🏰LUKE🏰
"Dahan-dahan!" panay ang sigaw ni Tita Glydel nang nanakbo pababa ng hagdan ang pasaway niyang anak. Isang maling hakbang lang kasi talagang sa tubig siya dadamputin, may mga bato pang malalaki. "Ang tigas talaga ng bungo ng batang 'to. Isa!"
"Dalawa!" Halatang sanay na sanay siyang sinasagot-sagot ang Mamaw niya.
Tigas ng ulo...
"Mamaya ka sa akin," inis na inis talaga ang Mamaw niya. Bitbit kasi nito ang mga gamit niyang... pambata. Hindi ko alam kung talaga bang ganiyan siya, puro cartoon character ang nandoon.
"Luke anak, magdahan-dahan ha?" bilin ni Papa. Humawak ako sa railings. Medyo nakakalula nga dahil mataas 'yon. Hindi na kasi kami p'wedeng dumiretso, dahil sasadsad na ang barko sa lupa, kaya dito lang kami sa may sea bridge bumaba. Ligtas naman akong nakarating sa baba. Iniayos ko muna ang dala ko at bumalik para alalayan at tulungan si Mommy na magbitbit. "Akin na, My."
"Thank you," she said then smiled.
"Dy, akin na." Kinukuha ko ang dala niya.
"Ako na," tanggi niya.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko ang magandang tanawin. Napakaganda ng dagat, malalakas ang alon at kitang-kita ang paglubog ng araw, na lalong nagpaganda sa dumidilim ng kalangitan.
Para akong nasa Italy...
"Ang ganda Mamaw!" Hindi malaman ni Wantawsan kung saan siya titingin. Parang ngayon lang siya nakakita ng ganito.
"Dito ka, mahulog ka." Hinila siya ng Mamaw niya.
Nagsimula na kaming maglakad. Nag-aabang na sa amin ang mga tao na nandito sa isla ngayon. Hinahangin ang mga buhok at damit namin dahil sa lakas ng hangin.
"Maligayang pagdating!" bati nila.
Mas maganda pala sa malapitan. May isang building na parang hotel. Nakatayo ito sa may bandang taas, sa may mismong bundok. Feeling ko, doon ang tutuluyan namin, kasi wala namang ibang nandoon. Kahit madilim ay halata ang puting buhangin ng dagat. Mukhang malinaw din ang tubig.
"Magandang gabi sa inyo," sabi ni Lolo Antonio. Lumapit siya sa isang matandang babae. Tumango-tango ito bago lumapit sa mga kasama niya. "Pakibigay na muna ang mga gamit niyo sa kanila. Ihahatid nila kayo sa kuwarto ninyo. Magpahinga muna kayo, mamayang alas siete maghahapunan na tayo."
"Thank you Tito, ang ganda rito," ani Tita Sarah. Maganda naman talaga eh, kaya napakahirap baliin ng sinabi niya. Mukhang hindi naman siya nagsisinungaling o bumabalimbing lang.
"Hindi tayo maliligo?" tanong ni Alex.
"Hindi," sagot ni Tita Glydel. Nagsimula na siyang maglakad. "Bukas na Nguso, kahit magbabad ka pa buong araw."
"Pero Mamaw gusto ko ngayon na."
"Madilim na."
"Magdadala ako ng flashlight." Natawa kami sa sinabi niya kaya napatingin siya sa amin. "P'wede naman 'yon ah?"
"Gunggong ka talaga, halika na." Hinila na naman siya ng Mamaw niya. "ReiRei halika na rito."
"Pa," tawag ni Kuya Reiven sa Papa nila.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 3]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 05/22/21 COMPLETED: 07/09/22