This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place and events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by copyright law.
•••
Abala ako sa pagpupunas ng mga sapatos ko. Kailangan ko ng idispatsa ang iba para madisplay ko na ang mga bagong bili nila Mommy at Lola. Ipamimigay ko na lang siguro or maybe sell it online? Para magkapera naman ako pambili ng bago.
Let me think about it...
Isinalansan kong maigi ang mga 'yon, bago pinagpalit-palit ng lalagyanan. I arranged it, depende sa kulay. Inalis ko na ang mga luma at masisikip, 'yung mga bago naman ang pinalit ko.
Naningkit ang mata ko habang pinagmamasdan ang bagong set ng sapatos ko. Kinuha ko ang itim at pinalit sa pink. "Perfect," pinagpag ko ang kamay ko. Yumuko at inalagay sa mesa ang mga sapatos na ibebenta ko. The rest, sa ampunan na lang siguro. Sa dami ng bata ro'n, imposibleng walang makagamit nito.
Sayang naman...
Inilagay ko sa iisang box ang mga gamit na dadalhin namin sa ampunan kapag may time kami. Dinala ko 'yon sa bodega kung saan nakatambak ang mga gamit na iniipon namin for them. Nakagawian na rin kasi nila Mommy and Lola ang pamimigay ng mga gamit sa mga batang walang magulang. Pinakatulong na rin namin, 'cause somehow, nakakarelate kami, ako.
"Ay lintek," muntik na akong mapasigaw ng masagi ko ang isang kahon. Narinig ko pang parang may salamin na nabasag doon. "Patay," natawa ako. Pinag-isipan ko kung hahalungkatin ko ba o hahayaan na lang tutal wala namang nakakita. Ako lang kasi ang tao rito sa bahay ngayon. My Mom is a doctor as well as my Grandma. Kaya sobrang busy nila, kahit nasa bahay na tinatawagan pa.
'Langhiya...
Yumuko ako at binuksan ang karton. Inuna kong alisin ang nasa ibabaw. Dinahan-dahan ko dahil baka may bubog na ro'n. I knew it. I broke something. Napailing ako dahil may nakita akong picture frame na basag. Kinuha ko kaagad 'yon at maingat na inalis sa kahon. Kuha 'yon ni Mommy and Lola, may kasama silang batang lalaki. I thought it was me, pero hindi, hindi ko naman kamukha. And wala akong natatandaan na may ganito kaming kuha. Aside from that, they looked younger here.
Itinago ko ang picture at isinilid na lang sa kung saan. Hindi naman siguro malalaman nila Mommy. Ibinalot ko sa papel ang bubog bago ko itinapon. Bumalik lang ako sa loob para iayos ang karton na nasagi ko. Nahagip ng mata ko ang isang pasamano na puno ng kung anu-anong magazines and tabloid.
Nacurious lang ako dahil nakita ko ang ilang magazines na ang mga Bughaw ang nasa cover. Royal Blood ang title ng magazines. I guess this was really made for 'em. Nakakaenjoy talagang basahin ang isang akda kapag may pictures. Sometimes, doon ako nagrerely. That's why I prefer watching than reading. I have keen eyes for movies.
Pito sila sa litrato, sa kanilang pito apat lang ang kilala ko dahil napapanood ko sila sa TV. Ang Hari, ang tagapagmana ng trono, ang asawa niya at ang pangay nila. Nakaupo sa napakagarang upuan ang Hari at Reyna. Reyna Alejandra, 'yan ang natatandaan kong pangalan niya. Pinag-aralan namin siya sa history, dahil siya ang pinakamagaling na Reyna sa kasaysayan. She's smart and kind hearted. She died because of heart attack, right after her eldest son's death. Si Prinsipe Alejandre, ang dapat sana'y Hari sa panahon ngayon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22