Chapter 509: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.6 (SFD15)

106 22 10
                                    

🏰GUIONE🏰

Lumamang kami ng tatlo dahil kay Luke. Nakumpleto niya kasi ang four point play. Nakatayo na kami rito sa bench, tapos 'yong mga towel nakasampay sa mga balikat namin. Mukha na kaming mga driver... Sweet lover!

Hindi pa nagsisimula ang laro, dahil nagtatalo pa ang mga leon. Parang gusto na kasing palabasin ng Coach nila si Sean, dahil pang-apat niya na nga. Pero nagmamatigas siya, mas marunong pa siya sa Coach nila. Nakikipagtalo pa na mag-iingat na raw siya.

Eh sa klase niyang 'yan, na nagpapadala lagi sa init ng ulo?

Malabo...

"Ilabas na 'yan!"

"Out ka na, boy!"

Nakailang iling pa si Sean bago dumiretso sa wing. Nakatayo na ang kapalit niya. Wala nang nagawa ang Coach ng mga leon, dahil ayaw niya talagang lumabas ng court. Siya pa ang humawak ng bola kaya sumenyas na ang Coach nila na pabalikin na 'yong dapat na magsa-sub sa kaniya.

"Go Gray Wolves!"

Nagsimula na ulit ang umandar ang oras. Naupo muna kami habang pinanonood dumiskarte ang mga leon. Punong-puno kami ng pag-asa, na hindi sila makakatira, pero hindi 'yon ang nangyari. Naka-score pa rin sila, pero two points lang.

Balik sa isa ang lamang namin, kaya todo cheer ulit kami kina Luke. Panay ang sigawan namin nang tumira si JC, pero 'di pa rin pumasok. Hindi rin kami ang nakakuha kaya grabe na naman ang panghihinayang namin.

Sa kabila naman, naka-shoot na naman ang mga leon kaya sila na naman ang lamang sa amin, pero isa lang. Tinanong ng AC namin kung tatawag ba ng timeout, pero sabi ni Coach Limer hayaan na lang daw muna.

Nakatayo na naman ang mga kasama ko. Napilitan din tuloy ako, dahil harang na harang na nila ako. Wala na akong makita eh ang lalaki nila.

"Uy tabi," pinilit ko silang hawiin. Halos lahat na yata ng lobo standing ovation na rito. Mapanasa harap man o nasa likod. Nauuna pa kasi 'yong mga nasa unahan eh. "Go brader!"

Na kay JC ang bola at nagpapain-in pa sa labas ng court. Maya-maya pa ay sinubukan na niyang tumira, pero natawa kami nang hindi na naman pumasok. Sobrang alat niya yata talaga ngayon, kahit ano'ng gawin o kahit saan ibato hindi talaga napasok.

Nabuhayan lang kami ulit nang si Yixing ang makakuha ng bola. Talagang hindi nila sinukuan si JC, sa kaniya na naman nila pinaubaya.

"CJ kaya mo 'yan!" sigaw ng mga kasama ko kaya nakigaya kami.

"CJ! CJ! CJ!"

Sa wing pa siya tumira kaya makapigil hininga ang sandaling 'yon para sa amin. Lalo na't paubos na ang shot clock namin.

"Yes!"

"'Yon!"

"Three!" sigaw ng commentator. 'Di ko alam kung bakit ang saya-saya namin ngayon. Nagtatalunan pa kami sa bench.

Hindi pa man lang din kami nakakarecover sa saya ay natapikan na ni Luke ang kalaban. Nagtitilian ang mga lobo kaya lalo akong kinabahan. Si JC ang nasa unahan kaya sa kaniya na naman ang bola. Ni-layup na't lahat-lahat pero wala pa rin. Mabuti na lang nasa likod niya si Samuel para tapikin ang bola.

"Yes!"

"K-I-N-G-S-T One U!" Muling namayagpag ang lakas ng sigawan ng mga lobo sa gitna nang pananahimik ng mga nakapula.

"Go go go go boys, faster!" Pati ang Tatay namin ganadong-ganado na ulit.

Lamang kami ng apat, kahit papaano malaking bagay, pero gaya nga ng dati, hindi pa rin p'wedeng magpakakampante. Nakabawi rin naman ang mga nakapula, at nasabitan din nila si Samuel, kaya parang binawi agad ang saya namin. Nagsigawan na naman ang mga nakapula nang pumasok ang bonus nila.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon