🏰GLYDEL🏰
Nagngangarawngaw pa rin ang Nguso ko. Kasalukuyan ko siyang pinaluluguan ngayon. Nasa bath tub na nga siya at pinaghandaan ko na ng bubble bath na may rubber ducky, pero iyak pa rin nang iyak. Galit na galit kasi dahil pinagki-kiss-an ko kanina.
Nanggigil kasi ako eh. Kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya. Panay ang yabang niya sa akin, kaya ayan ang inabot niya. Kinarma siya sa mga nguso ko. Ayaw tumigil eh, maski sa speech binanatan pa ako.
Walang mercy...
"Nguso tama na, marinig ka ng Papa mo." Imbes na manahimik eh lalong nilalakasan. Talagang nananadya talaga. Gusto akong napapagalitan. "Ito na nga oh, rubber ducky na. Marami ng bubbles. Ano pa naman?"
"Ayaw..." Panay lang ang nguso niya.
"Ano? Hindi na tayo pupunta ro'n sa maraming chicken? Ayaw mo na roon?"
"Gusto! Gusto ko ro'n! Maraming chicken!"
"Oh dalian na natin, hindi na tayo natapos-tapos dito." Inalalayan ko na siyang makaalis doon. Pinunasan ko at tinoothbrush-an pa. Napakaabusado niya talagang bata.
"Mamaw ano'ng isusuot natin?" tanong niya habang naghahalungkat ako ng p'wedeng gawing pantakip sa katawan.
"Kakain lang naman daw eh, pambahay lang siguro."
"Mali pang-kain!"
"Gano'n din 'yon." Napairap ako. Kahit kailan talaga ang hilig niyang magmarunong. Gusto siya na lang palagi ang tama. "Dalian mo na ha? Iiwanan ka namin."
"Kaya mow?" Nagpamewang pa siya sa akin habang pilit pinipigil ang ngiti.
"Ikaw ang arte-arte mo." Nakurot ko na naman siya sa pisngi. Napakaarte talaga ng Nguso ko.
"Chempre, rich ako, may 20 million ako eh."
"Hoy hati-hati kayo ro'n."
"Hindi, akin lang 'yon. Sabi ni Papa akin lang daw 'yon."
"Ibalik mo 'yon sa akin, akin na."
"Mamaw ayaw!" Sinamaan niya ako ng tingin bago nginusuan.
"Oo na, lintek ka mukha kang pera." Hinila ko na ang tenga niya at kinaladkad papunta sa kabilang part ng damitan. Imbes na magreklamo eh patawa-tawa pa ang kupal. "Ano'ng susuot natin? Terno tayo?"
"Yes... Yes... Yow!"
Nakangiti akong naghanap ng p'wedeng isuot. Saktong may nakita akong terno na damit at short. Pambahay lang talaga kaya malambot ang tela. "Ito?"
"Si Stitch? Gusto ko 'yan Mamaw!"
"Gusto ko 'yan Mamaw," pang-gagaya ko. Nakailang halungkat pa ako bago ako nakahanap ng kapareho. Buong akala ko nga wala eh, kaya maghahanap na lang sana ako ng iba.
Nagbihis na ako at itong Nguso ko nawalan na naman yata ng kamay at hindi na naman marunong magbihis. Idinaan lang na naman ako sa panguso-nguso.
Bwiset...
"Mamaw, bababa na us?"
"Anak ayos-ayusin mo nga 'yang pananalita mo at nakakaalibadbad."
"Ayaw ko nga," maarte niyang sabi. "Halika na Mamaw, hungry baby na ako."
Gulat akong tumingin sa kaniya. "Gutom ka na naman?" Napangiti lang siya bago ngumuso at nag-peace sign sa akin. Grabe ang bituka ng batang 'to, mukhang puro uod na kaya ang bilis magutom. Kakakain lang niya bago umakyat, tapos kaunting landian lang kami, tampu-tampuhan kunwari then ligo, tapos gutom na naman?
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22