🏰GLYDEL🏰
Hating gabi na pero hindi pa rin ako matulog-tulog. Nakatingin lang ako sa labas at lutang na lutang kakaisip kung bakit gano'n ang kilos ni Jaime kanina. Hindi ko alam kung aware ba siya o talagang ako lang ang nag-iisip ng gano'n, kasi nga guilty ako.
Inaamin kong sobrang nakokonsensiya ako kanina. Lalo na 'pag kinakausap ni Jaime si Alex. Parang gusto ko nang umamin kanina. Parang gusto ko nang sabihin sa kaniya na 'yon ang apo niya at hindi ang kasama nila kanina.
Pero hindi p'wede...
Hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko. Lalo na 'pag naaalala ko ang mukha ni Jaime na kumukulubot na. May parte sa akin na natutuwang makita siya, pero galit pa rin ako. Galit ako sa kaniya, sa kanila, sa lahat ng tao kanina maliban sa mga kasama ko.
Sinungaling sila...
Mga plastic!
Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga. Naramdaman kong gumalaw ang kamay ni David na nakapulupot sa bewang ko.
"Sorry," sabi ko kaagad. Nagising ko yata siya.
"Ano ka ba? Parang ka namang eng-eng niyan." Tumawa siya bago hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Nakatalikod ako sa kaniya kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya. "Matulog ka na. Kanina pa kita pinakikiramdaman."
"Hindi ako makatulog. Nakokonsensiya yata ako."
Rinig na rinig ko ang paghinga niya. "Sabihin na ba natin?"
"Hindi, kukunin niya sa akin si Alex." Oo nakokonsensiya ako, pero hindi ibig sabihin non hihinto na ako. Malaki pa ang kasalanan nila sa akin, kaya hinding-hindi ko sila tatantanan. Si Alex lang ang alas ko para makaganti, both sides...
Akala nila okay na kami? Hindi pa ako nahihimasmasan, lalo na't nakikitang kong maayos sila. Samantalang ako, grabeng hirap inabot ko sa pagpapalaki ng anak niya.
Pakasaya na siya...
Yari siya sa akin...
"Tuloy pa rin ang plano? Mukha namang walang alam si Taipan eh. Chill na chill nga kanina."
"Kaya nga," napatango ako. Kahit papaano, nabawasan ang kaba ko. Kilala ko ang taong 'yon, hindi 'yon nag-aaksaya ng panahon, kaya sigurado akong wala silang alam.
Pero...
Bakit nila kami niyayaya?
"Sasama ba tayo?"
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Naka-oo kasi si Tonton kanina, dahil hindi siya makatanggi sa Papa niya. Naiintindihan ko naman ang kalagayan niya. Ang sabi pa nga niya kanina, ayos lang naman daw kung sila lang ang sasama.
Ayaw ko namang tumuloy, pero parang gusto ko rin. Gusto kong manggulo eh. Gusto kong makita nila ako, kagaya kanina. Hindi sila makapagsaya ng sobra kasi nandoon ako. Alam ko, ramdam na ramdam kong ilag na ilag silang lahat sa akin.
Well dapat lang, dahil isang maling galaw lang nila may kalalagyan silang lahat sa akin. Hindi ako papayag na gano'n-gano'n na lang lahat 'yon.
"Bukas ko sasabihin kung tutuloy tayo." Bahagya ko siyang nilingon. "David, patulugin mo ako."
"Tara rito..." Bumangon kaming dalawa. Naupo siya sa kama at sumandal sa headboard nito. Ipinatong niya ang unan sa mga hita niya at doon ako pinahiga. "Higa ka na." Tinapik niya ang unan kaya napangiti ako. Humiga ako malapit sa kaniya at yumakap sa tiyan niya. "Matulog ka na ha? Hindi maganda ang nagpupuyat lalo't may edad na tayo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22