Chapter 585: SIDEKICK

84 10 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Hindi kami makalabas dahil pinagbawalan kami ni Papá na umalis. Lalo na ako, halos talian niya na nga ako para lang hindi makawala. Si Ate ay nakita naming walang malay kanina, mukhang hinimatay dahil sa nangyari. Mabuti na lang hindi pa nakakaalis ang doctor na gumamot sa akin. Ni hindi ko nga napansin na may doctor palang nagtingin sa akin kanina.

Inis na inis ako kay Papá, dahil inasa niya sa mga tao niya ang paghahanap kay Alex. Sila na raw ang bahala, kahit na ilang beses ko nang sinabi na parang may nakakita sa kaniya. Sinabi ko na 'yong tungkol sa narinig ko kanina, pero ang ending—nagmukha lang akong nagpapalusot. Hindi pa rin sa akin naniniwala.

"Si Claudia?" tanong ni Papá nang pumasok na ang naipalit ni Ate'ng bata. Bilib din ako sa batang 'to, parang secret agent ang datingan.

"Wala pa rin siyang malay," sagot niya. "Wala ring update ang mga tao mo. Hindi pa nila nakikita si Alex."

Napahilamos ako sa mukha ko. Sayang ang oras eh. Kung pinayagan niya lang sana akong makalabas kaagad, baka nahanap na namin si Alex kanina pa. Hindi sana ako mag-aalala nang ganito.

"Sabi na kasing ako na maghahanap eh!" Nakalimutan ko na ang sakit ng katawan ko. Na kay Alex na kasi ang focus ko. "Maniwala kasi kayo sa akin." Lahat sila ay napatingin sa akin. "Ako ang Mamaw niya. Mamaw knows best!"

"Oh tapos?" tinaasan ako ng kilay ni Tío.

"Lalabas na ako."

"No way," ani Papá.

"Sige na kasi Papá," pamimilit ko. Tumayo ako at dumikit sa kaniya. "Hindi mo naitatanong, pero kami ng Nguso ko, meron kaming special connection."

"Naaning ka na rin ba?" Sinamaan ko ng tingin si Tío. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ano kayo? Immortal?"

"Carmela, please stop this bullsh*t. It won't work."

Lalo lang akong nainis. Hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. Alam kong mahirap paniwalaan, pero wala silang magagawa dahil 'yon ang totoo. May special connection talaga kami niyan ni Nguso.

"Sasamahan ko na lang siya, para hindi siya makatakas."

Napatingin ako rito sa Clarissa. Ang tapang naman ng batang 'to. Hindi niya yata ako kilala. Kung nagkataon na tatakas talaga ako, papalagan niya ako?

"Hindi ako tatakas," sabi ko bago pa ako masapawan ng de pungal na batang 'to. Mukhang nakahanap ng bagong tapat na aso ang dalawang matandang pangit. "Hahanapin ko lang si Nguso."

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa kaniya ng ganiyan," saway ni Tío. "Ang ganda-ganda ng pangalan niya, papalitan mo lang ng Nguso? Ano'ng klaseng kabaliwan 'yon?"

"Eh ikaw nga ang pangit mo eh."

"Oh? Ano naman?"

"Wala lang, sinabi ko lang." Napakamot ako. Naubusan na ako ng pambato kaya ginaniyan ko na lang para hindi ako magmukhang talunan. Bwiset na buhay 'to, kapag napikon ka talo ka talaga. "Alis na kami." Tumayo na ako, para na rin maiba ang usapan.

"Pumayag na ba ako?" Tinaasan ako ng kilay ni Jaime.

"Pumayag ka na kasi. Pabebe ka pang gurang ka eh." Nakita kong nagulat itong Clarissa dahil sa sinabi ko. Marahil ay hindi niya nagaganiyan itong si Jaime Kunat. Akala ko lahat ng nagawa ko kaya niya, hindi pa rin pala. Hindi niya pa rin ako kayang pantayan.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon