🏰GLYDEL🏰
"Ikaw Mamaw bad ka!" Sinugod ako ng Nguso ko. Nakataas ang isa niyang kamay na may hawak na hanger. Mukhang pinaghandaan talaga ni Nguso ang araw na 'to. Tatakbo sana ako kaso lintek na katawan 'to, tinamad na naman.
Bakit kaya gano'n?
Tawa ng tawa si Reiven kaya ang mga bwiset na bakla kilig na kilig. Hindi tuloy nila ako pinapansin. Okay lang yata sa kanila na paluin ako gamit ang hanger.
"Hala b**bie oh!" May tinuro akong kung ano. Ang maniyak kong Nguso agad na lumingon doon.
"Saan Mamaw?" Agad niyang tanong. Tila nawala na naman sa wisyo kaya nabitawan ang hanger na bitbit niya. "Nasaan ang b**bie?"
"Ayon oh, ang laki." Kunwari may tinuro ako kahit wala. Palihim kong sinipa ang hanger at tinakpan ng hand carry bags nila Ziggy.
"Nasaan?!" Nagagalit siya dahil wala siyang makita. At kahit anong gawin niyang hanap wala talaga siyang makikita dahil wala naman talaga.
"Wala na umalis na," sabi ko na lang.
"Teka, si Reiven ba 'yan?" Gulat na tanong ni Michael. Oo nga pala, kilala nga pala nila ang panganay ko dahil nakita na nila 'yan noong debut ni Danica. Ang mga bwiset na 'yan, kasabwat din pala. Napanood ko sa video ni DanDan, ako lang pala walang alam. "Si Reiven nga! Hi!" Lalong natuwa ang mga malalandutay kaya kahit hindi kilala ng iba ang anak ko nakiepal na.
"Kuya ko 'yan!" Sigaw ng Nguso ko.
Hinila ko kaagad siya. "Dito ka, 'di ba ako ang pinunta mo rito?"
"Oo nga pala," nakangiting humarap ang isip paslit sa akin. Tinignan niya ang kamay at ang paligid, mukhang hinahanap ang pamalong kinatatakutan ni DanDan.
"Bakit anak? May nawawala bang gamit ang pinakalove ni Mamaw sa lahat?" Sinweetan ko ng kaunti para tuluyan na niyang makalimutan ang akmang panunugod sa akin. Ayoko namang dumating ng ibang bansa ng may latay.
"Wala PO."
Nanlaki ang mata ko. Parang kanina lang hahatawin na niya ako ng hanger tapos ngayon naka-PO pa sa akin. "Sinong may sabing gumalang?" Nakangiting tanong ko matapos kong pisil-pisilin ang ilong niyang para nang tore sa taas.
"Wala PO."
"Oh bakit gumagalang?"
"Gusto ko lang PO."
"Ang bait naman ng Nguso ko, baka kunin ka na ni Lord niyan. Gusto mo ba 'yon? Ako? Ayaw ko 'yon."
"Ayaw ko rin 'yon Mamaw," sabi niya habang umiiling. Yumakap kaagad siya sa akin at naglungkot-lungkutan. "Mamaw bakit hindi ka nagsabing aalis ka?" Naiyak na ang Nguso ko kaya naawa naman ako. Dapat pala nagsabi ako kahit sa text lang.
"Kasi alam kong iiyak ka. Ayaw kong umiiyak ang Nguso ni Mamaw, kasi baka gumanda ka. Hindi pwedeng maganda, dapat pangit lang." Mahina siyang tumawa. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin kaya lalo akong naawa.
Hay Boa...
Tapos na naman ang kayabangan ko!
"Mamaw sasama ako. Magdodrawing ako ng clothes." Ayan na naman siya sa pangungulit niya.
"Anak hindi pwede." Umiyak lalo at inasahan ko na 'yon. Napatingin tuloy sa akin si Michael. Bahagyang tumaas ang kilay niya. Malamang nagtataka siya kung sino ang batang 'to. Lagot na naman ako, tatanungin nila ako sa eroplano panigurado.
'Di bale...
Tutulugan ko na lang sila...
"Bakit lagi na lang no no yow? Paano naman ang yes yes yow?" Tumingin siya sa akin kaya lalo akong naawa. Ngumuso pa talaga.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22