Chapter 20 part 3.5: Sleep- (4th and 5th day) over....

42 3 0
                                    

Hanna's POV

Tatlo lang kami nina Anne at Denise. It's okay, marunong naman ako kasi nung summer, we play volleyball with our cousins and Anne, part of the family na siya. Habang naglalaro, serious kami. Yung guys, nagchecheer sa amin, of course si Johsua at Jake nagtatalo kasi  sila na si Anne daw ang mananalo, si Kate daw mananalo. Hay... Maya- maya lang....

"T-O muna!" sigaw ni Kate. 

Nakita naming tatlo na nakahiga na si Mariel sa floor kaya tumakbo kami papalapit sa kanila.

"A-anong nangyari?" tanong ni Denise.

"Nahimatay si Mariel bigla eh. Kanina pa din siyang nahihilo." sabi ni Darren.

Biglang dumating sila George, lumapit agad si Andrew kay Mariel. Hinawakan niya ang mukha ni Mariel at tinapik para magising.

"Mariel, gising." sabi ni Andrew.

"Dalhin ko muna siya sa room, babantayan ko muna siya." sabi ni Andrew.

"Ok." sabi nila.

Binuhat ni Andrew si Mariel papunta sa room namin, I feel something about them.

"Guys, may something ba?" tanong ko.

"Hanna, Andrew has a feeling for Mariel, kaso torpe siya." sabi ni Jiro.

"Ok. Sana masabi niya na kay Mariel."

Nagbalik kami sa paglalaro, sana talaga masabi na niya para alam na din ni Mariel and.... new Loveteam, Andriel... :)

Mariel's POV

AH! Ang sakit ng ulo ko! Ang sakit din ng likod ko, nagising ako na nasa room namin. Sino nagdala sa akin dito? Tinry kong tumayo pero di ko nagawa kasi nga masakit ang likod ko and my knees. Biglang may dumating.... A-Andrew?

"Gising kana pala. Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" tanong niya.

"Dami ha? Ok na ako. Masakit lang ang ulo, likod at tuhod ko." sabi ko.

"I-ito oh, inom ka muna ng tubig."

"T-thanks ha. I-ikaw ba nagdala sa akin dito?"

"Ha? Ah... Ah, o-oo."

"Thanks. A-andrew?"

"Mariel, so-sorry ha, gagaya na ako sa iba."

"Gagaya? W-D-Y-M?" (what do you mean?)

"Mariel, C-I-O-Y?" (can I court you?)

"Andrew.... Y-E-S."

Lumabas na kami ni Andrew, sabi ko sa kanya, ok na ako. Inalalayan niya ako, sakto naman na Badminton na ang next game namin.

Hanna's POV

Bumalik na sina Mariel at Andrew. Sakto Badminton na ang next game, kami nga lang ang nanalo sa Volleyball.

"Mariel, ok kana?" tanong ko.

"Yes. Sino nanalo?"

"Kami!" sabay sabi ni Denise at Anne.

"Congrats. So, game na tayo sa Badminton?" tanong ni Mariel.

"Mariel, pahinga ka muna. Baka kasi mamaya mahilo kana naman."  sabi ni Darren.

In my Dreams...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon