🏰ALEX🏰
"Aray ray yow," pag-iinarte ko. Talaga namang nagcry-cry ako dahil sa nagpull sa akin. Nashocked kasi ako kaya naiscared ako. Nilakasan ko pa ng kaunti ang iyak ko para mas makatrue-true-hanan.
"Baby I'm sorry. I didn't mean to hurt you. Nabigla lang ako."
Agad na nandilim ang paningin ko nang mabosesan ko ang paepal na espasol na 'yan. Siya pala 'yung nag-pull sa akin. Umaaligid na naman siya rito sa tabi-tabi, kaya pala ang baho na naman. "You is the pangit here!" Inis kong sabi. Bwiset eh, nipull ang clothes ko. 'Di niya ba alam na expensive 'to? Yari 'to sa kayamanan ko.
"Alex I'm sorry. Sosorpresahin lang sana kita."
"Ipal ka." Niirapan ko siya. Sosorpresahin? Bakit? Mukha ba akong mahilig sa sorpresa?!
At saka kahit naman anong gawin niyang gulat sa akin matagal na akong natatacute kapag nakikita ko ang pagkapangit-pangit niyang pagpeface. Assuming nitong espasol na 'to. Benta kita diyan eh, makita mo!
"Good luck," nakangiting sabi niya. Napangiwi at napairap ako. "'Wag ka na magtampo, sorry na." Hinawakan niya na naman ang face ko. Lalong sumama ang hitsura ko.
Nagtampo?
Ako?
Kailan?
"Alisin mo nga 'yan." Tinampal ko ang kamay niya. "Yuck," inirapan ko ulit siya. "Isa," banta ko nang lumapit pa siya sa akin lalo. "Aalis na ako. May laro pa ako. Bobo ka. Siguro sinasabutahe mo ako no?" Oo nga, sister school nila ang kalaban namin. Uh huh, bwiset kang espasol ka. "'Kala mo hindi ko malalaman ang plano mo?"
"What are you saying?" Pagmamaang-mangan niya pa kahit na huling-huli na.
'Wag ako...
Baka gold 'to!
"What are you saying? What are you saying ka pa diyan? Espasol ka naman. Ang baho mo. Hmmp!" Inambahan ko siya ng sapok, pero tinamad ako kaya hindi natuloy.
Sayang naman...
Next time na nga lang!
"Alex wait lang," talagang nipipigilan niya pa ako. Napakakupal naman ng espasol na 'to. Balak niya akong chikahin para makalimutan ko ang tungkol sa laro namin. Siyempre nga naman, kapag hindi ako nakaplay, talo na kami kasi ako nga lang ang may extra powers na hindi tataglayin ng kahit na sinong baby'ng uod.
"What ba?! Magpeplay pa ako!"
"Saglit lang..." Nipull niya na naman ang clothes ko! Nakakaannoy na!
"What ba kasi 'yon?!" Nipipilit kong iremove ang hands niya. "Arouch! Isusumbong na kita sa Kuya ReiRei ko!" Pinaghihit ko siya sa arms.
Bakit nga ba buhay pa 'to?
Akala ko ba babanatan siya ni Kuya ReiRei?!
"Pakiss ako," aniya na parang nagpapamercy rin sa akin. "Sige na please. Isa lang."
Imitate-imitate talaga!
"No no yow," sabi ko. Ayaw ko, wala ako sa mood mang-kiss ngayon kasi nirereserve ko ang energy ko para sa nalalapit kong paghahabi ng basahan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22