Chapter 20

110 4 7
                                    

Chapter 20:

Me-Anne's POV

Naglalakad kame palabas ng village. Hindi naman kame magkasabay. Nasa likod ko siya. Mabagal lang ang lakad ko. Hindi ko alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. Siguro. Nagkahalo-halo na. Galit? Parang oo. Lalo na nung nalaman ko na may hinahanap siyang girl. Naiinis ako sa pagre-reject nya sakin. Ganun bang kadaling na i-reject ako. Ang akin lang. Pwede namang i-try, di ba? Tsaka isa pa! Sino kaya yung girl na yun? Kilala ko ba siya? Hayyy..

Selos? Konti. Ewan ko ba? Hindi naman dapat ako magselos, di ba? Tsaka may boyfriend ako. Bat ganito nararamdaman ko? Bakit feeling ko, may natitira pang space para sa kanya dito sa puso ko? :'(

Namiss? Ou. Sobrang namiss ko siya. Alam nyo ba? Gusto ko talaga siyang yakapin e. Kaya lang may part sa puso ko na nagsasabing HINDI PWEDE. Bawal! Lalo na ang BOYFRIEND ko ay BESTFRIEND nya. Ang saya-saya, di ba? Haaaayyyy..

Lakad lang ako ng lakad. Medyo mahangin ang paligid. Mahamog din. Nilalamig na din ako. Naka-dress kasi ako. May manggas naman, pero, hindi sapat yun para kontrahin ang lamig na nararamdaman ko. Kaya ang tanging nagagawa ko ay yakapin ang sarili ko. Pero.. habang tumatagal.. mas lumalamig lang ang paligid.

"Nilalamig ka ba?"

"Ay kabayong bundat!!!" Nagulat ako ng biglang may humawak sakin. Mainit ang kamay nito. Hindi naman ako napaso. Pero nagulat talaga ko, kasi may kasamang pagtatanong e.

Napahawak na lang ako sa bibig ko. Pero tinanggal ko din. Upang yakapin muli ang sarili ko.

Maya-maya, naramdaman kong may nilalagay siyang jacket sa balikat ko. "Alam kong nilalamig ka. Suotin mo. Para maibsan yan." Walang emosyong sabi nya. Wala kang mararamdamang kasiyahan o concern sa boses nya. Eto pa din ang dating JB na kilala ko. Ang JB na minahal ko.

"Salamat." Tinanggap ko na rin ang jacket. Sinuot ko na ito sa kin. Dahil nilalamig na talaga ako.

"Me-Anne?" Pagtawag nya sakin. Malumanay at parang nakikiusap na pakinggan o pansinin ko siya.

"Hmmm?" Sagot ko sa kanya. Hindi ko pa rin alam kung kakausapin ko ba siya? Hindi ko pa rin kasi malimutan na parang tinanggi nya na kilala nya ako. Kahit hindi literally. Pero parang ganun na rin yun.

"I'm sorry." Teka. Bat siya nagso-sorry? Para san yun?

"Para san?" Tanong ko. Naguguluhan pa rin ako. Bat siya nagso-sorry? Para ba sa hindi nya pag-amin na kilala nya ko? O para sa sakit na dinulot nya dati? O dahil sa pagpapakita nya ulit?

"Basta!" Yun lang ang sagot nya. Pag mga ganyang sagot nya. Ang ibig sabihin nya dun ay.. wag ko ng alamin ang dahilan kasi hindi nya din sasabihin o ayaw nya na malaman ko. Kaya naman hindi na ko nagsalita.

Pumara na rin siya ng TAXI. Akala ko. Ako lang ang sasakay. Yun pala. Pati siya! Seryoso talaga siya na ihatid ako. Kung ako lang. Ayoko. Ayokong malaman nya kung san ako nakatira.

=================

JB's POV

"San ba ang bahay mo?" Tanong ko sa kanya. Ang AWKWARD pa rin. Naiilang din akong kausapin siya.

Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoong nilalaman ng puso ko. Pero, hindi ko magawa. Ni hindi ko maibuka ang bibig ko sa mga salitang yun.

Hindi nya ko sinagot. Bagkus kinausap nya lang si Manong driver. "Manong sa Montalban, Quezon po tayo!" Sagot niya. Ang layo pala ng bahay nila dito. From Makati City to Montalban, Quezon.

Muling pumagitna samin ang mahabang katahimikan. Walang nagsasalita. Nakatungo lang siya. Habang nagbabasa ng libro. Kahit madilim. Tulad pa rin siya ng dating Me-Anne na nakilala ko. Ang Me-Anne na ang tanging pinapansin ay libro. Sana libro na lang ako. :'( Si Me-Anne pa rin ang babaing mahal ko. Na impossible na ata na mapansin pa ko.

Maya-maya. Sinilid nya na sa bag niya ang libro. Inayos ng konti ang buhok nya gamit ang daliri nya. Bago siya magsalita. "Manong dyan na lang po sa may Apartment."

Itinabi naman ng Driver. At bumaba na siya. Bumaba na rin ako. Pero. Hindi ko muna pinaalis si Manong.

"Dito ka pala nakatira." Wika ko.

"Oo. Apat kame dyan. Kasama ko si Angeline. Ay oo nga pala. Yung jacket mo." Hinubad nya yung jacket ko. Tiniklop pa nga nya ito. Napapangiti ako. Dahil noon pa man ay ganyan na sya. Ititiklop o iimisin nya ang isang bagay bago isuoli sa iba. Wala pa rin siyang pagbabago.

"Salamat aa." Halata ko ang pagka-ilang nya sakin. Pagkaabot nya sakit ay nag-Vow pa siya. Just like the old times. Pagkatapos nun pumasok na siya. Medyo madilim na rin kasi. Mga 11:39pm na rin.

Gusto ko siyang pigilang umalis. Gusto ko pa siyang makasama. Pero, sino ba ako para gawin yun. Kaya pinanood ko na lang siya habang pumapasok sa bahay nila.

=============================================================================

Author's EPAL: Done! Tapos na ang chapter 20. :) Comment kayo >:) Mamaya. Ipo-post ko na din ang Chapter 21. At kung kaya ko, pati chapter 22.

At guys, may papabasa ko sa inyo. Gawa ng friend ko. Kailangan ko lang ng HELP nyo. :D Motivation para ipagpatuloy nya yung kwento nya.

At guys, Meron na po akong facebook page. Search nyo lang Lady_Amethyst. Ang profile picture nun ay ang profile picture ko dito. At ang cover photo ay AKO. Makikita nyo na ang matabang MUKHA ko. HAHAHA. xD THANKS

Saving Forever For youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon