Chapter 402: PLAN

102 11 2
                                    

🏰GLYDEL🏰

Naupo ako sa upuan sa tapat ni Ate. Mainit ang ulo niya kaya kahit hindi pa niya binubuka ang bibig niya alam ko na ang lalabas. Malamang, nakarating na sa kaniya ang nangyari kahapon. Ganitong-ganito ang hitsura namin ni Uno kahapon. Siya nga lang 'yung pumalit.

Naiinis ako, dahil inistorbo niya ang pakikipaglandian ko kay Nguso. Kababati-bati lang namin tapos makikiepal kaagad 'to si Ate. Alam ko namang sesermonan niya lang ako, kaya sana pinatapos niya kaming maligo para mabango naman ako habang tinatalakan.

"Nakarating sa akin ang nangyari kahapon," panimula niya.

"Alam ko, hindi ka naman pupunta rito kung hindi dahil doon."

"Alam mo kasi Glydel, kasalanan mo 'to eh."

Napangisi ako. Ako na ngayon ang may kasalanan. Ako na naman? Lagi na lang ganito, sila ang gagawa ng problema tapos sa akin isisisi. "Kasalanan mo Ate, kasalanan mo."

"Bakit ako?"

"Dahil hindi mo sinabi sa akin ang plano niyo." Bahagyang tumaas ang boses ko. Naiinis na naman kasi ako sa kanila. Naalala ko 'yung napag-usapan namin nila Uno kahapon.

"Anong plano pinagsasasabi mo?"

"'Yung gagawin niyo kay Nguso after nito."

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."

"Hindi mo kasi inalam." Inirapan ko siya. Nabaliktad na, imbes na siya ang magbubunganga ako ang gumagawa non ngayon. "Gagawa-gawa ka ng isang bagay na hindi mo inaalam ng husto. Inilagay mo sa alanganin ang sarili mo."

"Hindi kita naiintindihan, sabihin mo kaya sa akin para naman alam ko."

"'Yung plano nila kay Nguso."

"Oh? Anong mali ro'n? Normal lang 'yon, dahil kung ang linya talaga ang susundin siya ang papalit kay Fifty five."

"Bukod pa ro'n," matigas kong sabi. Base sa sinabi niya, mukhang wala rin siyang alam sa plano ng dalawang kulubot na 'yon. "See? Hindi mo alam." Sumandal ako at humalukipkip. "Hindi mo alam na hindi lang 'yon ang purpose nilang dalawa. Na kaya siya ang ipapalit sa Erpats niya, para gawing pain sakaling lumantad na naman 'yung kumatay kina Tres."

"Oh? Ano namang mali ro'n? Maganda nga 'yon, para mahanap na kung sino 'yung may kagagawan non." 

Napailing ako. Hindi niya pa rin makuha kahit anong paliwanag ang gawin ko. Hindi niya naiintindihan ang nangyayari. "Eh paano kung hindi sila magtagumpay? Paano kung maulit 'yung nangyari dati? Paano kung gaya ng Tatay niya mamatay din ang anak ko?" Mangiyak-ngiyak na naman ako. Dali-dali kong pinahid ang namamasa kong mata. "Walang kasiguraduhan ang plano nila, kasi kung meron sana noon pa nila nahuli. Mag-eeighteen years na hanggang ngayon wala pa rin?"

"Malay mo naman, maayos ang plano nila. Ikaw na nga nagsabi, eighteen years na ang lumipas. Hindi naman tayo sigurado kung lalabas ba ulit 'yon. Malabo ng maulit 'yon ngayon. Sigurado ako, magiging maayos ang turnover sa taong 'to. Hindi rin naman pababayaan ni Fifty four si Alex, dahil apo niya 'yon."

"Siguraduhin mo lang, dahil 'pag may nangyaring masama sa anak ko pag-uumpog-umpugin ko kayo." Hindi kami nag-imikan. Nanatili kaming abala sa pagiging tahimik. Hindi ko siya magawang tignan dahil naiinis ako. Hindi ko lubos maisip kung paano nangyaring umabot ako sa punto na 'to, gayong nangako na akong kahit kailan hindi ako lalapit o magpapakita sa kanila.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon