Chapter 26: Lucky to have each other...

17 0 0
                                    

George's POV

Bumalik ako sa bahay nina Hanna para malaman kung nandun siya, but there's 1 girl who caught my attention sitting in a swing under a tree house. And I know now where she is....

Lumapit ako sa kanya... She looked to the opposite swing and I heard she whispered...

"Hindi ko na alam kung sinong mag-oocuppy nito..."

Tinakpan ko ang mata niya...

"Sino ka?"

"Nandito pa naman ako..."

Hanna's POV

Tinanggal na niya ang kamay niya...

"George?" nagulat ako. Sumunod siya?

"Ikaw ha! Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Umupo siya sa kabilang swing. Ano? Kanina niya pa ako hinahanap.... Ibig sabihin...

"Ikaw ba yung tumakbo papunta dun na galing sa bahay?" tinuro ko yung tinakbo niya kanina.

"Oo. Nakita mo pala." umakbay siya sa akin.

"Sorry. Hindi ko kasi sure."

"Tara dun." sabi niya.

"Saan?" tinuro niya yung tree house sa taas.

Tumango na lang ako. Pag-akyat namin, umupo agad siya sa couch dun. Yes, house na maliit itong tree house, kaya nga tree "house" eh! Joke!

"Ano to?" tinuro niya yung box na nilagyan ko ng mga gamit na galing kay Gian.

"Ah... Ano.. Wala, yan ung mga gamit na ibibigay ko sa orphanage na naging part ng family ko." bigla yang binuksan. Hindi ko na napigilan, alam ko namang hindi siya magpapapigil eh.

"Galing kay Gi---"

"Ayoko nang marinig ang pangalan niya na sasabihin ng buong barkada." nakatayo pa din ako habang sinasabi yun sa kanya.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.

"Ok lang magpakabitter Hanna... Alangan namang nasaktan kana nga, magsasaya ka pa diba?" napatawa ako sa sinabi niya.

"Sabi mo eh." pinahid ko agad ang luha ko.

"Ok lang nailabas mo lahat, hindi yan masama dahil yan ang nararamdaman mo."

"Tumigil kana nga! Hindi siya yung taong dapat na iniiyakan no!" napatawa siya. "At ikaw!" tinuro ko siya. "Wag ka ngang magpaka-Mr. Expert dyan! Di bagay sayo." kiniliti niya ako sa tagiliran.

"Talaga lang ha?"

"George! Isa!"

"Dalawa?"

I kiss him on his cheeks. Yan! Tameme siya ngayon. Pumunta ako sa may pinto ng tree house.

"Buhatin mo na yang box. Samahan mo ako sa orphanage."

"O-okay..."

Bumaba na ako. Yun lang pala ang magpapatigil sa kanya. Hahahhaha! I'm lucky to have this guy...

George's POV

Napatigil ako nung hinalikan ako ni Hanna sa pisnge. Hindi ko akalain na gagawin niya yun. 

"Buhatin mo na yang box. Samahan mo ako sa orphanage."

"O-okay..." nauutal kong sabi.

Bumaba na ako dala yung box. Medyo mabigat pero okay lang. Kinuha ni Hanna yung scooter niya. Inilagay ko yung box sa apakan ng scooter tas bigla akong sumakay sa scooter, nagulat ata si Hanna na ako yung sumakay. It's my time na bumawi naman.

"Hanna, sakay na." sabi ko.

"Ako ang may-ari niyan kaya---"

"Sakay na dali."

Wala na siyang nagawa, kaya sumakay na siya. Hahahha!

"Hawak kang mabuti, baka ka mahulog."

"Teka! Alam mo na ba kung---"

"Mother Mary's Children ba? Alam ko kung san yun." nagulat siya nung nalaman ko.

"Teka pano---"

"Nalaman ko kasi yun yung nakasulat sa box. Matagal ko na din yung hindi napapasukan, nakarating na ako dun 5 years ago, pero tanda ko pa kung saan. Humawak ka nang mabuti, para safe ka ha."

"Fine."

Hahahhahaha! Naiinis na. Don't worry Hanna, wala akong gagawing masama. Napatigil ako, bigla siyang yumapos sa akin.

"Ano? Tara na."

"I-ito n-na nga..." 

Pinaandar ko na yung scooter. Whoo! Bro, bat ganito tong babaeng to? Kakatapos lang magdrama, sobra naman kung magbawi.

(A/N: Bakit? Ayaw mo? Sige, eeksena si Gian.)

Joke lang! Hhahhahahha! I'm lucky to have this girl...

In my Dreams...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon