Chapter 515: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 3.1 (SFD15)

148 25 9
                                    

🏰ALEX🏰

"Luh, pabida talaga siya..." Hindi talaga ako makapaniwala na magpapakitang gilas ang Tita ko ngayon. Hindi ko inasahan na may natitira pa pala siyang kapal ng mukha mula sa pambuburaot ng mga expensive bag ni Mamaw. At ginagamit na niya 'yon ngayon.

Makahingi nga mamaya...

Biglang nanlaki ang eyes ko, nang mapansin na ang lahat ng tao nasa kaniya ang mata. Talagang tutok na tutok sa kaniya ang madlang pulpol. Kasi naman, sobra-sobra ang pagpapasikat niya.

Bumuka ang bibig ng lalaking kasama no'ng nakasumbrero. Halatang may sinasabi siya kay Tita. Nakakunot ang noo nito, samantalang si Tita naman ay nananatiling nakatayo ng tuwid. Hindi ko makita ang reaksiyon niya dahil nakatagilid siya.

"Hoy Tita! Ano'ng nigagawa mo diyan?!" Hindi ko na napigil ang pagtatanong. Sobrang pa-popular niya na kasi.

"Dito ka nga," saway sa akin ni Babe. Napahakbang kasi ako nang hindi ko namamalayan. "'Wag kang pumunta ro'n."

Naningkit ang mga mata ko. Alam ko na ang nigagawa nila. Nagpapa-popular ang Mama niya kaya nipigilan niya ako para silang dalawa na ang maging bida. At ako? Magiging kontrabida na lang.

No no yow...

"Bitawan mo ako Babe!" Inis na inis na naman tuloy ako. Kasi naman, baka bago magsimula ang laro eh ma-impeach na ako sa pagiging bida. Katapyasan na naman 'yon sa kayabangan ko. Hindi maaari. Cannot be!

Tumingin sa amin si Tita at pinandilatan kami ng mata. Akala ko aalis na siya, pero hindi pa pala tapos ang pagpapa-popular niya. Lumapit pa siya sa matandang nagsalita kanina at nagmano.

Sobra na talaga siya!

Ilang minuto pa silang naiwan na nakatayo roon bago tuluyang tumalikod si Tita at naglakad pabalik. Wala sa amin ni Darylle ang paningin niya, nandoon kina Papa Mambs. Gumagalaw ang bibig niya habang nakatingin sa kanila.

"Sino 'yon?" tanong ko ulit kay Babe. Baka lang kasi kilala niya ang mga ugly na 'yon.

"Hindi ko alam."

"Hindi mo kilala?" Umiling siya. Napanguso ako at bumalik na sa ginagawa. Dapat kong unahin ang paghahanda, lalo na't nandiyan pala ang asungot na si Clarissa. Ang pangit talaga ng pangalan niya.

Buong akala ko hindi na siya makakarating. Sayang talaga, dapat namatay na siya para matic na ang pagka-winner ko eh. Pero sa kabilang banda, ayos din na narito siya, para magkaalaman na kung sino ba talaga ang mas maangas sa aming dalawa.

Kahit nagpa-practice pa lang ako eh nagchi-cheer na sila Papa Mambs sa akin, kaya unti-unti nang nabubuo ang kayabangan kong natapyas nitong nakaraan lang. Kahit wala pa si Mamaw, marami na agad ang yabang ko. Lalo na siguro kung nandiyan na siya, baka ako na talaga pinakamayabang dito.

Napangiti ako nang maka-shoot na naman ako. Nakita ko si Papa na naka-smile kaya nag-smile din ako. Hindi ko naman inasahan na magtatayo pala siya ng fans club kung saan siya ang presidente, at si Mamaw ang tatawaging FIRST BIBI. Si Kuya ang FIRST KUYA at ako naman ay FIRST BUNSO o FIRST BABY.

Galing ko no?

Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Nikikilig talaga ako madlang pulpol. Hindi ko talaga inasahan na magiging engrande ang mga hi fans ko.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon