🏰GLYDEL🏰
Alalang-alala ako kay Nguso, lalo na't paulit-ulit niyang binabanggit 'yong diwata raw. Galit nga yata sa akin at hindi sa akin nagpaligo, kay Ate. Naiinggit tuloy ako dahil sila ang magkasama sa banyo at ako, ito nakahilata sa kama at hinahantay na matapos siyang magbihis.
Siya na nga may kasalanan siya pa ang galit?
Wala namang masama sa ginawa ko. Bilang isang Mamaw, kasama sa tungkulin ko ang mamalo whether she likes it or not. Gano'n ang mga Nanay lalo na 'pag matigas ang mukha ng bata.
Bumukas ang pinto kaya malamang ay tapos na silang maligo na may kasamang harutan. Ito rin si Ate kunwari pa eh, pero deds na deds din naman sa Nguso ko. P'wede naman siyang tumanggi kanina pero 'di niya ginawa.
"Oh dali pulbo na." Rinig kong sabi ni Ate. Palihim akong sumilip kaya nakita ko ang Nguso kong cute na cute sa ternong pantulog. Magaya nga ang outfit niya mamaya. "Hmm... bango..."
"Mabango ako?"
"Oo naman," sagot ni Ate. Nag-make face ako at umirap. Pempem ang Ate ko.
"Cute ako?"
Hindi ko napigil ang sarili kong silipin siya. Tama nga ang hula kong nagpapa-cute siya kay Ate. "Hoy," inis kong tawag sa kaniya. Lalong tinindihan ang pag-nguso sa harap ng Ate ko. "Nguso, bati na tayo."
"Tita may naririnig ka?"
Natatawa na lang si Ate sa amin ni Nguso. Panay kasi ang pa-baby niya, ako na nga ang nagso-sorry kahit na hindi naman ako ang mali.
"Isa Nguso ah?!" Bumangon na ako at lumapit sa kanila. "Sorry na nga!"
"Ayaw ko na sa iyow!"
Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat. Talagang ipagpapalit niya na yata ako, and worst sa kapatid ko pa?! Lintek siya...
Nasaan ba si Buknoy?!
"Alex," marahang tawag sa kaniya ni Ate. "'Di ba sabi ko sa 'yo, kapag love dapat pinapalo. Ikaw kasi eh, ang kulit mo eh."
"Pero 'di kasi ako nipapansin nila Babe, puro na lang sila swimming."
"Eh kasi ayaw mo naman daw sumama sa kanila."
"Eh kasi nga ang tagal nung isa diyan." Tumingin siya sa akin at umirap. Halatang pinariringgan ako ng Nguso ko. "Kanina pa ako wait nang wait, 'di naman dumating."
"Sorry na nga," sabi ko at pilit umeeksena sa harap niya. "Sorry na Nguso, bati na tayo."
"Ayaw kow!"
"Bakit ayaw mow?" Nakita kong muntik na siyang matawa.
"Kasi ayaw kow."
"Bakit nga ayaw mow?" Natawa na kaming dalawa, kaya ang kaninang natutuwa kong Ate ay nasusura na sa amin. "Pasaway ka kasi eh." Hinalikan ko ang pisngi niya. "Bati na tayo ah?"
"Pagti-think-an kow."
"Okay fine," sabi ko bago ko siya niyakap. Nanggigigil na naman ako sa kaniya. Gusto ko na siyang lamugin kaso kababati lang namin eh. Mamaya na lang siguro bago matulog. "Alis na," hinila ko si Ate at pinalabas ng room namin. Tinulungan pa ako ni Nguso na saraduhan siya ng pinto.
"Mamaw, maglandian tayo?"
"Tara," pinilit kong buhatin ang Nguso ko kahit hindi ko na siya kaya. Nahiga kami at nagyakapan habang nanonood ng cartoons. Nakatulog pa nga kaming dalawa. Ginising lang kami ni David para maghapunan. Dinalhan niya kami ng pagkain dito ni Nguso.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22