🏰GLYDEL🏰
Hindi ko alam kung ano na namang nasa utak ng matandang 'yon at gusto na naman akong istorbohin. Kinakabahan ako sa mga kinikilos nilang dalawa. Hindi ko na mahulaan kung ano'ng nasa isip nila. Siguro dahil matagal nga rin kaming hindi nagkasama, kaya ayaw kong magpakakampante.
Masiyadong mabait si Antonio lately, which is hindi normal. At si Jaime? Masiyadong tahimik, normal 'yon dahil hindi naman talaga siya palakibo. Pero sabi nga nila, nakakatakot kapag masiyadong tahimik.
"Nandito na ako," sabi ko sa mga bantay. Madali lang naman hanapin ang kinaroroonan ng kumag na 'yon. Mahilig 'yon sa matataas at tahimik na lugar kaya hindi ako nagkamali ng building na pinuntahan. Wala kasing nakakapasok dito maski isa, kaya sure akong dito sila naglalagi.
Sinenyasan ako ng lalaki nang buksan niya ang pinto. Dumaan pa ako sa scanner at kinapkapan ng babae. Grabeng takot talaga sa akin ng matandang 'to. Kung sa bagay, 'di ko sila masisisi, dahil kahit ako nga wala akong tiwala sa sarili ko eh.
Nakapasok na ako sa kuwartong tinutuluyan niya. Talagang naka-amerikano pa ang kupal. Gano'n talaga siguro ako kaimportante.
"Talagang nag-costume ka pa ah?" Naupo na ako sa upuan sa harap niya. Nakahanda na rin ang kape na ipapainom niya sa akin. "Wala bang lason 'to?" Kinuha ko 'yon at inihipan.
"Wala naman, wala kasi non dito."
"Sayang naman," medyo nakakapanghinayang nga 'yon. "Sa susunod magdala ka."
"Noted," aniya sabay inom din ng kaniya. "P'wede ring ikaw na..."
"Sige," tumango ako. Pinagmasdan ko ang hitsura niya. "'Yan ba isusuot mo sa burol mo? Ganda ah?"
"Bagay ba?"
"Hmm..." Naningkit ang mata ko habang nag-iisip ng patutsada. "I think mas maganda 'yan kung nasa ataul ka na."
"P'wede, pero sa tingin ko mas bagay 'to sa burol eh. Burol mo? Ayaw mo ba?"
"Grabe, patay na nga ako non tapos may pangit pa rin."
Natawa siya. "Hija, hangga't may mga g'wapong gaya namin, hindi mawawala ang mga pangit."
Mabuti na lang tapos na akong uminom, dahil kung hindi samhid ang aabutin ko nito. "G'wapo ka? Kailan pa?"
"Since birth."
"Talaga lang ha?"
"Yes," confident niyang sagot. "Kaya nga patay na patay sa akin ang Tita mo." Napanganga ako. Muntik ko nang masagi ang kape ko. Mapapa-huwaw ka talaga sa tigas ng mukha niya. "Alam mo kaya ka napunta sa maling tao kasi malabo ang mata mo."
"Eh di wow, mamatay ka na." Nag-umpisa na akong maasar. Hindi ko alam kung bakit lagi niya na lang isinasali ang tungkol sa bagay na 'yan. Siya na lang yata ang hindi pa nakaka-get over.
"Mauna ka."
"Bakit kailangan pang mauna? Kung p'wede namang magsabay?"
"Okay, sabi mo eh."
"Ano ba talagang kailangan mo?" Hindi ko man lang naisip na p'wedeng masira ang araw ko. Hindi talaga ako dapat sumaglit dito.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22