Chapter 414: KU VS. UoSJ 1 (SFD9)

135 14 7
                                    

🏰MATTHEW🏰

Tahimik ako habang kumakain dahil pinakikiramdaman ko pa si Guione. Para kasing may problema siya eh. Iniisip ko tuloy kung 'yung tungkol ba kay Luke ang iniisip niya. Nagkakampihan kasi kami nitong nakaraan kaya feeling ko na-out of place talaga siya.

Gusto ko sanang sumama kahapon sa Palasiyo, kaya lang umalis kami nila Mommy. Magandang pagkakataon na sana  'yon para magkabati-bati kami. Sabi kasi ni Luke sa akin sa chat nandoon daw si Sean, pero hindi naman sila nag-usap.

Palihim kong sinusulyapan ang brader ko. Hindi ko alam kung bakit ganito 'yung nangyayari sa amin. Samantalang noong mga bata kami, ayos naman kami. Una si Luke at Sean, tapos kami ni Luke, ngayon naman si Luke at Guione.

Hay buhay...

"Akyat na ako," paalam sa amin ni Guione.

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko. "Sama ako," tumayo na ako kaagad para hindi na siya makatanggi. Magkasabay kaming naglakad pero hindi kami nag-uusap. "Sumama ka ba kahapon?" Kunwaring tanong ko, kahit na alam ko namang hindi siya sumama dahil kay Luke.

"Hindi," tipid niyang sagot. Hindi ko tuloy alam kung paano pa ako magtatanong ulit. Grabe, napaka-awkward naman nito.

Nakarating kami ng locker room na wala ng nagsalita. Wala rin akong maisip na topic. He is cold, kaya ang hirap tiyempuhan. Naupo ako malapit sa kaniya. Nakatingin siya sa screen ng phone niya, kaya wala sa sariling napalingon ako roon. Nakita ko 'yung chat nila ni Joice. Ang dami niyang message pero walang reply maski isa. Tapos online din siya pero hindi naman nag-siseen.

"'Wag mong isipin 'yon mahal ka non," biro ko. Lumingon siya sa akin bago nahihiyang ngumiti.

"Ginhost na yata ako nito." Tinago niya phone niya sa bulsa ng bag niya.

Napangiti ako dahil kahit papaano magandang pag-usapan ang ganito. "Baka naman busy lang." I cheered him up, kahit sa simpleng salita lang.

"Sana nga..." Sumandal siya sa upuan at tumingala.

"Kinakabahan ako." Ginaya ko ang hitsura ng pagkakaupo niya. "Mamba na naman kalaban natin."

"Ako nga rin, talo kasi tayo no'ng Tune up."

"Pero kahit papaano okay rin no? Kasi nakalaro na natin sila."

"Sana nga, hindi matulad sa practice game 'yung laro natin ngayon. Laglag tayo 'pag natalo tayo rito."

Napatango ako. Bawat laro namin ay mahalaga, dahil isang maling galaw lang sa kangkungan talaga kami pupulutin. "Dapat manalo tayo."

"Sino bang maglalaban sa kabila?"

"'Yung parehong rank 1, Camp Bell and Bridge."

"Uy magkapatid."

"Kaya nga eh," nakangiti akong tumango. Maganda-gandang laban din 'yon 'pag nagkataon. Kung wala lang laro sila Mare mamaya 'yon ang panonoorin ko.

"Good luck kay Sean," aniya. Napatingin tuloy ako sa kaniya. "Grabe 'yung laro natin sa Camp Bell eh, mapapasubo si Sean doon."

Oo nga pala, ngayon na lang kasi namin nakaharap ang Camp Bell. Lagi kasing natatapat na hindi namin sila kabracket, o 'di kaya naman ay nalalaglag sila ng iba.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon