Chapter Eight

112 8 2
                                    

Author's Note: PASS FORWARD ko na po ahh.. Nababagalan ako e.

=============================================================================

Andrew's POV

Magte-ten months na din kame ni Me-Anne. Lagi ko syang kasama. At bawat araw.. masaya ako. At alam ko masaya rin sya. Napaka-daldal nya. Sabagay, ganun naman talaga sya. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Tranferee lang ako sa school na to. Hanggang sa mapansin ko siya. At dahil sa gusto kong magpapansin sa kanya.. inasar ko sya. E, pikunin pala yun. Hehehe. Pero, never ko pinagsisihan sa twing umiiyak sya dahil sa kapikunan nya. Natutuwa kasi ako. Ang tapang ng awra nya. Pero, kapag napipikon sya. Para syang bata. Ang cute-cute nya. Tsaka, iba sya sa ibang babae. Sobrang bait. Kahit parang hate sya ng mga girls na classmate namin. Okay lang sa kanya. Mabait talaga. Kaya sya binu-bully e. Buti na lang, nandyan ang sadista nyang bestfriend---si Angeline. Kabaliktaran sya ni Me-Anne. Hehehe.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang. Ngayon, nagpe-prepare na kame for graduation. At mukhang Salutatorian pa ata sya. Hehehe. Ang ta-taas kasi ng grade nya. Hehehe. Masipag mag-aral. Unlike, me. Heheheh. Lagi kameng nag-aaway dahil sa grade ko. Ang baba daw. Heheh. Siya na matalino.

"Hoy! Isa ka na naman sa mababa sa exam natin. Mag-aral ka nga!" Nakapamaywang na sabi ni Me-Anne. Kaysa mainis. Natutuwa pa ko sa kanya. Dahil ang cute nya.^____^

"Hoy! Mag-aral ka! And please Stop smiling. Walang nakakatuwa." Ngayon naka-pout na siya. HAHAHA.

"Ilang beses ba natin pagtatalunan yan huh? E sa ganun lang kaya ko e." sagot ko sa kanya. Actually, tinatamad akong mag-aral.

"Anong hanggang don? I know, kaya mo. Tamad ka lang." Umupo sya sa tabi ko. "Babe, I'm not doing this, para lang pagtripan ka. Ginagawa ko to. Para rin sayo. Mahirap makapasok ng university pag mababa ang average ng grade." Ngayon, seryoso na sya. Eto lang ang ayoko sa kanya. Nagiging seryoso sya.

"Babe. Atleast pasa." Sumimangot sya. Hay.. "Okay Okay. Next time. I still have 3 more months. I'll promise. Mag-aaral akong mabuti. Smile ka na." Nag-smile naman sya. Sige, dahil nag-promise ako sa kanya. Gagawin ko.

**********

Me-Anne's POV

Hay. Isa na naman sya sa pinaka-mababa sa exam namin. Hayyy. Out of 50, 35 lang ang score nya. Hayy. Alam ko OA. Pero, star section kame. So, mababa na samin yun. Pano na lang pag pumasok sya sa university. Mahirap makahanap ng school pag mababa ang grade. Kaya kayong mga highschool students. Study Hard, Play Hard. What I mean is.. wag kayong masyadong dibdiban mag-aral. Pero make sure, matataas ang grade nyo. Aba! Mahiya kayo sa mga parents nyo. Ehem, Ehem. Author! Isa din sa pinariringgan ko. HAHAHAHA.

"Hoy! Isa ka na naman sa mababa sa exam natin. Mag-aral ka nga!" Nakapamaywang na sabi ko. Pero, aba! Naka-smile pa. Tuwang-tuwa pa sya.

"Hoy! Mag-aral ka! And please Stop smiling. Walang nakakatuwa." Nag-pout ako. Baka tumalab ang pout-mode ko. HAHAHA

"Ilang beses ba natin pagtatalunan yan huh? E sa ganun lang kaya ko e." Hmmm. As if namang maniniwala ako na ganun lang makakaya nya. E tamad lang mag-aral yan. Pa'no puro barkada.!!!!

"Anong hanggang don? I know, kaya mo. Tamad ka lang." Umupo ako sa tabi nya. Nakaka-ngalay kayang tumayo. "Babe, I'm not doing this, para lang pagtripan ka. Ginagawa ko to. Para rin sayo. Mahirap makapasok ng university pag mababa ang average ng grade." Seryosong sabi ko. Baka kasi akalain nya nagbibiro ako. Concern lang naman ako sa kanya. As his girlfriend. Ou nga pala. Ang tagal na namin. Magte-ten months na kame.

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon