🏰DARYLLE🏰
Nakashoot kaagad ako, kaya kahit papaano ay nabawasan ang labing limang lamang nila sa amin. Medyo nakakaiyak talaga 'yan, kaya hindi pa napaglalaro ni Coach Reiven ang iba naming kasama. Sa ganitong lagay kasi, mahihirapan kaming iasa 'yan sa iba. Kami nga medyo hirap na, eh may experience pa kami nito.
Nasagot din kaagad ng kalaban kaya balik na naman kami sa dati. Ang kasama namin ang nagdadala ng bola. Alam kong kabado sila, dahil hindi sila tumitira eh. Kapag pinapasahan namin, ibinabalik lang din. Naiintindihan ko naman, kasi first time nila 'to, tapos ganiyan pa katindi ang kalaban.
Na kay Alex na ang bola ngayon. Sa totoo lang, hindi naman lalaki ng ganiyan ang lamang kung inayos niya lang kanina. Pasaway kasi eh, kung hindi pinapabayaan ang bola panay naman ang patawa. Kaya kami naaapektuhan sa ginagawa niya. Nakaka-distract talaga siya.
Sumesenyas siya kaya nag-rotate na kami para makadiskarte siya. Alam kong kayang-kaya niya na 'yan. Mayabang naman siya. 'Tsaka siya raw ang bida eh.
Hindi siya nabakante, dahil talagang napakamot ako rito sa isa naming kasama. Pero kahit gano'n talaga idiniretso niya pa. Patay kung patay talaga 'to eh.
Napituhan ng referee ang isang Taipan. Si Yiren ang tumulong sa kaniyang tumayo. Patawa-tawa pa siya kahit na magkandabali-bali na ang katawan niya. Binu-boo na nga siya ng mga naka-brown, pero wala, mayabang pa rin talaga.
Natawa na lang ako nang hindi pumasok ang bonus niya. Hinayaan na namin ang bola sa kabila. Madali kaming bumaba at pumosisyon. Dapat mapigilan namin sila. Hindi na sila p'wedeng makaisa, baka matalo na talaga kami.
Nagsigawan ang mga lobo nang magmintis ang mga Taipan. Niyakap kaagad ni Yiren ang bola bago inihagis sa akin. Nagsigawan na naman ang mga tao nang matapikan ako. Medyo alanganin kasi ang pasa niya, at hindi ko rin inasahan na ako ang papasahan niya. Mabuti na lang naabangan siya ni Yiren.
Butata...
Agad na tinakbo ni Alex ang bola. Mabuti na lang at nagmintis sila, akala ko papasok na naman eh. Grabeng suwerte naman na nila 'yon.
Inasahan ko nang bubuwakawin na naman ni Alex ang bola. Sabi na, hindi na 'yan mamamasa. Pero ayos lang, ang importante hindi na siya namemeste gaya kanina. Kulang na lang kumampi siya sa kalaban eh.
Umatras na ako, dahil dumiretso na ang bola sa basket. Natawa na lang ako nang makita ang nakakaasar niyang tawa. Kilalang-kilala ko na 'yan, nagyayabang na naman ang kumag na 'yan.
Dito naman sa kabila ay hindi rin nagpasindak ang Kapitan ng Taipan. Isa pa 'to, patay kung patay din, pero 'yong yabang niya tahimik lang eh. Mata ang ginagamit. Nilingon niya pa si Alex na parang nagtatanong na 'kaya mo ba 'yon?'.
Tatango-tango ang pinsan kong hilaw kaya naaamoy ko nang magpapakamatay na naman 'yan sa bola mamaya. Lalo na at nayabangan? Hindi 'yan lalo magpapatalo. Mas yayabangan niya pa.
Ako ang kasalukuyang nagdadala. Panay na ang senyas niya, kasi nga magyayabang nga 'yan kaya panay ang sitsit. Sinenyasan ko siyang mamaya na. P'wede namang tumira nang hindi nasasaktan. Sinenyasan ko siya sa labas. Oras na para mag-feeling shooting guard.
I made sure na clear ang spot niya para walang sabit. Pinasa ko sa kaniya ang bola kaya taranta siyang nilapitan ng mga Taipan. Kaya lang, talagang maliksi ang Bula, hindi na inabutan ng sikat ng araw ang bola sa kamay niya. Antimano pagkadampot, buwelo at pakawala. Halatang handang-handa.
"De Vera for three! Bang!"
Talagang nagwawala ang mga lobo, dahil bidang-bida na naman ang pinsan ko. Panay na naman ang tawa niya. Nang-aasar talaga siya. Hindi 'to titigil hangga't hindi nakakakuha ng kaaway.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22