Chapter 28: Girl Power

14 1 0
                                    

Hanna's POV

Hay.... I'm happy with George together with the kids, ang saya talagang bumalik sa dating lugar kung saan galing si Insan. Yes, my cousin, you know Kuya Jed? Yes, he's from that orphange, actually he is now with tita, of course his real mother. Iniwan siya for 5-8 years I think kasi mahirap sila dati but know, they are already okay.

Do you wanna know kung anong nangyari kanina? Wag na! 

--**FLASHBACK**--

Nakarating na kami ni George sa orphange, of course, nakapagpalit na kami ng school uniform. Baka mahuli kami na class time tas nasa labas kami, ma-guidance pa kami. Dinala na ni George sa loob yung box, sinalubong kasi kami ni Sister Rain.

"Hanna, ang tagal mo nang hindi nakakabisita dito ah." sabi ni Sister.

"Opo, marami na po kasing gawain ngayon tutal juniors na po." sabi ko.

"George? Ikaw ba yan?" tanong niya kay George.

"Opo Sister Rain. Matagal- tagal na din po akong hindi nakakabisita dito." sabi ni George, tama nga siya, nanggaling na siya dito.

"Sige, dalhin niyo na yan sa mga bata at sigurado akong magiging masaya yun."

Pumunta na kami sa likod. Itong orphanage na ito, may mga bata silang inaampon pero itong pupuntahan namin, mga batang hinahabilin ng mga magulang kasi busy sa trabaho. Si Hazel, my cousin (Casanova Couples), ganun ang ginagawa sa kanya dati, actually pati sa akin.

Pagpunta namin niyakap ako ng mga bata. Ang cute nung isa! ^_^

"Hanna, magtatagal ba tayo dito?" pagtingin ko kay George, nakakatawa na nakakaawa yung itsura niya! Kasi naman, bitbit niya yung box, tapos nakayapos sa kanya yung mga bata! Hahahhahah! Kaya siguro napatanong.

"Siguro... Hanggang hapon." sabay ngiti. "Akin na nga yan."

Pinaayos ko ng upo yung mga bata, syempre sa maayos na paraan tapos binigyan ko sila ng mgagamit sa kahon ko. Mahilig ako sa mga bata, kahit makulit pa yan, mapapabait ko yan.

"Ate." tawag nung bata sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Pwede po laro tayo ni Kuya George?" tama ba yun? Kilala na niya si George talang ako na nagyaya sa kanya hindi pa nila kilala?!

Tumingin ako kay George, ngumiti naman. Ito talagang lalaking 'to, masyadong bilib sa sarili.

"Ok, teka... Anong name mo?"

"Anna po." halos magkapareho na kami ng pangalan.

Naglaro kami ng taguan, ung mga bata talaga. Kami ni George yung unang taya, madali lang mahanap yung mga bata, kung mga tago nga sila kita pa din eh! Sa mga bata kasi, basta hindi na nila makita yung paligid sa pinagtataguan nila, ok na yun sa kanila. Pero...

"Nasaan na kaya si Anna?" bulong ko.

"Ano? Hinahanap mo yung sarili mo?" tanong ni George.

"Hindi no! Hinahanap ko si 'Anna'! Yung cute na bata!" kaasar! -_-

"Ah.... Yung tulad mo." sabay kurot sa pisnge ko.

"Hmp! Wait!" nakita ko na si Anna.

"Huli ka! Ahahhaha!" binuhat ko si Anna. Ibang klase magtago, parang hindi bata! Alam niyo kung san nagtago? Sa likod ng pinto, as in! Hindi siya kita! Kanina pa namin nadadaanan yung pinto pero nakita ko lang kasi biglang gumalaw! Hahhahha!

Nagpadeliver na lang ako ng Jollibee para sa mga bata, syempre itong si George nag-ala bata na din kaya yun na din yung amin. Habang nakain kami, may sinabi si Anna.

"Ate, pwede po ba na mommy at daddy namin kayo?" biglang nagsabi ng 'sige na po' yung ibang bata, syempre bata, hindi namin pwedeng tanggihan.

Nung mga hapon na, I think it's 1 pm, natulog na yung mga bata. Naglatag nga kami ng kumot sa damo, kasi dun daw nila gusto. Kami na lang ni George yung nag-usap, since hindi na kami bata para matulog.

"Hanna, pag naging tayo..." sabi niya.

"Hmm?"

"Anong gusto mong tawagan natin?" a-ano d-daw?!

"H-ha?! P-pwede n-namang w-wala dba?!"

"Gusto ko kasi na.... Wag na pala!" biglang nalungkot? ahhahaha! sige na nga, pagbigyan na.

"Sige na, anong gusto mo?"

"Talaga? Bahala ka." nakaka-aduwa din tong isang to eh! Siya may gusto ako ang papipi-- wait! May naisip na ako!

"Ma'mhie at Da'dhie!" napatingin sa akin si George.

"Ha?! Bakit?"

"Wala, napa-isip kasi ako asa tawag sa atin ng mga bata. So yun..."

--**END OF FLASHBACK**--

Dun kami nagkasundo, after nun, pinauwi na kami ni Sister kasi susunduin na sila ng parents nila. May iniwan akong favorite teddy bear na ako mismo ang bumili, savings ko, na ibinigay ko kay sister, sabi ko ipabigay kay Anna at wag iwawala.

Ako na ang nagdrive pauwi sa bahay, since mas malapit yung bahay ko kay George and may lakad pa siya, umuwi na ako. Pagpasok ko sa bahay....

"Hanna!" they say in chorus! What is the meaning of this thing? Bakit nandito silang lahat? All girls....

"Hanna, we need your help!" sabi ni Denise.

"Bakit?"

And the worst?! Sabay- sabay silang nagsalita! Argh!

"Girls! Can you please shut up first!" sigaw ko and of course, tumigil sila.

"Pwede naman sigurong isa-isa diba?!" sabi ko.

Kinuwento nila sa akin lahat at....

"What?! Yun lang?! Dahil lang kay... kay ewan kaya kayo nagkaganyan!"

"Eh kasi kinakampihan nila si Gi--"

"Teka! Ayoko na maririnig yung pangalan niya okay! Balik tayo sa inyo, pwede ba makipag bati na kayo sa kanila?"

"No!" sigaw nila lahat. Huhu! My eardrums!

"Fine! Gawin niyo kung anong gusto---"

"Help us!"

Wala akong magagawa, madami sila.... Majority wins! Ganito kasi....

Anne: Mahina daw ang kokote ng 't*nga niyang manliligaw' kaya siya nainis. Ang akin naman, baka naman nagpapalambing lang.

Denise: Ito ha, ayaw niya pa. Hinalikan daw siya in public kaya inasar siya ng mga glee members! Ang akin, same as Anne's situation.

Erine: Nag- init daw ang ulo niya dahil kampi DAW si Jiro kay... ehem! Pati ba naman kami dinamay pa? Ang akin? Jiro is just explaining and Erine didn't listen, meron ata si girl!

Kate: Hindi ko din alam problema nito eh! Ewan ko ba dito sa babaeng to... Pero for sure, baka about SAMIN din yun!

Mariel: Ayun! Hindi maintindihan ang gagawin kasi nga daw, may kasalanan pa daw siya kay Andrew. Hindi niya daw alam kung paano magsosorry. Hello? Kaya nga siya nilapitan eh!

Darren: Biruin niyo! Pagkamalan daw ba ang manliligaw na BAKLA?! *natatawa* Myghad!

Maagang natulog ang mga babaita with pugto eyes! Biruin niyo, nag-iiyak na dito! Tatawagan ko nga si--

*ring**ring*

"Hello?"

"Hanna, si--"

"I was about to call you kasi it is all about---"

"OUR BARKADA LOVERS / OUR BARKADA LOVERS" we're always at the same point!

In my Dreams...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon