Chapter 569: SISI

109 19 6
                                    

🏰REIVEN🏰

Dumiretso agad ako sa bahay nang tawagan ako ni Papa. Humangos ako nang pumasok sa loob. Naabutan ko silang dalawa ni Mamaw na nakaupo. Nakasandal si Mamaw sa balikat niya habang umiiyak.

"Papa..." Doon niya lang ako napansin. Unang tingin pa lang eh naawa na ako kaagad. Alam ko, alam ko ang nararamdaman niya ngayon. Para na rin siyang namatayan. "Sila Taipan ang kumuha tama ba?" Tumango si Papa. Napaupo ako, dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang sunod naming gagawin.

Kung babawiin kasi namin si Dalaga, parang kakapalan na 'yon ng mukha. Wala kaming karapatan sa kaniya kung tutuusin, dahil hindi naman talaga namin siya kaanu-ano. Sila, sila ang may karapatan kaya parang nakakapangdalawang isip kung tutuloy ba kami o didiretso pa.

"Wala na 'yong anak ko..." Hinang-hina na si Mamaw, dahil halos lumaylay na ang buong katawan niya. Pero ang iyak niya, mukhang walang balak huminto. "Hindi ko alam kung paano ko babawiin si Nguso."

"Tama na, 'wag ka nang umiyak." Hinagod ni Papa ang likuran niya. "Pag-iisipan natin okay? Hahantayin natin sina Morgan, pauwi na sila. Tahan na, Glydel." Pinunasan niya ang pisngi ni Mamaw.

Wala sa sarili akong napangiti. Ang sarap nilang pagmasdan, dahil alam kong kahit madalas silang magtalo, mahal nila ang isa't-isa. At siguro nga, matagal nang may gusto si Mamaw kay Papa, pero pinipigilan lang niya dahil takot siya. Takot siyang maulit ang nangyari sa kaniya.

"Gagawan natin ng paraan 'to, Mamaw." Sinikap kong palakasin ang loob niya. May magagawa pa kami, hindi ko nga lang alam kung nasa hulog pa ba 'yon o hindi na.

Ang importante sa ngayon, alam namin kung nasaan siya. Hindi nga lang namin alam ang sitwasiyon niya, pero sigurado naman akong hindi 'yon pababayaan ng Lolo niya. Sigurado akong hindi nila hahayaan na masaktan siya.

Sana okay lang siya...

Ilang beses naming sinabihan si Mamaw ng kung anu-ano'ng nakakagaan ng loob, pero wala namang epekto. Lalo lang siyang naiiyak. Sakto namang dumating na sina Anaconda at Viper. Maigi 'to, may karamay na kami at katulong sa pag-iisip ng susunod na gagawin.

"Naisahan tayo..." Iiling-iling si Viper matapos marinig ang kuwento namin. Maging siya ay hindi makapaniwala. Ang ganda-ganda pa kasi ng plano namin kanina. Hindi namin inaasahan na habang nagpaplano kami ay pinagpaplanuhan na rin kami ng iba.

Nakakagulat talaga...

"Sa totoo lang, hindi ko alam ang susunod nating hakbang." Napayuko ako dahil doon. Mukhang pareho kami ni Anaconda ng iniisip ngayon.

Ano nga naman ang laban namin? Eh sila ang tunay na kamag-anak at hindi naman kami.

Ang hirap ng ganito, dahil kami ang magmumukhang masama kahit saang anggulo tignan. Kahit dalhin pa 'to sa korte wala pa rin kaming laban. No choice talaga kami ngayon.

"Tumigil ka na," ani Papa Morgan kay Mamaw na umiiyak na naman. "Boa, ano ba? Tama na 'yan, kung nandito si Taipan tiyak pagtatawanan ka non."

"Hayop ang matandang 'yon, kinuha niya sa akin ang anak ko. Ayaw niya talaga akong sumaya. Mga peste talaga sila sa buhay ko."

"Mabuti pa, magpahinga ka muna."

"Paano ako makakatulog, Morgan? Paano? 'Yong anak ko, baka umiiyak na. Baka natatakot na siya. Kawawa ang anak ko, mabibigla siya. Wala siyang alam sa nangyayari." Muling napahagulgol si Mamaw kaya napapikit ako. Ayaw na ayaw ko kasing nakakakita ng babaeng kinakawawa. Naiinis ako kapag gano'n. "Matatanggap ko kung nagsabi sila sa akin na dahan-dahanin, kaso binigla nila. Kinuha nila kaagad. Alam ko namang mali ako, mali tayo, pero sana naisip nila ang kondisyon niya. Hindi na siya normal."

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon