Chapter 449: WOMEN'S BASKETBALL FINALS GAME 1.2 (SFD11)

144 18 22
                                    

🏰SYDNEY🏰

Talaga namang mapapapikit ka sa sobrang lakas ng ingay na gawa ng mga suppporters ng kalaban namin. Hindi naman nakakagulat kasi normal lang na may magcheer sa kanila lalo na't schoolmate naman nila 'yon. Pumasok na 'yung last player nila, Karen Pearl Peralejo, jersey number 15, Point Guard. Tameme kami nang pumasok ang unang limang players na makakatapat namin. Ang lalaki naman kasi nila, mga kasing laki ni Alexbat higit pa. 'Yung center nila 'di hamak na mas malaki kaysa kay Yiren. Ang maliit lang sa kanila 'yung Captain Ball nila na mukhang napakalaki ng galit sa mundo. Mula kanina hindi ko pa siya nakikitang nakangiti.

Weird...

'Di niya ba alam ang salitang 'saya'?

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa eh...

"Ang lalaki," sabi ni Loona habang pinagmamasdan ang line up ng Brown Taipans. Isa lang ang nasisiguro ko, mukhang mapapalaban kami sa mga 'to.

"With their Head Coach Mr. Peter John Galvez."

"Go mga Lola kwo!"

Agad akong napalingon sa likod ko dahil nabosesan ko kaagad kung sino 'yon. Himalang makakanood ang mga bwakla ngayon. Pawis pa ang dalawa at mukhang haggard pa talaga. "Uy!" Hindi ko alam kung bakit parang nabuhayan ako. Natanaw ko na rin si Cassey na busy'ng-busy sa pagmamando sa mga bagong bataan niya.

Go Sis!

"Hoy Cassey snobber ka?!" Nangingibabaw ang bibig ni Kendrick. Palakad sila ni Georgina, naghahanap siguro ng upuan.

"Ay te nandiyan ka pala?" Doon lang siya napansin ng mamoy na abala sa pagsesermon sa mga biik.

Joke!

Atin-atin lang 'yon ah?

"Go KU!" Napalingon ako sa jumbotron dahil kami na yata ang tatawagin. Hindi ko alam na may pa-intro effect pala si Mayor. Isang malaking aral na talaga sa akin ang iniiwan ni Alex, 'wag mahihiyang magtanong.

Kuha niyo?

"Haringbato! Haringbato!"

"K-I-N-G-S-T One U!"

"KU! KU! KU!"

Halo-halong sigaw at boses na ang naririnig ko kaya hindi makapagsimula ang host. Aba, ayaw kasi magsikalma nitong mga lobo. Sige lang, sigaw pa kayo para magtagal at kinakabahan pa ako.

"Ang now..." Nahinto na naman siya dahil nagwawala lahat ng naka-abo rito sa loob. "The home of the Wolves!"

"Ahooo!"

"Sakalam!"

"KU!"

"Haringbato!"

"Kingstone University!" Gaya ng sa Camp Bell ay sabay-sabay na namatay ang ilaw. Ang pinagkaiba lang, sa pagkakataong ito, lights off talaga lahat. Walang ilaw na maaninag. Isang mahinang alulong ang bumuhay sa aming lahat. Maya-maya pa ay bigla na 'yung lumakas, kasabay nang paglabas ng mga mata ng lobo sa jumbotron. Sobrang daming mata non na namumula talaga. Isang nakakabinging halulong ang pumukaw sa atensiyon ng lahat bago nagliwanag ang video, kaya nakita ang mababagsik na lobo. Mata pa lang, nakakatakot na talaga. Sabay-sabay na nanakbo ang lobo na parang may hinahabol. Sabay-sabay nilang sinakmal ang halimaw na hindi ko alam kung anong klaseng hayop.

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon