George's POV
Humiwalay muna kami ni Hanna sa barkada. Hinayaan muna namin sila umuwi. Since, yung boys ay nakastay sa bahay namin and ang girls daw ay nakastay din sa guest room nina Hanna. What the! Bakit ba kasi kami pa ang kailangan madamay ni Hanna?!
Pumunta kami ni Hanna sa Starbucks, sabi ko it's my treat since napaiyak ko siya kanina. At the same time, dun na din kami mag- uusap about the plan.
Hanna's POV
Sabi ni George, he'll treat me since napaiyak niya ako and we'll talk about the plan. Wish ko sana magka-ayos na sila for this plan.
"Here..." iniabot na sa akin ni George yung akin.
"Thanks..."
"Oh, bakit malungkot ka pa din?!" bigla yang kinuha yung coffee ko.
"Hey! Bakit mo kinuha yung ibinigay mo!" nakakainis!
"Ngumiti ka muna..." ARGH!
"Akin na yan!" tumayo talaga ako.
"Wag kang lalapit kung hindi hahalikan kita!" WTH! Grabe! He really said that! I mean, shout?! Ang daming tao oh!
"Mahiya ka nga!" lalabas na sana ako kaso...
"I'm sorry. Maupo kana please." sabi niya habang nakaupo.
He looks very serious... Yung tipong mangangain ng tao, kaya napaupo na ako.
"I'm sorry." bigla akong napatunghay kasi may pinahid siya sa mukha ko.
"Don't cry please. It hurts me."
"Okay..." tumayo siya tapos niyakap ako.
"Pag umiyak ka ulit, hahalikan talaga kita."
"Tumigil ka nga!" natawa naman ako.
Pinag- usapan na namin yung plan. Nice plan naman yung naisip niya. It goes like this.
Of course, boys will do the move, pupunta nalang kami sa kanila. Dun na lang din muna ako magstay sabi ni George kasi baka daw gabihin ako. Makikiusap kami sa classmates namin na sila ang gumanap sa bawat scene na pinag- umpisahan nila, tapos sa huli papasok ang boys nang naka-mask at sila na ang gagawa ng move nila! Syempre, alangan namang scripted pa din! Dadaan kami ni George sa bilihan malapit daw sa kanila ng white mask.
--**At Dela Cruz's Residence
Mga 6 pm na kami nakarating sa bahay ni George. GRABE! Mansion ata to eh, sa laki ng bahay.
"Hanna, feel at home." sabi ni George, pagpasok namin.
"At home?! Baka at castle?! Ang laki naman pala ng bahay niyo. May kasama ka ba dito?"
"Oo, yung boy---"
"Except sa boys." pipilosopohin talaga ako ng lalaking to.
"Di pa naman ako tapos! Yung boys at may little sister pero nasa camp sila ngayon eh kaya di muna siya makakauwi. Tara na."
Umakyat kami sa boys. Grabe, parang walang mga pakialam sa mga nangyayari.
"Hoy! Kumilos nga kayo!!!" sugod ko habang hinahampas sila.
"Hanna tama na!" sabi ni George. "Kalma lang..."
Naasar tuloy ako! Hmp!
"Boys, gusto niyo ba talagang magkaayos kayo ng girls?!" sabi ko.
"Oo naman Hanna. Lalo na kami ni Anne." sabi ni Joshua.
"Okay. Fine. This is the plan..."
--**Morning, at the school.
Maaga kaming punasok sa school at kinausap na namin ang principal ang everybody tungkol sa mangyayari. Buti na lang at naadjust ko ang watch sa may kitchen at mga alarm ng late an hour. Hahaha!
"Hanna!"
"Kuya! Ano po?"
"Nandyan na sila."
"Okay po! Thank you..."
Tumingin ako sa boys.
"Guys, ready?!"
"Ewan." Aba! At sabay sabay pa!
"Gusto niyo ba talagang magkaayos kayo!!!" sigaw ko.
"READY!"
Madali naman palang kausap eh. ahhahah!
BINABASA MO ANG
In my Dreams...
RomanceHow if I'll find my true love in my dreams? Is he my destiny? Thank you po!--->