🏰ERIC🏰
Sobrang saya ko dahil nanalo ako kahit ito pa lang ang unang taon ko rito. Hindi biro ang pinagdaanan naming hirap bago makatungtong sa kinaroroonan namin ngayon. It was indeed a great experience.
Kasalukuyan kaming nag-iipon-ipon ngayon sa labas. Pauwi na kami, hinahantay lang namin sina Coach dahil kailangan naming sumama sa party. Hindi naman ako kabado dahil kasama ko naman si Clarence. Gaya ko ay kasali rin siya sa Mythical Six.
Hindi naman kami magtatagal. Sasama lang kami roon bilang pag-galang sa mga nakasama namin. Siyempre hindi naman kami p'wedeng hindi sumipot. Party 'yon para sa team kaya dapat nandoon kami.
Magsasabay-sabay kami sa pagpunta ro'n sa venue para hindi kami mahirapan. Sobrang traffic din kasi sa labas kaya nahihirapan ang ibang sasakyan na lumabas. Pinauna na nga namin ang mga bus para hindi talaga kami mahirapan.
Nahihiya naman ako kina Tito David. In-invite kasi kami ni Papa pero tumanggi si Papa. Ang sabi niya may gagawin pa raw siya. Ako naman, hindi makahindi sa mga kasama ko. Pinayagan ko na dahil last naman na 'to. Sa mga susunod na araw puro training na lang 'tsaka mga Tune up games.
Sa condo rin ako uuwi, dahil 'yon ang sabi ni Papa. Mag-iinom kaming dalawa mamaya kaya hindi talaga ako p'wedeng magtagal. Dadalaw pa kami kay Mama kaya hindi talag uubra. Kakain lang siguro ako tapos kaunting kuwento then larga na.
"Tara na Babies," yaya ni Voltra. Isa sila sa reason kung bakit natatakot akong sumama eh. Baka mamaya mabiktima pa nila ako. Sabi kasi ni Clarence, kaya raw hindi rin siya nagtatagal dahil sa kanila. Nanglalasing daw kasi 'yang mga 'yan.
Mahirap na...
Sumunod na kami kaagad. Gusto ko sanang humabol kina Ganda, kaya lang mukhang may lakad sila. Narinig ko kasi 'yong sinabi ng lalaking matanda kanina. Dadalaw na lang siguro ako bukas o sa makalawa, kasi sigurado akong hindi uuwi si Ganda sa boarding house.
"Clarence sakay na," sabi ko. Maganda nang magsabay kami para may rason ako mamaya na umuwi ng maaga. Sanay naman na sila na maagang umuuwi si Clarence eh. "Malayo raw ba 'yon?"
"Baka doon lang 'yon sa dati. Baka nga kasama pa natin 'yong ibang team."
"Kapagod no?" Natawa na lang ako. Nakakalungkot dahil tapos na, pero sa kabilang nanda parang ang laking luwag din kasi wala na kaming iisipin.
"Oo naman, pero masaya."
Tumango ako. 'Yon naman ang pinakamaganda ro'n eh, 'yong nag-enjoy kaming lahat. Manalo o matalo sa tingin ko magsasaya naman ang lahat. Pero siyempre, iba pa rin nga kapag nanalo ka.
Ilang sandali pa kaming bumiyahe at narating din sa wakas ang sinasabi nilang venue. Sa palagay ko pang buong Camp Bridge 'to, kasi ang daming sasakyan sa labas. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Sean.
Napailing na lang ako. Sa totoo lang, ako 'yong nanghihinayang sa taong 'yan. Ang ganda-ganda ng buhay niya. Sobrang ayos tapos sinasayang niya lang. Maganda ang trabaho ng mga kamag-anak niya. Kumakain sila ng masasarap na pagkain. Mabait ang Daddy niya, gano'n din ang Mommy at Ate niya sa kaniya.
Kaya ano pang hinahanap niya?
Bakit siya nagkakaganiyan?
Isang malakas na music ang sumalubong sa akin. Nanakit kaagad ang tenga ko. Mahilig ako sa malakas na sounds pero hindi ganiyan, mas gusto ko love song, p'wede na ang jazz and reggae, 'wag lang hard rock and heavy metal.
"Cheers!" Malakas nilang sigawan.
Gusto ko na lang maawa sa mga magulang nila. Mga naka-uniform pa ang mga lalaki tapos nag-iinom na. Ang mga babae naman nag-iinom din and worst, mga nakakandong sa ibang players na lalaki.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22