🏰DARYLLE🏰
Nagulat ako nang bigla akong patayan nitong si Alex. Napakabastos nitong Bula na 'to, ang ganda-ganda ng kuwentuhan namin eh. Tinawagan ko lang naman siya para kamustahin. Vacant na kasi namin ngayon, naghahantay na lang kami ng uwian.
Mukhang okay naman na siya, siguro pinagpapahinga na lang 'yon. Sana nga makapasok na siya, kasi sigurado bukas magle-lesson na. Humapyaw na nga kanina eh, may pa-pre-test na. Recorded pero 'di computed sabi ni Ma'am. Parang t*nga lang, ni-record pa eh hindi naman pala isasama sa computation. Remembrance lang siguro kung gaano kami kabobo dahil wala kaming stock knowledge.
Haist...
Napakahirap naman kasi, kung sino pa 'yong minor sub 'yon pa 'yong may terror na teacher. Ang ending, feeling major tuloy ang minor lang naman. Tapos 'yon pa 'yong laging kailangan ng output.
Sakit sa ulo...
"Nasaan na? Hindi na tumawag?" Kanina pa ako kinukulit ni JC. Nagsinungaling ba naman kay Alex. Hindi raw ibibigay kapag absent, wala namang gano'ng sinabi.
"Ikaw, sinungaling ka. Mamaya sabihin niya kay Tita 'yong sinabi mo eh."
Tumawa siya. Hindi man lang kinakabahan. "Ang lakas talaga ng hataw ng pinsan mo no? Paano mo naging pinsan 'yon?"
"Eh ikaw? Paano ka naging Lopez? Eh sabi nila matatalino raw 'yong mga Lopez." Nagtawanan ang mga classmate namin. Natahimik ako dahil baka na-offend ko naman siya, pero sa dating nang pagkakatawa niya, parang hindi naman. Sa kaniya pa nga ang pinakamalakas eh.
"Ampon nga lang kasi ako," aniya.
"Totoo?" tanong ko kay Georgina.
"'Wag ka maniwala diyan. Fake news 'yan, kamukha nga niya Daddy niya eh."
"Yuck," ani JC.
"Kahit makasampung yuck ka pa, kamukha mo pa rin Daddy mo."
"Si Mommy kamukha ko eh," aniya sabay belat. Lumayas na naman ang madaldal at lumipat sa kabila. Doon naman siya magdadaldal.
"Ayaw niya sa Daddy niya?" Hindi ko napigil ang pagtatanong.
"Lagi kasi siya pinapagalitan," sagot ni Georgina. "Tumira 'yan kina Yixing dati eh. Pinalayas kasi siya ng Daddy niya. Bagsak kasi siya sa isang subject."
"Math," sabat ni Kendrick. "Grade 8 yata kami no'n o grade 9? Basta Junior High School kami. Kaka-basketball niya 'yon."
Tinignan ko si JC na ngayon ay kinokotongan na ng classmate namin. Nandoon siya kina Jason at nakikidaldal. Talagang lahat yata ng nandito kasundo niya. Walang hindi, mapa-babae man o lalaki.
Natigilan kaming lahat nang pumasok na ang adviser namin. Nakita kong malapit na mag-uwian kaya pala nandiyan na siya. Nagsipagbalikan na kami sa mga upuan namin, kaya ang kaninang mukhang palengke ay naging mapayapa na naman.
"Students, bukas expect na magkaklase na sa lahat ng subject ha? Ang assignment 'wag kalilimutan."
"Yes Ma'am!"
Nilagay ko sa note ko na ire-remind ko si Alex about sa assignment. Malay niyo naman sapian ng kasipagan ang bruha at gumawa. Kahit softcopy na lang ang ibigay niya sa akin, ako na bahalang mag-print.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22