Chapter 408: ABONOHAN MO MUNA

111 14 4
                                    

🏰GLYDEL🏰

Iiling-iling ako habang palabas ng hospital. Pilit kong inaalala kung saan ko nailagay ang susi ko. Sabi kasi ng Bibi ko wala naman daw siyang nakita. Kaya heto kami ni Nguso, naglalakad papunta sa parking lot. Binitbit ko na ang Nguso ko, dahil may pasok na 'to bukas. Hindi ko alam pero feeling ko may mali eh. Wala naman akong ibang pinuntahan maliban doon. Dala ko pa 'yon hanggang doon sa taas. Nilagay ko 'yon sa bulsa ko. No choice tuloy ako kun'di magpasundo sa guwardiya sa mansiyon.

"Mamaw bakit?" Tanong ng Nguso kong puro pagkain na naman ang bitbit. "May nakalimutan ka ba?"

"Ako? Wala ah," tanggi ko. Yayabangan na naman ako ng kupal na 'to 'pag nalaman niyang nawawala ang susi ko. Sasabihin na naman tumatanda na kaya ulyanin na.

Peste...

May kumuha talaga non!

"Sure ka na ba diyan?" Nakataas ang isang kilay niya bago ngumiti. "True ba iyan?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Baka ikaw ang may tinatago?"

"Ako? Wala ah," tanggi niya bago inupuan ang harap ng sasakyan ko. Napaka kapal ng pagmumukha. Parang gusto ko siyang sungalngalin lalo na 'pag naalala ko ang napag-usapan namin ni Fifty four kanina.

Mierd*!

Pinagmasdan ko lang ang kilos niya. Umiiwas siya ng tingin kapag natatawa. Nagkunwari akong walang napapansin kahit na may hinala na ako. Kina David may tiwala ako, pero sa isang 'to? Wala, lalo na't nalahian 'to ng mga manloloko.

"Nguso maglalakad tayo," sabi ko. Nagtaka ako kung bakit hindi man lang nagreklamo. "Wala ka bang sasabihin?"

"Bakit tayo maglalakad? 'Di ba may CAR ka?" Hindi ako makasagot, mapapahiya kasi ako. Hinimas niya pa ang hood ng sasakyan ko. "Ang pangit naman nito. Kailan kaya ako magkakaroon nito?"

"Hindi ka magkakaroon niyan, dahil abonado na naman nga ako." Inirapan ko siya. Nakakainis kasi, lagi na lang akong mag-aabono. Napakagastos pa naman ng batang 'to.

"Okay, ano maglalakad na ba tayo Mamaw?" Lalong kumunot ang noo ko. Parang ibang Nguso ang kaharap ko ngayon. Ang normal na Nguso, magrereklamo at mangungulit, pero ang Nguso ko ngayon game na game. Eh ang tamad-tamad kaya ng Nguso ko. "Ano Mamaw? Mag-sastand up ka na lang ba diyan?" Nginusuan niya ako bago nagsasayaw sa gitna ng parking. Sana may dumaan na sasakyan at sagasaan siya.

Kayamot...

"Tara," yaya ko. "Hoy bantayan niyo 'yan, babalikan ko 'yan." Bilin ko sa mga bataan ni Mamba. Hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nahahanap ang susi ng car ko.

Kingina talaga...

Tumatanda! Kumukunat!

"Nguso dito ka," inis kong sabi bago humabol sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya.  "Hello?" Sagot ko dahil tumatawag ang susundo sa amin.

"Mamaw who 'yan?"

"'Wag maingay," hinapit ko ang Nguso ko palapit sa akin. "Kumain ka lang diyan."

"RG4? Nandito na kami."

"Kami rin, nakatayo kami ni Nguso, este Fifty five."

HIM & I [SEASON 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon