Chapter 520: INVITATION 1 (SFD15)

132 23 4
                                    

🏰MARCO🏰

Hindi ako makagalaw dito sa kinauupuan ko, dahil mali yata na sumama kami rito. Talagang hindi ako makapaniwalang nandito si Boa, tapos tumingin pa yata siya sa akin kanina. Hindi naman sa nandidiri pero, ang magkagusto sa matanda na kasing edad niya ay hindi katanggap-tanggap para sa akin. Alam kong wala siyang kasalanan, kaya nga ako ang nahihiya. Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin maitanggi na napakaganda niya, lalo na sa suot niya ngayon.

Sexy...

Kaso, kasi naman eh!

Hindi lang 'yon, naririnig ko ang usapan nila Tito Carlos kanina. Base roon, mukhang kilala nila sila Boa, o Glydel, dahil 'yon pala talaga ang pangalan niya. Guwardiya sila, sila ng kapatid niya, 'yan ang naririnig ko. Kasi 'yong babae kanina sumaludo sa amin, siya ang tumulong sa akin dati na makauwi sa Palasyo. Nagkaroon tuloy ako ng hinala na baka kaya ako kinupkop ni Boa eh dahil guwardiya siya. At isa 'yon sa tungkulin niya, kaya naman humahanga ako ng labis sa kaniya.

Kung ibang tao 'yon, malamang magpapakita sa Hari at manghihingi ng pabor. Baka nga pa-ransom-an pa ako. O manghingi man lang ng promotion. Pero siya? Wala, wala siyang hiningi kahit isang kapalit.

Napakahusay niya...

Humahanga ako sa kaniya ngayon, pero hindi gaya ng dati. Sobrang taas na ng tingin ko sa kaniya ngayon. Isa na siyang kagalang-galang na tao sa paningin ko.

Salamat Boa...

Isa pa sa ikinakaba ko eh 'tong isang player ng Camp Bell. 'Yong Kapitan nila, na apo rin pala nitong matandang nasa unahan namin na gaya nila Boa ay guwardiya rin. Nakatingin siya sa akin ng masama kanina. Naalala niya yata na ako 'yong tinulungan niya na tinakbuhan siya. Napakasama ko, babae siya at Prinsipe ako tapos ako pa 'yong tumakbo?

Duwag ako...

At 'yang Lolo niya naman, natatandaan ko ang pangalan niya. Siya ang ikalawa sa Talaan, ang dating taga-pangasiwa ng Kampo. Kahit papaano ay masaya ako, dahil hindi ko inasahan na dito ko sila makikita. Pati 'yang kasama niya, siya ang pang-anim sa Talaan.

Hindi ako makapaniwalang dito ko sila makikita. Para sa akin, isang malaking karangalan na makita ang matataas na uri ng guwardiya ngayon. Pakiramdam ko, p'wede na akong mamatay. Hindi ko alam pero humanga ako nang makita ko sila.

Sino ba namang hindi?

Dalawang babaeng guwardiya na pawang matataas ang ranggo? Tapos magkapatid pa. At dalawang matanda na hindi maitatangging makikisig talaga. Sa galaw pa lang nila, talagang hahanga ka na.

Astig!

Sila siguro 'yong ilan sa sinasabi ni Papa na magagaling na guwardiya na nag-resign na. Kung totoong sila nga 'yon, nakakapanghinayang pala sila. Pero siyempre, hindi naman natin sila masisisi kung gusto nilang ayusin ang buhay nila, dahil may pamilya rin naman siguro sila.

Kasalukuyang abala ang lahat sa half time. Nagpapasalamat ako at kumalma na ang mga tao sa kasisigaw. Chismis naman ang inaatupag nila ngayon. Wala silang ibang topic kung hindi si Boa. Nagtataka lang din ako kung kaanu-ano niya 'yong babaeng maganda. Magkaapelyido kasi sila eh.

Ang alam ko, De Vera ang apelyido ni Boa, at 'yon din ang nakasulat sa uniporme ng babae. Inaasar ko pa nga si Luke dahil pareho pala sila ng jersey number. Ang sabi niya naman, siya raw ang ginaya, pero totoo naman 'yon, dahil noon pa naman 'yan na ang gamit niyang numero.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon