🏰CLARISSA🏰
Nandito na ako ngayon sa Paraiso. Hindi na rin ako pinapayagan nila Abuelo na umalis, dahil kaunting panahon na lang at makakauwi na kami sa Pueblo. Hindi naging madali ang naging trabaho namin nitong mga nakaraang araw. Lalo na ako, dahil kabilaan ang utos sa akin
Mula nang ibalita ko sa kanila ang tungkol kay Alex, mas napadalas na ang pagtawag nila sa akin. Lalo na si Mamá, na hiningian pa nga ako ng pabor pero hindi ko naman nagawa. Pinapadala niya sa akin si Alex doon, pero sablay ako. Sinubukan ko, pero hindi ko naman akalaing papalpak ako.
Akala ko kasi madali lang ang gagawin, dahil kilala ko naman siya. Pero akala ko lang pala 'yon, dahil hindi ko naman pala talaga siya kilala.
Nakakatawa talaga...
Umuwi ako rito no'n kahit na wala akong mukhang maiharap kay Mamá. Gusto kong maiyak, dahil minsan lang siya humingi ng pabor sa akin pero hindi ko pa nagawa.
Dahil doon, nalaman ni Abuelo ang pinagawa sa akin ni Mamá. Naging ugat pa 'yon nang muli nilang pagtatalo. Hindi raw kasi sumunod si Mamá sa plano. May binabanggit pa siya no'n na lalong nagpagulo sa akin. Hindi ko pa kasi alam ang totoo noong mga oras na 'yon.
Dahil sa pag-uwi ko rito sa Paraiso noon, nalaman ko ang totoo. Kung bakit gano'n na lang pangungulit ni Mamá na makuha si Alex. At kung bakit hindi ko nakita si Rina nang matagal na panahon.
Now I know...
Bumuo kami ng plano kung paano kukunin si Alex mula sa nag-aalaga sa kaniya. Hindi pa namin alam ang buong detalye noon. Siyempre, gusto rin ni Abuelo na makasigurong tama ang ginagawa niya. Ayaw na ayaw niya kasing pumapalpak.
Kaya lang, itong si Mamá hindi na talaga nakapaghintay. Nagpakita siya kay Alex nang hindi nagpapaalam kay Abuelo. Galit na galit pa nga siya dahil hindi pa raw kinukuha ni Abuelo ang anak niya. Pero hindi kasi alam ni Mamá ang plano, ayaw niyang intindihin ang pinupunto ni Abuelo.
Kaya nga sinadya niyang manood noong closing, dahil gusto niyang makasigurong tama ang gagawin niya bago umurada. Kaya lang, nagkaroon na naman ng pagbabago, dahil nakita ni Abuelo ang dati niyang mga alaga. 'Yon ang ilang miyembro ng organisasyon na pinamumunuan din ni Abuelo noon. Sa kasamaang palad, nabuwag na 'yon.
Nalaman namin ng araw na 'yon na sila pala ang nag-aalaga kay Alex. Nakita pa ni Abuelo ang isa pang Guerrero na matagal na naming hinahanap. Akala ko mas magiging madali sa amin ang bumuo ng panibagong plano, dahil magkadikit lang ang puntirya namin, tapos magkakakilala pa sila. Pero mali ako, dahil mas naging komplikado ang sitwasiyon, lalo na nang malaman kong hindi naman pala alam nitong Carmela ang totoo. Kung sino si Abuelo sa buhay niya. Na bukod sa taong nagpalaki eh may mas malalim pang pinag-ugatan ang lahat.
Pinilit pa nilang imbitahan ang mga kakilala nila para mag-dinner. Wala naman talaga sa plano na isama ang mga Bughaw at ang mga kaibigan nila. Ginawa lang naman 'yon ni Abuelo para hindi makahalata ang grupo no'ng Glydel na may alam na kami.
Ginawa rin 'yon ni Abuelo, dahil naguluhan siya nang ipakilala nitong Glydel si Alex bilang anak niya. Masiyadong mahusay umarte ang dalawa, kaya itong si Abuelo naguluhan sa kilos nila at napahirit pa ng bakasiyon para alamin ang totoo.
Kung bakit sila magkasama. Kung ano ang dahilan, bakit siya ang nakakuha. Nagkataon nga lang ba o sinadya talaga? Kung sinadya man, sino ang nag-utos sa kaniya? Sa kanila?
Nang umuwi kami galing sa dinner na 'yon ay nag-away na naman ang mag-ama. Galit na galit si Mamà nang malaman niyang ang kapatid niya ang nag-aalaga kay Alex. Nagselos pa nga siya dahil pinapaboran na naman daw ni Abuelo ang paborito niyang anak kahit na binabalasubas na siya.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22