Chapter 409: OKRAYAN (SFD9)

104 12 6
                                    

🏰DARYLLE🏰

Mula nang tumawag si Alex sa akin noong nakaraan, hindi na ako nakatulog ng maayos. Akala ko noong una nagbibiro lang siya, kaya lang narinig ko na naman si Mama na may kausap. Doon ko nakumpirma na totoo ang sinabi ni Alex, nahuli nga raw siya ni Tanda. 

Hindi ko mausisa si Mama dahil galit na galit siya kahapon. Knowing Mama, kapag galit 'yon sa isa damay na lahat. Naibubunton niya kasi sa iba ang galit niya paminsan-minsan. Gabi na rin siya umuwi kaya hindi ko na nakausap.

Gusto ko siyang tanungin kung kamusta na si Alex, pero natatakot ako. Hindi ko naman matawagan si Alex dahil baka pagalitan siya. Sabi kasi bawal daw 'yon sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ang higpit-higpit naman doon sa sinasabi niyang bahay. Lalo tuloy akong nacurious kung anong hitsura non, kung sino ba talaga siya at bakit kailangan may gano'n pa? Hindi naman kasi normal 'yung gano'n.

Though may mga cases talaga na hindi pinalalabas ang isang tao lalo na kung may sayad talaga. Oo may toyo si Alex pero hindi naman siya 'yung tipo ng tao na kailangang ikulong. May tiwang siya pero malayo pa naman siya ro'n sa part na sobrang luwag na talaga ng turnilyo.

Naguguluhan tuloy ako...

Idagdag mo pa 'yung nangyari sa amin ni Sydney noong Sabado. Naiinis na kasi talaga ako sa kaniya, pero siyempre nandoon a rin 'yung awa dahil kaibigan namin siya. Kaya lang, hindi na maganda 'yung ganito dahil nasa tamang pag-iisip na siya. Alam kong libre maging t*nga pero hindi naman lahat ng libre eh i-aacquire mo na.

Nakapag-usap kami nila Cassey, Georgina at Kendrick kahapon. Gumawa kami ng GC na kaming apat lang ang kasali. Hindi na namin sinama si Alex dahil hindi naman 'yon magrerespond. Pinag-usapan namin ang pagtatalo namin ni Professor X. Sabi ni Cassey tama lang daw 'yon kasi hindi na tama. Sila Kendrick din sang-ayon sa ginawa ko, pero sabi nila 'wag naman daw namin iparamdam kay Professor X na lalayasan na namin siya dahil sa kat*ngahan niyang unlimited.

Pinaalam ko na sa GC namin ang tungkol sa nangyari kay Alex noong Sabado. Lahat kami nalungkot kaya lang wala kaming magawa. Aabangan na lang namin kung makakapasok ba siya ngayon. 

Sana...

Kasi parang ang lungkot 'pag wala siya...

Kahit gaano siya kakulit at kaligalig hindi ko siya matiis. 'Yung kinaiinisan kong ugali niya 'yon din naman ang namimiss ko kapag wala siya. Hindi na nga yata ako sanay na wala 'yon eh. Sobrang lungkot ko kaya noong absent 'yon. Ang effortless niya kasi magpasaya, tamang nguso lang at pagpapacute talo-talo na.

Dumiretso na ako ng lakad papunta kina Cassey. Hindi ko kasi kayang harapin si Sydney ngayon. Nakonsensiya rin naman ako sa ginawa ko, pero wala eh, gano'n talaga. Hindi ko na pwedeng bawiin ang bagay na nasabi ko na.

"Buttercup dali," ani Cassey. Lumapit agad ako sa kaniya. "Ano nandiyan na si Sydney?"

"Hindi pa ako nagpupunta sa locker room namin." Naupo ako sa tabi niya at sumandal sa sandalan. Ang sakit ng likod ko. "Sila Kendrick?"

"Nasa loob na, may meeting kasi sila."

"Ang aga naman."

"Medyo strict kasi ang Coach nila."

"Kaya nga," napatango ako. Sa lahat yata ng mga Coaches dito si Kuya Reiven ang pinakakalmado. Namemressure din siya pero hindi sa paraang kakabahan ka. 'Yung iba kasi grabe kung manakot eh. 'Yung tipong akala mo papatayin ka kapag hindi mo nagawa ng pinagagawa nila.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon