🏰DARYLLE🏰
Parelax-relax na lang kami dahil wala na kaming gagawin. Inilalaan namin ang oras na 'to para makapagpahinga. Nakakapagod kasi ang training namin kanina, pero ayos lang, gano'n talaga. Kailangan naming gawin 'yon para handa kami sa kung ano man ang mangyayari bukas.
Busy'ng-busy naman ang mga staff sa pag-aasikaso ng mga gagamitin namin bukas. Inaasikaso na rin nila ang mga shirt dahil kailangan bago mag-game 2 prepared na 'yon. May possibility kasi na hanggang game 2 lang, depende kung masusunod-sunuran namin sila o nila kami.
Who knows?
Since best of three ang series, first to get two wins ang labanan. Kaya 'pag nakadalawang panalo, matic na champion na agad.
Inaayos na rin ang schedule dahil may kasabay pa rin naman kaming maglalaro. UoSJ Vs. SPU yata ang maglalaban para sa bronze medal. Hindi ko sigurado pero parang sila nga yata. Sobrang dami ring banners ang kinakabit kanina at lahat 'yon tungkol sa Finals na magsisimula na bukas.
Hindi rin nakaligtas ang Finals sa Sports Fest App. Kahapon pa yata may nagrarant about sa magkabilang team. Sa aming mga babae wala masiyado, sa mga lalaki ang toxic, palibhasa karamihan sa tagahanga babae kaya mahilig makipag-away, pero hanggang online lang naman.
Wala...
Mahihina...
Kahit nakahiga na ako sa malambot na kutson, ramdam na ramdam ko pa rin ang pananakit ng likod ko. Isa na yata sa pinakanakakapagod na araw na naranasan ko. Buti na lang isinama ni Kuya Reiven si Alex. Walang nanggugulo sa akin ngayon kaya nakakapagpahinga pa ako.
Salamat...
Shoppee...
Nakita kong biglang bumukas ang pinto. Narinig ko ang tawa ni Alex kaya nagtulog-tulugan agad ako. Pinikit ko ang mata ko at mabilis na nagtalukbong ng kumot. Sana naman 'wag niya muna akong guluhin. "Kunwari tulog ako ah?" Bulong ko kay Sydney.
Tumawa siya ng mahina. "Sige ba, basta kunwari tulog din ako."
Bwiset...
"Hello lo yow!" Mukhang masayang-masaya na naman siya dahil pambungad pa lang mabubuhayan ka na. 'Yung tipong pati mga nasa ilalim ng lupa mapapabangon at mapapaahon.
"Hello."
"Hi."
"Uy nakabalik ka na?"
"Si Coach?"
"Nandoon," sagot niya. Tikom na tikom ang bibig ko at kahit naka-aircon parang pawis na pawis ako.
Bakit ko ba kasi siya pinagtataguan?
"Nasaan si Babe?" Tanong niya sa mga kasama ko. Lintek, pati paghinga ko pinipigil ko.
Darylle anong konek?
"Ayon oh," tinuro siguro ako ni Loona. Boses niya kasi ang narinig ko.
"Aha," sabi ng Bula. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, parang may itim na salamangka na naman kasing bumabalot sa kaniya ngayon. "Nandiyan ka lang pala Babe ah? Nipagtataguan mo na naman ako." Gusto ko ng matawa dahil naiimagine ko ang hitsura niya ngayon na mukhang timang. "'Wag kayong maingay, gugulatin ko si Babe." Hininaan niya pa ang pagkakasabi sa pag-aakalang magogoyo niya ako.
Utot mo...
Naramdaman ko na ang paglapit niya kasi hindi naman talaga ako tulog. At kahit anong gawin niyang gulat hindi niya ako magugulat kasi alam ko 'yung gagawin niya. Pinakiramdaman kong maigi ang paligid ko kasi parang nag-iisa na lang ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
Aktuelle LiteraturContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22