🏰DARYLLE🏰
Kasalukuyan kaming nagbibihis ni Alex para sa victory party namin ngayon. Kasabay namin sila Coach Limer para raw masaya. Kumuha na lang ng private na events place si Kuya Reiven, kasi nga kahapon pa sila pinagpipiyestahan ng media dahil kay Tita. Hindi lang namin napansin palibhasa kagabi pagod na kaming lahat, kaya pagdating na pagdating namin sa bahay diretso tulog na agad.
Nakakapagod talaga kahapon, pakiramdam ko isang taon ang lumipas mula noong Linggo. Sobrang dami ko pang nalaman kahapon na hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o ano. Wala lang, nakakatampo kasi si Mama, hindi man lang nagsasabi sa amin. Alam ko namang hindi na namin kailangang malaman 'yon dahil tapos na 'yon, pero anak niya naman kami. Wala naman sigurong mawawala kung sasabihin niya sa amin ang ilan sa mga nangyari sa kaniya bago kami mabuo ni Ate.
Para sa akin, bilang isang anak, dapat kilalanin mo ring maigi ang mga magulang mo. Hindi ko alam kung ganiyan din sa iba, pero 'yan ang paniniwala ko, kasi magkakamag-anak kayo. Parang magkakarugtong na rin ang buhay niyo.
"Babe, parehas tayo dapat." Kanina pa kami halungkat nang halungkat sa mga damit niya. Wala naman kasing kasiya sa akin, dahil ang laki niyang tao.
"Alex, wala nga akong mahanap na magkaterno."
"Eeeeee meron 'yan!"
Matutuyo na lang ang buhok ko pero hindi pa rin ako nakakakita ng puwedeng suotin. Shirt at pantalon lang naman sana ang balak namin, kasi sila Kuya na raw ang bahala sa pagkain. Sarili lang talaga ang dadalhin.
"Ito na lang," sabi ko. Pinakita ko sa kaniya ang plain black na shirt.
"Oh sige na nga, oki doki na 'yan."
Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay mapapayag ko siya. Akala ko, rito na ako mamamatay eh, sa paghahanap.
Pumasok na kami sa dressing room niya para makapagbihis. Mamaya ko na lang liligpitin ang mga kinalat namin pag-uwi, dito naman daw muna kami sabi ni Mama eh. Si Ate kasi, pumasok siya dahil magpapaalam na ilang araw siyang mawawala. Tapos naman na ang exam nila. Pinaiiwan sana ni Mama kaso talagang hindi 'yon papayag, lalo't beach ang pupuntahan.
"Hindi ka ba nagagalit?" tanong ko habang nagbibihis kami. Talagang nanliliit ang dibdib ko sa dibdib niya. Ang laki-laki talaga ng kargada niya.
"Saan?"
"Na nalaman mong Royal Guard si Tita, tapos hindi niya sinabi sa 'yo."
"Magagalit sana, kaso naalala kong hindi ko naman kasi tinanong." Napabuga ako ng hangin. Kahit kailan talaga, ang mga prinsipyo niya sa buhay balingag. "Bakit? Ikaw galit ka?"
"Medyo," sagot ko.
"Ba't naman?"
"Hindi ko nga alam eh."
Inirapan niya ako. Napapansin ko, nahihilig na siya mangganiyan. Ang sa akin lang naman, baka ma-misinterpret ng ibang tao ang ganiyang kilos niya.
"'Wag ka magalit dahil lang doon. Hayaan mo na sila, ang importante, marami tayong pera. Lilibre kita." Wala sa sarili akong napangiti. 'Yan naman ang kagandahan sa kaniya, minsan madamot siya pero galante talaga. Mahilig siyang manlibre at mamigay ng kung anu-ano. "Basta talaga libre, buhay na buhay ka." Sabay kaming natawa. Wala na akong panahong kumontra, totoo naman kasi.
Magkasabay kaming bumaba ngayon. Sayang nga lang at hindi p'wede mag-invite ng iba. Gusto sana naming isama sina Kendrick kaya lang nakakahiya naman. Baka mamaya sabihin nila abusado kami.
"Ready na?" tanong ni Kuya na kahit ang simple lang ng suot eh ang g'wapo pa rin. Talagang pinagpala siya sa lahat ng lalaki. Napakag'wapo niya talaga. Naka-shirt at short lang din siya, sumbrero at rubbershoes.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22