🏰GUIONE🏰
Nagsimula na ang laro, suwerteng si Yixing ang nanghalimaw sa tapikan kaya tangan ko na ngayon ang bola. Nakakakaba talaga, lalo na ang tilian ng mga nanonood. Nagsisimula pa lang kami kaya matataas pa ang energy nila. Bahagya kaming bumagal nang marating na ang court.
Sentro to sentro ang labanan nila Yixing sa gilid. 'Yung Melañez naman ang bantay ni Jason, si JC doon sa pinsan ni Xing, ako rito sa Aquino at si Matt, doon sa kupal. Bahala siya diyan, kayang-kaya na ng pisi niya 'yan. Ang kinakatakot ko lang baka hindi makaporma si Matthew diyan kasi nga alam niyo na, parang kinoconsider pa rin ni Matt na tropa 'yan, pero ako hindi na talaga.
Wala siyang kuwenta...
Pinasa ko kay Matt ang bola dahil siya lang ang malapit sa akin. At bukod pa ro'n, masiyadong feeling close 'tong bantay ko at tila ayaw talaga akong tantanan. Agad namang pinasa ni Matthew kay Yixing ang bola, pero natapik nitong pinsan niya kaya sa mga nakapula na ang possession ngayon. Nagsisigawan tuloy ang mga nakapula.
Masiyado kasing malaki si Yixing lalo na kung ikukumpara sa pinsan niya. Mas madali talagang makakagalaw ang pinsan niya, dahil maliit 'yon. Disadvantage ng masiyadong malaki, hirap sa pagyuko. Pinasa ni Dimaculangan ang bola doon kay Melañez.
Same pa rin kami ng binabantayan, kahit nagrorotate sila. Hindi namin napagplanuhan kung sino ang babantayan kaya kung sino na lang ang natapat sa amin kanina 'yon na lang.
Si Melañez ang nagdadala ng bola ngayon kaya bantay-bantay nila Matt ang loob. Maya-maya pa ay pinasa na niya ang bola kay Sean. Masiyadong mabilis ang play nila, kaya hindi napansin ni Matt at Yixing si Sean na lumusot sa likod nila at dumiretso na sa loob. Siya ang nakabutas ng basket nila.
"Aaaaaaaa!"
"Sean!"
"Ang gwapo mo!"
"Go Sean!"
Ibang-iba na naman ang ngiti niya. 'Yung ngiti na maaasar ka talaga kahit hindi mo naman alam kung bakit. Ganiyan talaga siya kahit noon pa, kaya lang dati hindi ako naiinis kasi kakampi ko siya. Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam kapag siya ang kalaban, kaya hindi ko masisisi kung bakit maraming naiinis sa kaniyang lalaki kahit noon pa.
Pinag-igihan ko ang pagbabantay ko rito sa Aquino. Ito mukhang mabait-bait naman. Tahimik lang siya, wala kang maririnig na kung ano, basta nagbabantay lang siya. Medyo mahirap nga lang siyang takasan, mala-Luke ang galawan.
Pansamantala akong sumaglit sa loob para tulungan si JC na natatraffic sa loob. Dino-double team siya ni Sean tapos 'yung pinsan ni Yixing. Nakita niya ako kaya patalikod niyang pinasa ang bola. Agad naman akong nahuli nitong Melañez kaya kay Yixing ko na lang binigay, dahil siya lang talaga ang malapit.
"Jason, Jason," taranta kong sabi nang makita ko si Vasquez na libre pa sa libre. Palobong pinasa ni Yixing ang bola sa kaniya. Kaya pala sigaw ng sigaw kanina pa, kasi wala pala siyang guwardiya.
Nanakbo pa si Aquino sa kaniya at tumalon. Sinubukan niyang harangin ang bola na ngayon ay magmumula sa arko. Pumito pa ang referee kasabay nang pagpasok ng bola sa basket.
Foul counted!
"'Yon!" Talagang lumapit ako sa kaniya at nakipag-apir. Nag-ipon-ipon kaming mga lobo.
"Nice one classmate." Ginulo-gulo ni JC ang buhok niya.
Pumunta na si Vasquez sa linya para kumpletuhin ang 4 point play opportunity na iginawad sa kaniya. Nilingon ko si Sean na abala sa pakikipag-usap sa nakafoul kay Jason. Ganiyan talaga siya, hindi naman talaga namin matatanggi na magaling talaga siya, pero sa Basketball lang talaga. Sa acads sila ni Marco ang medyo tagilid.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22