Chapter 545: ESCAPADE 5

144 21 2
                                    

🏰ALEX🏰

Inis na inis talaga ako kay Wantawsan, dahil niyabangan niya ako. Hindi nakaka-happy ang nigawa niya sa akin kanina. Nipahiya niya ako. Sabi niya hinsi siya marunong mag-swim. Nag-tell siya ng lie, marunong siya, magaling pa nga eh.

Kaazar...

Hindi ko tuloy alam kung paano ako matututo ngayon. Niyabangan ko na siya, nisabi ko ng magaling ako mag-swim, kahit  na hindi. Paano 'pag nalaman niya ang true? Yayabangan din ako non panigurado. Kawawa naman kami ng kayabangan ko, matatapyas na naman.

Oh no...

Kailangan ko na talagang maka-make ng way. Hindi p'wedeng pa-stand up stand up lang ako rito. Kailangan matuto na akong mag-swim, bago pa nila malaman ang cute kong sikreto.

"Tara na," narinig kong yaya ni Ate Darlene. Dito ako sa kanila nagpunta matapos akong yabang-yabangan ng Wantawsan na 'yon. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya sa akin 'yon.

Bad siya...

'Di ko na siya bati!

"Oh, ba't basa ka na?" Gulat akong nilingon ni Darylle. Hindi na bago sa akin ang nanlalaki niyang mga mata.

"Kasi hindi na ako tuyo." Napagbuntunan ko tuloy siya, pero tama lang naman ang sinabi ko. Hindi na ako tuyo, kaya basa na ako.

"Ang galing talaga," pinalakpakan niya ako.

"Hindi ka nagro-wrong."

"Nagco-correct lang?"

"Ting! Correct!" Nginusuan ko pa siya. Ngumiwi siya bago lumapit sa akin. "Na-excite akong ipakita sa inyo kung gaano ako kagaling eh." Nagsinungaling na naman ako. Ayaw kasi magtigil ng bunganga ko. Ito ang nagpapahamak sa akin, sa totoo lang.

"Alex, alam naming hindi ka marunong lumangoy." Sinusuklay-suklay pa ng Ate ni Babe ang hair niya gamit ang daliri. "Gusto mo turuan kita?"

"Hindi na," nagmamalaki kong sagot. "Marunong ako." Paninindigan ko na lang 'to. Tutal, nandito na rin lang naman ako. 'Tsaka baka mamaya kasi, sabihin nila ro'n sa Papa ni Tito Tonton, aasarin na naman ako non.

"Napaka mo talaga," iiling-iling si Babe.

"Napaka ano?"

"Bait," sagot niya kaya napangiti ako. Mabuti na 'yong magsabi siya ng totoo. Mahirap 'yong sinungaling na nga ako, sinungaling pa siya.

"Mabuti at alam mo Babe. Halika na, matulog na tayo." 'Yon na lang ang gagawin ko, para hindi nila mahalata ang true-true-o.

"Mag-swimming tayo."

"Kayo lang," pagtatama ko. Inayos ko ang suot ko at binatak pababa. "Kami kasing mga pro, hindi dapat sumasali sa mga underdogs."

"Wow ha?" sabay silang natawa ng Ate niya. Medyo nahiya naman ako kaya natawa rin ako.

"Wow talaga," dagdag ko. Iba kasi talaga 'pag pro. Alam niyo na, medyo hindi sumasama sa mga mahihinang nilalang or weak swimmers na gaya nila Darylle.

"Nguso!" narinig ko ang suwapang kong Mamaw. Kasama na niya sina Papa, na gaya ko ay ready nang mag-swim. "Saan ka galing? 'Di ba sabi ko doon lang sa pool?"

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon