Chapter 22:
Me-Anne's Point Of View
Habang tumatagal. Lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Habang lalo akong na-a-attach sa sitwasyong to. Lalo lang humihirap ang mga bagay-bagay. 1 buwan na ang nakakaraan ng mangyari ang Dinner na yun. Kung saan nakita ko siya uli. At hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Endrick na magkakakilala kameng tatlo.
Hanggang ngayon din, hindi ko alam ang motibo ni JB, kung bakit ayaw nyang sabihin na magkakilala kame. Balita ko din, hindi na siya ngpatulong kay Endrick na makita yung babae. Siya na lang daw ang maghahanap. Wala namang nagawa si Endrick, kundi sumang-ayon sa kagustuhan ni JB na siya na lang maghanap dun sa babae.
Kasalukuyan kong hinihintay si Endrick ngayon dito sa may park. Ang tagal nga ng mokong na yun e. 30minutes na kong naghihintay. Medyo naasar na din ako. Monthsary namin ngayon. Dahil matagal kameng hindi nakapag celebrate. Napagdesisyunan naming pumunta ng tagaytay. Susunduin nya dapat ako. Pero, sabi ko, hihintayin ko na lang siya dito. At sabi ko rin, wag na kameng magkotse. Para, ma-experience naming bumyahe.
After One and Half Hour.
Here we go, come with me.
There's a world out there that we should see
Take my hand, close your eyes
With you right here, I'm a rocketeer
My Boyfriend Calling...
Pagkakita ko agad ng pangalan nya sa screen ng phone ko. Sinagot ko agad to.
"Hoy Asan ka na ba? Nakakaasar ka. Ang tagal-tagal ko nang naghihintay dito. Bwiset!!" Naaasar na sabi ko.
"Hon. I'm Sorry talaga. Hindi ako makakarating. Bawi ako next time. Promise. Si Daddy kasi e. Sinama ako sa biglaang meeting nya sa States. Bali.. 1 week akong mawawala." Pagpapaliwanag nya. Potek! Hindi naman pala siya makakarating, hindi man lang ako tinex. Bwiset!
"Ewan sayo! Wag ka ng uuwi. Di ka man lang nagtex! Bwiset!!!" Asar na asar na sabi ko. Kahit sino. Maasar pag pinaghintay siya ng matagal. Then, hindi pala dadating. At partida, Monthsary nyo pa. Ang gandang gift huh! Potek!! Puputok fuse ko dito e!!!
"Sorry na Hon. Dont worry. Matutuloy ka pa naman ngayon sa Tagaytay e." Wika nya.
"Huh? Anong matutuloy? Ako? Mag-isa? No way!" Naiiritang sabi ko. Tae. Balak pa ata akong papuntahin sa Tagaytay mag-isa.
"Hindi Hon. Bilang kapalit. Pupunta dyan si..." Bago nya pa masabi ang pangalan ng kung sino man. May humawak sa balikat ko mula likod ko. Dahilan para mabigla ako at mapasigaw ako ng....
"Ayy. Kabayong Bakla Ka!!!" Nilingon ko siya.
"JB?"
"Hindi ako bakla nu!"
Magkasabay na sabi namin. Ay pwede nang Choir.
"Hello Hon? Si JB ba yun? Nandyan na ba sya?"Sunod-sunod na tanong ni Endrick sa phone.
"Aaa.. eee. Ou. Nandito na siya." Sagot ko.
"Sige Hon. Paalis na kame ni Dad. Bye Hon. Iloveyou. Ingat kayo."
"Teka Endr------End na ang Call." Binababa ko na rin ang phone. Alangang kausapin ko yun kahit wala na kong kausap, di ba?
Walang sabi-sabing, naglakad na ko palayo. Ano ba kasing naisipan ng magaling kong BF at pinagkatiwal ako sa bestfriend nya na... alam nyo na? Hayyy.. Juice ko naman oh!!!!!
"Hoi! Me-Anne. San ka pupunta???" Narinig kong tanong nya. Hindi ba obvious? Naglalakad palayo sayo! At uuwi na?! Bakit? Mukha ba kong papalapit sayo?
Walang lingon-lingon ko syang sinagot. "Uuwi na! Umuwi ka na rin sa inyo!" Sigaw ko sa kanya.
Lakad lang ako ng lakad. Ayaw ko siyang lingunin. Baka mapabalik ako ng hindi oras. Ayoko siyang kasama. Pag kasama ko sya. Para akong aatakihin sa puso.
Lakad lang ako ng lakad ng may humawak sa kamay ko. Tumigil ako at nilingon siya. "Ano ba? Bitawan mo ko!"
"Tara na nga! Ang arte mo! Ikaw na nga tong sasamahan sa kung saan mo gusto e. Kaw pa! Nag-u-umarte!" Inis na inis na wika nya.
"Uuwi na nga kasi ako. Sino ba may sabi sayong sumang-ayon sa bestfriend mo na samahan ako? Uwi na. Tsupie." Wineyb ko pa ang kamay ko na parang nagpapalis ng aso.
"Tara na nga kasi. Tayo na lang ang aalis. Binilin ka ng Bestfriend ko sakin!" wika nya pa.
"Ang KULIT mo din nu! Sa-bi nang A-YO-KO n-----" Naputol ang pagsigaw ko at pagsasalita ko ng maramdaman kong may dumamping kung anong malabot sa bibig ko.
Nakita ko na lang ang sarili ko na nakatayo. Habang nakahalik siya sakin. Teka? Nanaginip ba ko? Hinalikan nya ko? Si JB? Hinalikan ako. Paki sampal nga ako. Dali!!!!! Ayyyy! Teka! Wag mo pala akong sampalin. Iyugyug mo lang ako.
Hindi naman katagalan ang paghalik nya sakin. Pero sapat na para manahimik at hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Nagising lang ako sa tila animo'y panaginip nang magsalita siya... " Hoy! Tatayo ka lang ba dyan. Sumakay ka na kaya!"
Pagtingin ko sa gawi nya. Nakasakay na pala sya sa pinara nyang taxi. Nakadungaw sya sa bintana. "Ang bagal mo! Dalian mo!"
Dali-dali naman akong sumakay. Umupo ako sa tabi niya na naiilang. Pilit na kinakalimutan ang paghalik nya sakin, na kanina lang nangyari.
=================================================================
Author's EPAL: Dito na magsisimula ang GERA. Bwhahahahaha. xD Na-e-excite ako sa GERA. Bwahahaha. Mga TAKSILS! HHAHAHA. Habang wala si Bestfriend. Dumada-moves sa Girlfriend. Bwahahaha. Si Me-Anne naman, salawahan!!!!
Magcomment kayo. Hoy!!!
BINABASA MO ANG
Saving Forever For you
RomanceLove Story po ito ng dalawang taong parang ewan lang. Lihim na pagtitinginan. At kung ano-ano pa. This story will show you that LOVE CAN LAST FOREVER. And the word FOREVER is still existing. Hanggang saan ang kaya mong gawin sa pagmamahal? Anu-ano a...