🏰CASSEY🏰
Napakamot na lang ako sa ulo ko. I knew it, dapat hindi talaga ako pumayag na si Alex ang sumama sa akin. Nakalimutan ko kasi talaga ang tungkol sa laro na 'to. Nawala sa isip ko. Si Kendrick kasi ang daming kuwento kaya hindi ko napansin ang oras. Wala tuloy kasama sila Yohan na mag-asikaso.
Si Darylle niyaya ko kaya lang si Alex nagpupumilit sumama. Dalawa lang ang pass namin dahil wala si Sydney. 'Yung pass ni Alex hindi namin alam kung nasaan, kaya kami na lang dalawa. Takutin ba naman kami na iiyak daw siya ng sobrang lakas 'pag 'di ko siya sinama. Kaya nagpaubaya na si Darylle para walang gulo. Napagod din kaming hanapin 'to si Alex dahil bigla na lang siyang nawala. Ang sabi niya lang sa amin, may sinamahan lang daw siya na pangit pero may kakaiba sa ngiti.
Nagdate siguro sila ni Eric!
Hula ko...
"Alex dito ka na nga." Hinila ko na siya papunta sa gilid. Sa kamalas-malasan ay nandito pa 'yang sina Dylan. Hindi ko lang magets kung bakit sila nandito, eh hindi naman nila team ang naglalaro. Kaya lang naalala kong pinsan niya pala si Yixing, siya siguro ang reason. "Diyan ka lang."
"No no yow, doon ko gusto." Tinuro niya ang upuan ng mga players.
"Alex hindi ka naman player."
"Hindi, import ako, import. 'Di ba Coach Limer import mo ako?" Nakatawang tumango ang Coach ng mga lalaki. Nagtawanan pa sila kaya lalo akong nahiya. "Sabi sa 'yo eh..."
Sana pala nag-solo flight na lang ako...
Bigla niya na lang akong hinila at nakisingit doon sa mga players. "Usod!" Bulyaw niya kay JC.
"Ikaw talaga Danica crush na crush mo ako no?" Mapang-asar na tanong ni JC. Sa tabi niya kasi naupo si Alex, ako naman dito sa tabi ni Matthew.
"Pangit mo," inirapan siya ni Alex. Napailag pa nga dahil ngali-ngali siya nitong batukan.
"Aminin mo na kasi," ani JC. Nagkatinginan silang dalawa at sinenyas si Sean.
Nakangiting tumango ang beshiewap ko. Mukhang naintindihan niya ang nais iparating ni JC. "Ang pogi mo talaga," sabi niya kay JC. Nangunot ang noo ko. Nakita ko silang dalawa na palihim na nag-apir kaya mukhang nakuha ko na. Nakangiti kong nilingon ang grupo nila Ace na nakatuon ang mata sa gawi namin.
Parang ang sarap mantrip...
Umayos na ako ng upo at nanood na lang. Buti na lang hindi kami sinisita rito. Hindi naman kasi kami pwede rito sa bench ng players. Pero sabi nga nila, okay lang magbulakbol 'wag lang pahuhuli.
"Kanina pa kami inaaway niyan," narinig kong sabi ni JC kay Alex.
"Talaga?" Tanong naman ni Bubbles. Parang gusto kong pigilan si JC na parang hindi rin. Wala lang, nababadtrip kasi ako kina Ace eh.
"Oo, inaaway nga nila si Luke eh."
"Si Pareng Luke?"
"Oo, kanina niya pa inaaway." Parang bata na nagsusumbong si JC kay Alex ngayon. "'Wag mo tignan," saway niya kay Alex na balak lingunin sila Sean sa likod. Sure ako, nanlilisik na ang mata niyan ni Bubbles. "Tapos alam mo ba? Kaya siya nandito para idistract ang Kapitan namin, gusto niya kasi kaming matalo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22