🏰CLARISSA🏰
Agad kong nilingon ang mga nasa likod ko. Hindi ko alam kung nakita ba nila kami o ano, pero para sigurado ginising ko na si Rina. Kailangan makaalis kami rito, o kahit makapagtago man lang. Ayaw kong itaya ang kaligtasan niya, siguradong magagalit sa akin si Mamá, 'pag may nangyaring hindi maganda sa kaniya. Hindi ko alam ang pakay ng mga 'yon, o kung sino man sila, kaya sa pagkakataong 'to, ang pinakamagandang gawin eh magtago.
"Rina," tawag ko sa kaniya habang hinahagilap ang bag ko. Nandoon ang baril ko, kahit papaano mapoprotektahan ko ang kapatid ko dahil do'n. Iba kasi si Rina, hindi siya gaya ko na pumapalag sa lima. Isang tao nga lang napapataob pa siya. Sa klase ng mga 'yon, mukhang mas marami pa ang nasa van. "Rina! Gumising ka na."
"Ano ba kasi 'yon?!"
"May humahabol sa atin dalian mo."
"Wala naman ah?" Nilingon niya ang likod. "Nasaan na ba tayo? Akala ko babalik na tayo sa school?"
"Pabalik na nga tayo," pagsisinungaling ko. Baka awayin niya ako kapag sinabi ko ang totoo. "Kaso may humahabol nga sa atin. Tumayo ka na diyan, baka maabutan nila tayo."
"Hayaan mo na 'yon."
"Ano ka ba? Paano kung masasama 'yon?"
"Mas masama kaya ako. Paandarin mo na 'yang kotse, uwi na tayo."
"Wala ngang gas."
"Ba't naman? Don't tell me maglalakad tayo? Ayaw ko ah? Buhatin mo 'ko. I-carry mo ako."
"Rina dalian mo na," gigil kong sabi. "Dali!"
"Nisisigawan mo ako?!"
"Dali na kasi tara na!" Bumaba na ako at umikot para palabasin siya. Hindi kami pwedeng maabutan non dito. Ayoko namang magcommute, baka lalo lang kaming mahuli dahil sa lintek na traffic na 'yan. "Halika na!"
"No no yow! Uuwi na ako!" Umiyak pa.
Ano ba 'to?!
"Rina halika na," hinihila ko siya pero nakakapit siya nang mahigpit sa upuan. "Iuuwi na nga kita kaya tara na!"
"Ayaw ko nga maglakad! Itulak mo 'yung car!"
"Ayos ka ah? Ako may-ari ako pagtutulakin mo?"
"Eh alangan naman ako ang magtulak? Eh baby pa lang ako, 'tsaka ako ang bida rito eh!"
"Anong pinagsasasabi mo?"
"Ah basta, hindi ako magpupush nito!" Humalukipkip pa siya at tinarayan talaga ako. Ginamit ko ang pagkakataong hindi siya nakakapit sa upuan. Halos mabuhat ko na siya mailabas ko lang.
"Ano ba 'yan?!"
"'Wag kang maingay," saway ko pero huli na. Mukhang nakita kami dahil parang may van na dumaan at bumagal ang takbo. "Nakita tayo," sabi ko habang nakamasid sa dulo. Wala pa namang van na lumilitaw ro'n, kaya lang natanaw ko 'yon sa kabilang linya mukhang iikot. Hinahabol nga talaga kami. "Pagkabilang kong tatlo takbo ah? Isa, dalawa, takbo!" Pagkalingon ko sa likod ko ay wala na siya, nandoon na pala, nauna na. "Rina!" Nagsimula na akong manakbo pasunod na sa kaniya. Lumingon ako sa likod kaya nakita kong papunta na sila. Tama ang hinala ko, nakita nga nila kami. "Rina hantayin mo ako!" Masiyado siyang mabilis tumakbo. Nakita ko siyang lumiko sa may kanan kaya tinandaan kong maigi. Nagtatahulan pa ang mga aso nitong bahay na nadaanan namin. "Rina..." Hindi ko na siya makita. "Nasaan ka? 'Wag mo naman akong pakabahin?"
"Psst!" Tumingala ako dahil doon ko narinig ang sitsit. Nakita ko siyang nakatungtong sa parang pader.
"Anong ginagawa mo diyan?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22