. Pwede na ulit akong kumain. Bwahahaha. Salamat ulit sa pag-basa huh. Mwuaaaahhh.. :*

Pasayahin nyo naman ako. MagVOTE at magCOMMENT kayo. :D ^o^

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon