🏰ALEX🏰
Hindi ko napigil ang inis ko at sa buhok ko naibunton. Lintek naman kasi, isa na lang hindi ko pa naipasok. Talagang nanlumo ako dahil doon. Winner na naging stone pa!
Ka-annoy...
Siguro kaya naging stone ang pagka-winner namin dahil Kingstone ang pangalan ng school namin.
Nakaka-iyak...
Nagsisigawan ang madlang pulpol nang maubos ang oras. Sila lang ang happy sa nangyari. Ako, hindi, kasi tired-tired yow na ako. Nagrereklamo na ang kayabangan ko. Masakit na raw ang paa niya.
"Kuya ReiRei sowi po!" nanakbo ako papunta sa kaniya.
"Bakit?" nakangiting tanong niya. "Okay lang 'yon, ano ka ba? Ang galing-galing mo nga eh."
"Hindi pa naman tayo winner eh. Ang bobo ko kasi." Papaluin ko sana ang ulo ko, kaya lang nahawakan niya kamay ko.
"Bad 'yan, 'wag ganiyan dalaga magagalit kami sa 'yo nila Papa niyan." Hindi ko mapigil ang pagnguso ko. Nasa-sad talaga ako nang so much. "Okay lang 'yon, kung hindi nga dahil sa 'yo dapat talo na tayo eh."
"Kung hindi dahil sa akin dapat panalo rin tayo. Sayang 'yong one point." Naiinis talaga ako. Nakakasura talaga.
"Okay lang 'yan, mahahabol natin 'yan."
"Eh paano kung matalo?" 'Yan talaga ang iniisip ko. Baka imbes na panalo na mauwi pa kami sa kangkungan.
Paano kung maubos na ang yabang ko? Paano kung layasan na ako dahil sa sobrang pagod na inaabot niya dahil sa akin?
Lagot ako...
"Mananalo tayo. Ikaw ang bida rito 'di ba?" Napangiti tuloy ako. Ni-hug ko ang Kuya ReiRei ko. "Girls pahinga muna saglit." Uupo na sana ako nang tawagin ulit ako ni Kuya. "Inom ka na, 'wag ka na ma-sad. Malulungkot din niyan sila Papa, sige ka. Gusto mo 'yon? Ako? Ayaw ko 'yon."
"Ayaw ko rin," naka-smile kong sagot. Nikuha ko ang binibigay niya at saka tinungga. Tama si Kuya ReiRei, hindi ako matatalo kasi ko ang bida. At saka may kayabangan pa ako, eh 'pag meron ako nito wala akong talo.
Bleh...
Naupo muna ako saglit habang nagpapakondisyon. Kailangan mas malaki na ang lamang namin mamaya, para hindi matawag na chamba ang pagkapanalo namin. Dapat mas maliwang sa sikat ng araw na kami ang panalo.
Mahaba-habang paguran na naman 'to, kaya kayabangan, chill ka lang diyan ha? Babalatuhan kita kapag winner tayo mamaya. Kapag loser naman, ako ang babalatuhan mo.
Hehehe...
Tabla sa 77 ang laro namin. Talagang apat na palakol ang nandoon sa taas ngayon. Okay na rin siguro 'to, para mag-enjoy ang mga tao. Imbes na mayamot ay gagamitin ko na lang ang natitirang oras para yabangan si Mamaw.
Hindi ko kasi 'yan magawa-gawa kanina. Paano kasi, ang laki ng lamang nila sa amin. Kung yayabangan ko si Mamaw, tapos matatalo naman kami, eh di wala rin. Ako rin ang uuwing luhaan sa dulo.
Tinawag na kami ni Kuya ReiRei, dahil maglalaro na ulit kami. Kahit na tinatamad ay nagpunta na ako sa loob. Wala naman kaming choice. As if naman na makikinig sila kapag sinabi kong 'wait-wait yow lang tired pa ako'.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22